Kabanata 30

90 13 0
                                        

Kabanata 30

"Pwede bang huwag kang malikot at tumigil ka kakaungot Rafael?!" Sambit ng kaibigan ni Riguel habang pilit sinusubukang alisin sa buhok ko iyong gum na iniluwa ni Riguel sa ulo ko, matapos ang pagkakapikunan namin kanina.

Halos maiyak na ako dahil sa kakaisip sa mga pwedeng mangyari sa akin. Baka kalbuhin ako at mapapagalitan na naman, pababalikin na naman ako sa Manila agad kahit hindi pa tapos ang one week stay ko.

"Ang hirap alisin!" Reklamo pa niyang muli. "Haay, wait lang ha." Pansamantala siyang tumigil kaya naman tiningala ko siya at nakitang chinecheck n'ya ang kanyang phone, nakakagat labi pa.

Siguro pinapauwi na siya, malapit na din kasing dumilim.

"Ano na naman 'tong ginawa mo Rafael?!" Parehas kaming halos mapatalon sa gulat nang marinig iyon kay Mom, papalapit na sa amin ngayon galing sa back door ng aming bahay.

"Hala." Nabakas ko ang pagkataranta sa mukha ni Celeste pero mabilis parin siyang humarap kay Mom para sabihin ang nangyari.

Kumalabog ang dibdib ko habang pinapanuod siyang tumayo ng tuwid sa harapan ng nanay kong galit na galit.

"Tita, hindi po kasalanan ni Rafael." Aniya. "Riguel was being childish, I was with them when it happened, sorry po Tita."

Napaawang ang labi ko dahil sa mga sinabi niya. No one here was able to do what she just did, dahil atkot ang lahat ng tao dito sa nanay ko.

This is the first time someone stood up for me and it made me crazy. She's crazy.

"I don't care! Ayusin mo ang kagagawan mo na namang 'to Rafael! Hindi ka na natuto, stay here for an hour as a punishment sa kapasakitan mo!"

Napapikit nalang ako sa inis, sa galit, sa halo halong nararamdaman ko. "Hayaan mo na, tara na alisin na natin 'to." Aniya bago humawak sa palapulsuan ko at hinila ako pabalik malapit sa sink.

Halos matawa ako dahil parang inilabas lang niya sa kabilang tenga ang mga pinagsasabi ng nanay ko.

Muli siyang nagsimula sa pag-alis ng gum na nasa buhok ko. "Is it coming off?" Tanong ko dahil wala naman akong nararamdmaang sakit sa ginagawa niya, maybe it's not coming off.

"Yeah." Tipid niyang sagot, okay I'm wrong. Ilang minuto pang muli ay natapos na siya. Natapos siya nang hindi ko nararamdaman.

"Ayan ok na." Aniya sa akin. Narinig ko ang pag buntong hininga niya. "Riguel naman kasi eh." Bulong niya.

Hindi ko padin siya iniimik. Nanatili akong nakatulala lang sa kawalan kaya nawala sa isip ko na nandito pa pala siya.

Tiningnan ko siya at napansin na parang natataranta na siya kaharap ang kanyang phone. Nakakagat labi ito at nagttry pang magtype sa kanyang phone. Napansin ko ring nilalamok na siya kaya lumapit na ako nang tuluyan para sana mapaypayan siya ngunit napangunahan ako ng hiya.

"Bakit nandito ka pa?" Tanong ko.

Deretso ang tingin niya sa aking mga mata. Hindi siya naiilang dahil hindi naman naalis sa akin ang mga mata niya habang kausap ako. "Nagpasundo kasi ako, ang tagal lang."

Nang nagplano na siyang umalis ay lihim ko siyang sinundan dahil gabi na, kasalanan ko din kung bakit siya ginabi so it'll feel nice for me kung makita ko siyang nakasakay na sa sasakyan nila pauwi.

But then that is not what I witnessed. Umuwi siyang mag-isa, wala ang sundo niya. She stayed because of me.

And from that day, I started to see Celeste in a different way. Lagi kong nahahanap ang sarili na nasasabik umuwi ng Bataan at nasisiraan ng ulo kapag babyahe na naman muli pabalik sa Manila.

Madalas kong nasasaktuhan na nasa bahay si Celeste, kaya lang, hindi naman niya ako kinakausap. I guess the only way to have an interaction with her is to annoy her dahil matapos ang gum incident na iyon between me and Riguel, ay wala na kaming naging usap or interaction pang muli, maybe because Riguel told her so.

I became interested sa mga ginagawa niya when she's with Riguel at lagi kong nahahanap ang sarili na naiinggit sa friendship na mayroon sila ni Riguel, though it's obvious na hindi kaibigan ang tingin niya kay Riguel. Alam kong kaya nya gawin lahat for him and I wanted someone like her, o siya mismo.

Kinampihan niya ako, pinagtanggol, tinulungan. She felt warm, and I was drowning sa lamig, kung kaya't for the first time, I finally had the courage to try and approach her, to say sorry sa mga katarantaduhan ko towards her but then it was too late for me.

Nagising nalang ako sa katotohanan na matagal kaming hindi magkikita, dahil sa nangyari kay Riguel.

He was able to graduate as his batch's valedictorian, which means he got the chance to finally pursue what he really wants, ang maging piloto, base sa usapan nila ni Mom dahil sa pagrerebelde ng paboritong anak niyang si Riguel.

At ako, ipapadala na ng tuluyan sa Manila para mag-aral at mag-asikaso ng aming kumpanya.

What happened was hard to swallow for me dahil sa malamang, I will have to forget her kung ayokong itapon ako ng mga magulang ko, especially my Mom.

I was just glad because this company matters gave me a way back to my heart warmer, Celeste.

Nang mga sandaling nalaman ko na siya ang babaeng ikakasal sa akin for bullshit reasons, I felt bad for her. But I was celebrating my heart out for myself , kahit hindi ako sigurado kung gusto ko ba siya o hindi, or I was just longing for the warmth she made me feel.

Turns out, I still look at her the same exact way from when we were younger, at lalo lang lumalim ang nararamdaman ko nang muli kong maramdaman sa kanya ang mga bagay na sa kanya ko lang naramdaman back when we were still in highschool.

The way she listened to me, the way we had coffee and meals together, the way she's just beside me, ginagawa ang kung ano anong mga gusto niyang gawin, then I can really say that out of all the loneliest days in my life, I finally found my silver lining, my Celeste.

I love you, and this time, hindi ka na mawawala sa akin dahil ikaw mismo ang pipili sakin.

Pipiliin mo rin na sa akin uuwi.

Pipiliin mo rin na sa akin magkwento.

Pipiliin mo rin na sa akin lang tumingin at humanga.

Pipiliin mo rin ang mga panaginip na ako ang kasama.

Pipiliin mo rin ang mga bagay na nagpapaalala sa'yo tungkol sa akin.

Pipiliin mo rin ako just like how I am going choose you in every timeline.

Pipiliin mo rin na ako dahil natutuhan mo na akong mahalin.

"I love you Celeste, you're the only person whom I want to share the rest of my life with." Sambit ko habang nakatingin sa mga mata niya.

I was about to give her kisses that would make her drunk nang mag salita pa siyang muli. "Yes because we don't have any other choice, we already have Chichi." Tinuro pa niya ang tyan niya at bahagyang tumawa.

"Kahit wala pa si Chichi, you'll always have me." I laughed.

"Weh, I should be the one saying that, I went crawling back to you kahit 'di ko alam na Chichi was already here."

Damn sexy, Celeste. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at hinalikan na siya ulit.

I love you forever, mahal ko.

To Forget Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon