Prologue

3.5K 49 0
                                    

Lumaki ako na tinuturing prinsesa ng aking pamilya. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko dahil sa yaman ng pamilya ko.

Nakapag aral ako sa marangyang paaralan. Upang makabawi sa rangyang nararanasan ko ay pinagbubutihan ko sa paaralan. Lagi kong sinisigurado na mataas ang mga grado ko.

Pangarap kong maging Doktor sa hinaharap. Hindi dahil sa pera na makukuha ko kundi nais kong makatulong sa iba, na mang gamot ng ibang pasyente.

Masasabi ng iba na perkpekto na ang buhay ko. Pero hindi lahat ng gusto ko ay natutupad. Parati akong nakikinig sa sasabihin ng Daddy at Mommy ko. Lahat ng gusto nila ay ginagawa ko. Hindi ko rin naman sila kayang suwayin dahil Mabait naman sila sakin at ramdam ko na Mahal nila ako.

Lumaki akong takot na madis appoint ang mga magulang ko. Malapit na akong makapag tapos sa pag aaral. Sa aming klase ay ako ang naging Rank 1 at ganun rin sa buong Batch namin.

Sa araw rin na iyon ay opisyal nang ipapa alam sa lahat ang isang utos ng mga magulang ko na sobrang ayaw ko.

Ito ay ang makasal sa anak ng Mayamang Kompanya. Ang Oliveros Group of Company. Ako ay makakasal sa kanilang nag iisang Anak na si Jaden Oliveros.

Si Jaden ay kilala sa buong school namin. Dahil narin sa gwapo ito at lalo na ay mayaman. Bata palang kami ay magkakilala na kami dahil sinasama kami ng mga magulang namin kapag may event at madalas na nagkikita sina Daddy at ang Daddy ni Jaden.

Pero kahit sa matagal na kaming magkakilala. Hindi kami nagiging close kahit minsan. Hindi kami nag uusap. Parang hindi lang kami magkakilala kapag nagkikita kami.

Nasa bahay kami ngayon ng mga Oliveros. Dito ipinagdiwang ang pagtatapos namin ni Jaden. Dito rin mangyayari ang pag papaalam sa lahat tungkol sa Kasal namin.

"Goodevening, Ladies and Gentlemen! Thank you all for coming to this wonderful night. We're here to celebarte the Graduation of my Son, Jaden Oliveros and to the Beautiful Daughter of Martinez Group of Company, Ma. Mikaela Martinez! I'm very proud to the both of you" sabi ni Daddy ni Jaden. Nagpalakpakan din ang Lahat.

"Pero Hindi lang yan ang magandang balita na maririnig natin sa gabing ito. Pinapaalam namin sa lahat ang nalalapit na pagsasama ng aming kompanya at kasalan nina Jaden at Mikaela!" Ani ni Daddy. Lahat sila ay tumingin samin ni Jaden at binati kami.

I hope, i will not regret this.

I'm the CEO's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon