Chapter- 33🥀

727 14 0
                                    

Jaden Pov.

Pagkadating ko sa mansyon ng mga Martinez ay sinalubong ako ng Guard nila. Binigay ko sa kanya ang susi ng sasakyan ko kasi siya na daw ang mag pa park.

"Kanina ka pa po hinihintay ni Sir" ani ng kasambahay nila.

"Nasaan si Sir Martinez?"

"Naka Office niya po Sir. Sundan mo po ako" pina una ko siya sa paglalakad at sumunod ako sa kanya.

Hindi rin naman ito ang unang pagkakataon na pumunta ako sa bahay nila. Pumunta din kami ni Daddy at Mommy dito noong pinagkakasundo palang kami ni Mika.

Pagkadating namin sa labas ng Office ni Mr. Martinez ay pina antay muna ako ng kasambahay nila sa labas. Sasabihan niya lang daw muna ang boss niya na andito na ako.

Maya maya rin ay lumabas na siya at pinapasok na ako. Pagkapasok ko ay lumabas narin siya at sinara ang pinto. Nakita ko si Mr. Martinez na naka upo sa swivel Chair at nakatingin saakin.

If you are wondering that i keep calling him as "Mr. Martinez" instead of "Dad", I guess it's not the right time to call him that because of the chaos that going on these days.

"Goodevening, Sir" i said.

"Take a seat" he offered.

"Hindi na po, Hindi rin naman ako magtatagal. Bakit niyo po ako pinapunta dito?" Huminga siya ng malalim at tinanggal ang eyeglasses niya. Dahil sa ginawa niya ay mas lalo tuloy naging intense ang atmosphere ng paligid.

"Alam mo naman siguro ang nangyayari ngayon kay Mika, diba?"

"Yes, Sir. She told me that you freeze her Card and pina suspend mo siya sa trabaho niya. Is this your way so that you can get your daughter back po ba? In my Opinion, this is not a good idea. You're making her mad at you, Sir."

"Ipinanganak at Ipinalaki namin siya na Komportable. Lahat ng Bagay nakukuha niya. Nabuhay siya dahil sa kayamanan ng pamilya namin. Sa tingin mo, makakayanan niya ang mangyayari sa kanya?"

"She is with me, Sir. I will take good care of her."

"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maaalagaan mo siya. Tingnan mo ang nangyayari sayo, Hindi mo rin maayos ang Nangyayari sa inyo ngayon."

"She will never be happy sa gusto niyong ipagawa sa kanya.."

"Magiging maganda ang buhay niya kapag sumama siya sa amin. I'm not asking this as the CEO of our Company. I'm asking for your help as the Father of Mikaela."

"What do you want me to do?"

"Convince her. Ipapirma mo sa kanya ang Contrata na magpapawalang bisa ng kasal niyo at pabalikin mo siya sa bahay."

Dapat ba akong pumayag sa gusto niya?

Kapag ginawa ko iyon ay mahihiwalay ulit saakin si Mika...

"Dad!" Malakas na bumukas ang Pinto at pumasok si Mika.

Tumingin siya saakin at lumapit sa tabi ko.

"Mika, What are you doing here?" Ani ng Daddy niya at tumayo sa pagkakaupo.

"Tumigil kana, Dad. Kahit ano pa po ang gawin niyo saakin hinding hindi ako bibitaw kay Jaden."

"Anak, I Know na hindi rin naman kayo nagkakasundo simula nang ikasal kayo. You both don't even love each other"

"Okay na po kami, Dad. It's just a small Misunderstanding pero Okay na kami."

"Mika, Just listen to him. Para rin naman sayo ito.." i said. Tumingin siya saakin.

"What do you mean? Gusto mo akong ikasal kay Evris at iwan ka?" Inis na ani niya.

"Anak, Everything will be Fine. Just listen to me and-"

"Parati po aking nakikinig sayo. Simula noong bata pa ako palagi lang ako nakasunod sa mga gusto mo. Palagi kong pinipilit na makakuha nang matataas na Grado kahit hirap na hirap na ako. Tuwing Gabi umiiyak ako dahil sa Hirap ng Subjects ko pero pinipilit ko parin kasi gusto kong maging proud ka saakin." Pinahiran niya ang mga luha niya at lumapit sa ama.

"... Eto lang po ang hihilingin ko sayo. Let me be happy. Let me be with him." Ako ba ang tinutukoy niya?

"Bakit ba gusto mong makasama ang lalaking yan? Kung ganito rin lang naman pala sana hindi nalang ako pumayag noon na-"

"I love him." Nagulat ako sa sinabi niya. She loves me?"...I'm Inlove with him, Dad."

Napaupo ulit si Mr. Martinez sa Upuan niya at Tumingin sa akin.

"Susundin mo ang Gusto ko. Kung susuwayin mo ako, Kakalimutan ko na naging Anak kita" seryosong ani niya at Tumingin sa Anak niya.

"Kung yan po ang gusto niyo. Mas mabuti na nga yan. Aalis na po kami Mr. Martinez" Tinalikuran niya ang Ama niya at naglakad papalapit saakin.

"Wait, Mr. Martinez!-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi Hinila na ako ni Mika papalabas ng Office niya. Sobrang Higpit ng pagkakakapit niya sa kamay ko na sa puntong hindi ko mabawi sa kanya.

Nakalabas na kami ng Bahay nila at nakita ko rin ang sasakyan niya na ginamit papunta dito.

"Gusto mo na ba talagang maghiwalay tayo?"

"Itatakwil ka ng Tatay mo, Mika. Mawawala sayo ang lahat kapag sumama ka sa akin"

"Kahit alam ko na mawawala sa akin ang lahat ay nanatili parin ako sa iyo. Dahil Mahal Kita." Natigilan ako sa sinabi niya.

Mahal ko rin naman siya...

Pero walang kasiguraduhan ang buhay ko ngayon. Ayokong mawala ang lahat sa kanya at itakwil siya ng sarili niyang ama dahil lang saakin.

"Mika-"

"Pagkatapos lang ng lahat.. Hayaan mo akong tumulong sayo hanggang makuha niyo ang The Eternals. Pagkatapos nun ay ako na mismo ang aalis at babalik dito sa pamilya ko." Pinahiran niya ang mga luha pisngi niya at sumakay na sa sasakyan niya.

Pinanood ko lang na umalis ang sasakyan niya. Tama ba ang ginawa ko? Natatakot din naman ako na mawala siya saakin.

Sumakay narin ako sa sasakyan ko at nagdrive pauwi sa bahay.

.

.

.
Kayla Pov.

Kakatapos ko lang maghilamos at naghanda na ako para matulog. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa Condo ko. Sina Mika at Trisha lang naman ang may alam ng password sa Condo ko. Lumabas ako sa Kwarto at nakita ko si Mika na naka upo sa Couch.

"Oh, Mikaela. Anong meron? Gabi kana yata dumalaw ah" hindi niya ako sinagot at bigla nalang umiyak.

Hindi narin ako nagtanong at hinayaan nalang siya muna. Binigyan ko siya ng tubig at pinagpahinga na sa kwarto ko.

Alam ko rin naman ang mga nangyayari sa buhay niya ngayon kasi kinukwento saakin ni Trisha at Ram. Nagtext rin pala ako kay Jaden na andito ang asawa niya sa condo ko. Baka kasi mag-alala siya.

Hindi rin naman nagtagal ang pag iyak ni Mika kasi nakatulog narin siya. Inayos ko ang kumot niya at pinatay ang ilaw. Sa Sofa nalang muna ako matutulog.

I'm the CEO's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon