Kabanata 24

223 27 0
                                    

Walang Luan na dumating. Iyon ang paulit ulit kong inisip paggising. Hindi naibsan ang panghihina ng aking katawan. Nananakit din ang aking leeg dahil nakailang kagat ang lalaking iyon.

Bagsak ang ulo, nanatili akong nakapikit habang walang tunog na umiiyak. Sobrang sakit ng buo kong katawan. Hindi ko na rin maigalaw maski ang daliri ko. Pakiramdam ko ay katapusan ko na. Sa ganito na ito matatapos ang lahat.

Ngayon lang ako nakaramdaman ng ganitong labis na panghihina.

Si ama at ina. Si Apollo pati na rin si Claudia at Noella. Sana man lang makita ko sila. Hinihiling kong makita muna sila.

"Sa mundong ito sarili mo lang ang iyong dapat na isipin." rinig kong sambit ng lalaki.

Wala na ang mga kasama niya dahil inutusan niyang magbantay sa buong gubat. Sila ang mga kyran. Ang mga bampirang kalaban ng mga taga palasyo. Ang bampirang nabubuhay sa dugo ng tao. At ako ngayon ang kanilang binabalak na patayin.

"Walang ibang makakapaglitas sa'yo kundi ikaw rin mismo, Stella. Kaya dapat mong gawin ang lahat para manatili kang buhay. Dugo lang naman ang gusto ko mula sa'yo. Hindi kita papatayin kaya huwag kang mag-alala."

Sa sitwasyon ko ngayon marahil isang kagat na lang ay tuluyan na akong mauubusan ng dugo. Nanatili akong nakapikit, umiikot ang paligid kapag dumilat ako kaya hinayaan ko na lang na bumagsak ang talukap ng aking mata.

"At gusto ko rin ipaalam sa'yo na hindi ka na hahanapin pa ng ikalimang prinsipe Luan. Mananatili ka sa akin at gagawin kitang kyran. Nabubuhay sa dugo ng mga tao. Magiging malakas tayong dalawa at mabubuhay ng napakahabang panahon."

Tanging iling lang ang naging tugon ko. Hinding hindi ako maniniwala sa kanya. Kahit na sabihin pa niyang hindi ako mahal ni Luan hindi ko siya paniniwalaan.

Hindi rin ako papayag sa binabalak niyang gawin. Hindi kailanman.

"Patayin mo na lang ako." nanghihina kong sinabi.

"Palagi kitang pinagmamasdan sa malayo dati. Alam ko kung kanino kang anak. Alam mo ba kung sino talaga ang iyong ama?"

Napadilat ako sa tanong niya, "A-anong ibig mong sabihin?"

Nakangisi siya pagkasalubong ko sa kanyang tingin, "Baka mali ang pagkakaintindi mo. Baguhin ko. Alam mo ba kung ano ang nagawa ng iyong ama?"

"Anong sinasabi mo? Isa siyang karpintero-"

Naputol ang aking sinasabi ng malakas niyang tawa, "Oo, alam ko. Pero bago iyon may nagawang kasalanan ang iyong ama, Stella. Kasalanang mahirap kalimutan ng tulad kong bampira... lalo na sa mga walang kwentang taga palasyo."

"Diretsuhin mo ako. P-paano mo nakilala ang aking ama?"

Imbes na sagutin ay tumitig lamang siya sa akin, "Kung ako sa'yo lumayo ka sa palasyo habang may oras ka pa. Sa oras na malaman nila ang totoo, ikaw lang ang kawawa, Stella. Tandaan mo ang sinabi ko."

"H-hindi ako aalis sa palasyo. Dadating si Luan at ililigtas niya ako. Hindi ako... maniniwala sa isang kagaya mo."

Umangat ang gilid ng labi niya, "Masasabi mo pa kaya 'yan sa oras na malaman mo kung sino ang pinatay ng iyong ama-"

Nakarinig kami ng ingay ng bampira sa malayong banda. Parang pinipilit o kinakatay. Tumayo ang lalaki at naging alerto ang kanyang mata. Nag-angat ako ng tingin sa buong paligid ngunit sandali lang iyon dahil umiikot ang paligid ko.

Nagpakita ang ibang kyran na nagtatago mula sa malalaking puno kanina. Taas baba ang kanilang dibdib na tila galing sa pagtakbo. Umiling ako at sinubukang dumilat ulit pero bumagsak lang ang ulo ko.

Shadows of Darkness (Mortal Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon