Kabanata 1

105 13 0
                                        


Kabanata 1

Nothing can ever replace the smell of our province for me. Mula pagkabata ko ay dito na ako lumaki sa probinsyang pinagmulan ng nanay ko.

Ngayong matanda na ako ay binabalik balikan ko parin itong probinsya namin not because my parents want to. Gusto ko dito, ngunit sa tagal din naman ng panahon na itinakwil ko ang probinsyang 'to, hihilahin padin pala ako muli pauwi.

Unti unti kong itinaas ang bintana ng kotseng dala ko at suminsin ng tingin sa luma naming bahay. Walang pinagbago bukod sa nagmukha itong haunted na bahay.

"Oh, Celeste?" Binitawan ni Tita Carmen ang hawak na pandilig nang nasilayan akong kabababa lang ng sasakyan.

Ngumiti ako. "Ako nga po," Saka ako bumeso.

"Hay, ang tagal n'yo nang hindi umuuwi dito sa probinsya. Buti at napauwi ka, where are your parents?" Nakakunot at nakapamaywang pa.

"Ah, hindi po dahil masyado po silang maraming inaasikaso sa Manila, si Daddy po eh may mga kinakausap na mga katrabaho sa ibang kumpanya. Pareho po silang nag aasikaso pa ng ibang bagay din bago umuwi dito,"

"Ah ganoon ba? Wala ng tao sa bahay ninyo eh, malamang iyan maalikabok jaan, gusto mo bang tumuloy muna dito sa amin?"

Tumango na lamang ako at dumeretso kami sa loob ng bahay nila Tita Carmen, mas malaki pa ang bahay nila sa bahay namin pero sobrang simple kasing tao itong si Tita Camille kaya naman hindi mo rin mahahalata na mayamang tao ang gaya nya.

"Ang totoo po niyan Tita, kaya po ako nandito eh para po dito," iniabot ko ang magarbong sobre na kakukuha ko lang sa bag ko.

"Invitation?" Nagtataka pa siya nang tingnan ako. "Are you telling me that you're inviting me, sa kasal mo? Ikakasal ka na?"

Natawa ako sa inasal ni Tita. "Yes po, gusto ko pong makapunta kayo sa day mismo Tita, ng wedding ko."

"Goodness gracious! Sino ba ang pakakasalan mo? Mabuti naman at nakalimutan mo na ang lalaking kinalokohan mo dati,"

Napangiwi ako. That man, again. "Nako, dadalhin ko nalang po siya dito Tita, next week po siguro para makilala n'yo s'ya."

Sa totoo lang naman, kahit ako wala akong idea kung sino ang pakakasalan ko. This marriage is fixed, hindi na ako humadlang pa dahil pakiramdam ko, hindi ko pa din naman nakakalimutan ang lalaking nasa nakaraan ko na.

Kaya nahihirapan akong harapin ang probinsya eh. Bumabalik lahat ng itinatakwil kong alaala. I was broken for years, mag-isa.

Tuluyan kong ibinagsak ang aking sarili sa upuan ng kotse ko nang matapos lahat ng agendas ko. "Hello Rita? Nandito na ba kayo sa Balanga?"

"Uhuh,"

"Oh? Where in Balanga should we meet then?" Sinimulan ko na ang makina ng aking sasakyan.

"Tara kain," Ani Rita.

"Gutom agad," Asar ko.

"Kanina pa ko nagddrive 'no, nagugutom na ako." Right, hindi nga pala si Aki ang nagdrive.

"Ayaw mo akong pag drivin, you're exaggerating about how I drive, ikaw nga itong ang lupit mag preno! Isang kurap nasa langit na tayo." Utas ni Aki sa background ng call.

Natawa nalang ako at naimagine ang busangot na mukha ni Rita dahil once again, naipamukha na naman sa kaniya na minsan ay overreacting siya at ampangit niya mag drive.

To Forget Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon