Kabanata 20
"Uri, san ka na?" Casual kong tanong kay Uri from the phone.
"Lapit na, nasa subdivision na."
"Oh okay, labas na ako." Pagsambit ko noon ay nagmadali na akong lumabas.
Sakto naman na paglabas ko ay kahihinto lang ng sasakyan niya.
I waved hi at him. "Late ka ah." Asar ko.
Humalakhak siya. "Yeah, sorry." Napakamot pa siya sa ulo niya. "Nainterrupt ako ni ano eh,"
Kumunot ang noo ko. "Ni?"
"Tss, you know who."
Natawa ako. Iyong fiance niyang bunga ng fixed marriage at feel na feel naman ang pagkafiance niya.
"Actually, the reason why I invited you ngayon, it's because I'd like to ask you a favor." Deretso lang ang tingin niya sa kalsada.
"Nako." Bulong ko at napangisi nalang. "I already know where this is going, Uri. Hayaan mo nalang siya, tutal sa kanya ka din naman babagsak ah."
"Shut up." Iritadong tugon nito kaya humalakhak nalang ako.
"Aba Uri, you'll never know! Malay mo magustuhan mo din naman siya!" Utas ko. Haha, coming from me na hanggang ngayon as smitten sa kupal kong asawa na hindi ko man lang alam kung nasaan.
I think magdivorce na kali kami? Not possible in Philippines!
Anyway, I'm convinced na malamang ay aayain niya akong maging date niya.
I took a sip from my coffee. After ilang minutes, finally nandito na kami sa cafe na usual naming tinatambayan for kwentuhan.
The place feels warm, may maganda ring music that will set the mood para sa mga taong nandito.
Bumaling ako kay Uri to say what I want to say. "Madadamay pa ako ano, ayaw ko."
"Please Celeste. Just this once." Pilit hinuhuli ni Uri ang mga mata ko, saka siya nagpapaawa.
"Uri, I don't think that will work! Ngayon nga mas lalong ayaw ka niyang tigilan. Magagalit siya sakin, what if sabunutan niya ako?"
"Mag cocompensate nalang ako sa damages sa'yo," Tatawa tawa pa siya.
"No."
"Celeste please. I'm serious. Gusto kong itry lahat para maisipan n'yang tumigil na." Sumeryoso na siya. "I don't know if she can be stopped, pero gusto kong itry. Baka pushing her to the edge could wake her up."
"Hindi ko kinakaya ang babaeng 'yon." Tatawa tawa pa siya at napapailing nalang sa mga pinaggagagawa ng babae niya.
"Pag-iisipan ko." Bumuntong hininga ako. "Saka ang hirap naman, Uri eh! Nagiging kabit ako!"
May asawa pa ako, mamaya makakalat pa na nanlalaki ako kaya kami hindi okay! Kasalanan ko pa!
Uri doesn't know anything about my marriage, kahit about lang kay Rafael.
Napabuntong hininga ako. I still love him and he still has this space in my heart. Kaya kung babalik siya sa akin na nagmamakaawa, maaalog ang mundo ko.
I miss him.
Napalingon ako sa paligid, malalaman mong gabi na dahil nangingibabaw na ang liwanag mula sa mga ilaw.
"Girlfriend muna kita, please." Aniya. "Please Celeste, bukas lang. Last time na 'yan, it's a simole dinner, Celeste. Sa opening ng business ng kapatid ko. She'll be there, for sure."
