Kabanata 20

258 31 1
                                    

Nakailang lunok ako habang naglalakad papalapit sa silid ni Luan. Paulit ulit na pumapasok sa isip ko ang sinabi nila Ismael. Hindi siya tumatanggap ng kahit ilang libong salitang pasensya.

Bakit naman siya magagalit sa akin? Galit ba talaga siya? Pero ano naman ginawa ko? Nag-usap lang kami sandali ni prinsipe Helios, siya lang din naman ang pinag-usapan namin.

Nanginginig ang kamay kong pinihit pabukas ang pinto ng kanyang silid. Wala siya sa kanyang kama. Naglakbay ang mata ko sa buong detalye ng silid. Mas malaki ang kanya kumpara sa akin.

Parang silid lang din ng mga mayayaman sa mundo ng mortal. Ang mga gamit niya lang ay purong ginto at pilak. Nakakamangha na nakikita ko ngayon mismo ang tunay na ginto.

Natagpuan ko siyang nasa kanyang paliguan mag-isa. Napasinghap ako at naghanap ng pwedeng taguan kahit alam kong alam niya na nandito ako. Bampira siya kaya malamang ramdam niya.

Nakatalikod siya sa akin, kitang kita ang kanyang malapad na likod. Naglakbay ang mata ko sa bawat biyak ng likod niya. Napalunok ako at dahan-dahang umatras at pumihit palabas ng kanyang silid.

"Saan ka pupunta?"

Napatigil ako sa paghakbang at napapikit ng mariin. Tumuwid ako sa pagkakatayo at tumingin sa kanya. Nanatili siyang nakatalikod sa akin. Ang dalawang kamay ay ipinatong niya sa magkabilang gilid.

"Ah... b-babalik na lang ako kapag tapos ka na-"

"Lumapit ka rito."

Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Naglakad ako papalapit sa kanya. Tahimik lamang siya at nang nag-angat ng tingin sa akin ay halos manginig ang tuhod ko sa kaba. Ano bang mayroon sa mga mata niya? Pakiramdam ko may kung anong hiwaga roon na gusto kong malaman.

Basang basa na ngayon ang kanyang buhok. Hindi na siya maamo tingnan... para na siyang... ano...

"Hubad." malamig niyang utos nang nasa harap na niya ako.

Nakakapaso ang uri ng titig niya. Halatang galit nga siya. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang naghubad ng damit. Wala naman siyang kahit anong reaksyon. Hindi ko siya tiningnan habang kinakalas ko ang suot.

Bumaba ako at umupo sa tubig. Pasimple kong tinatago ang dapat na itago habang iniiwasan ko ang tingin niya. Kinakabahan ako. Idagdag pa na sobrang tahimik niya.

Tiningnan ko siya at naabutan ang kanyang tingin sa aking dibdib. Napalunok ako at mas lalong kinabahan. Hindi naman na iyon kita dahil natatabunan na ng tubig pero sa uri ng tingin niya parang malinaw na malinaw niyang nakikita 'yon.

"Wala akong ginawang masama, Luan. N-nag-usap lang kami..."

"Lumapit ka." napapaos niyang sinabi.

Para akong pusa na takot sa kanyang amo. Lumapit ako sa kanya gaya ng gusto niya. Wala pa rin siyang reaksyon ngayon at pinapanood lang ang paglapit ko na para bang nanonood lang siya ng walang kwentang palabas.

Nang nakalapit ay kinuha niya ang langis na nakapatong sa gilid at naglagay ng tatlong patak no'n sa kanyang palad. Umawang ang labi ko at napatitig sa kanya nang pinahiran niya ang balikat ko ng langis pababa sa aking kamay at pabalik ulit.

Ilang ulit niyang ginawa iyon. Nagpaubaya ako nang hinaplos niya rin ang aking leeg. Hindi siya sa mata ko nakatingin kundi sa katawan kong dinadaanan ng kanyang kamay.

Ang usok sa gilid, ang bango ng mga bulaklak at ng langis. Para akong nasa isang drama at si Luan ang bida.

Nadaanan niya ang tingin ko ngunit mabilis siyang umiwas. Mas lumapit ako sa kanya. Bahagya siyang natigilan pero nagpatuloy siya sa paghaplos ng kamay ko pababa at pataas.

Shadows of Darkness (Mortal Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon