Kabanata 25

59 12 0
                                        

Kabanata 25

"I heard from Cyna that Rafael's going to bohol? That's for three days. I assume umalis na siya kaninang lunch?"

Nakatulala lang ako habang kinakausap sa phone si Uri. "I don't know. Wala akong alam."

"Don't you want to go there? Follow him? Birthday niya ngayon and wala pa kayong proper usap, have you tried talking to him again?"

Natawa akong bahagya. "You don't know, Uri. I tried kanina but it didn't end well for both of us."

My voice cracked. "He's ready to lose me Uri. Pinapapirma na ako sa papers kanina kung alam mo lang." I tried to laughed it off pero tumutulo talaga ang mga luha mula sa mata ko.

"That's because mali naman ang alam niya eh."

"He won't listen to me, though."

"I'll try to convince Cyna."

"Ngi edi matatali ka talaga niyan." I joked.

"This is happening because of me Celeste."

"It's not merely because of you. It's because of his twin. Riguel, my first love."

"Chase him there, sige na. Last na 'yan." He sighed. "Also, who knows baka mag soften up a bit 'yan because of what happened earlier?"

"Pero if it won't work again, sige stop it already if you feel like you want to stop already."

Kinda funny, that is what I am starting to feel right now. I am turning Rafael to someone who's far from who he really is.

But Uri did a great job convincing me to follow Rafael around hanggang dito.

That's how I ended up here in Hennan, sa Alona Beach dito sa Bohol. Found out that this is where he'll be going dahil work related nga.

Hindi siya nagsinungaling kaya mas lalong lumakas ang loob ko to go after him here.

Madaling araw na nang makarating ako dito. Cyna gave us all the details she knows, like kung saang hotel at anong room.

I booked a room online and requested a specific room number na katapat ng kay Rafael.

Nang mag umaga na ay bumangon na rin ako, hindi rin naman ako makatulog.

Naramdaman ko ang pananakit ng tyan ko, parang may pasa yung pakiramdam, malamang from yesterday ito.

And when I checked it, may pasa nga pero hindi naman super sakit.

Nag breakfast lang ako saglit and I tried to enjoy the beach view, ang asul na kalangitan na kitang kita mo kapag kaharap ang dagat.

I also loved the breeze there, iyong amoy ng dagat. 'Yong marahang tunog ng mga alon na humehele sa tainga ko. Just standing there made me feel na parang kasama ako ng alon, na parte ako mg dagat.

Kaya lang ay unti unti nang uminit at nagstart na akong mahilo dahil dito, nalalagkitan pa naman ako sa sarili kapag mainit, and that's when I decided to come back to my room.

Pag bukas na pag bukas ng elevator ay tumambad sa akin si Rafael na mukhang kagigising lang at mukhang pagod.

Nakita ko ang pagkabigla sa expression niya but nawala din iyon, napalitan ng inis. Hindi rin ako nakaimik dahil bigla kong naalala ang mainit na tagpo namin kahapon ng umaga.

To Forget Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon