Trisha Pov.
Gabi na at hindi parin nakakabalik sina Mr. Chen. Natapos ko narin ang pinapagawa niya saakin kaya naglalaro nalang ako ngayon ng Cellphone ko. Malapit ko na sanang maipanalo ang laro ko ng may nag text saakin. Pinindot ko ang View Message.
From: Mr. Lucas Chen
Pwede ka na raw umuwi Miss Reyes sabi ni Sir Jaden. Hindi na siya babalik sa office ngayon ay dideresto na pauwi. Make sure na naka off ang lahat ng devices sa loob. Goodjob for today's work Miss Reyes.
Hindi ko mapigilan na mapangiti sa huling Text niya. It's not that big deal naman pero minsan lang ako ma compliment ng isang Mr. Chen noh. Bumalik ako sa Game ko at napabusangot ng natalo na ako. Haysstt.
Gaya ng sabi niya at Chineck ko ang bawat sulok ng Office at Pinatay anb bawat Devices na makita ko. Kinuha ko na ang Bag ko at Lumabas na ng Office. Naabutan ko pa ang isang Janitor na nag ma Mop sa sahig.
"Goodevening po, Mauna na po ako" nakangiting ani ko sa kanya.
"Ingat po Ma'am" nakangiting ani rin niya. Sumakay na ako sa Elevator at pinindot ang Ground Floor. Tumigil ang Elevator. Tiningnan ko kung saang Floor na ako at nasa 8th Floor palang ako. Bumukas ang Pinto at nakita ko si Christian. Pumasok siya sa Elevator at Tumabi saakin. Hindi ko maintindihan kasi parang hindi na ako ganoong apektado sa Presensya niya.
"Uuwi kana?" Ani niya.
"A-ah oo, Kanina pa ang uwian ah.." ani ko.
"May tinapos lang ako sa Office kaya natagalan ako. Ikaw?"
"Hinintay ko pa kasi si Mr. Chen at tinapos ko rin ang trabaho ko" bigla namang nagbago ang mood ng mukha niya.
"Ahh Ganun ba.." Tumahimik rin kami hanggang sa nakarating na kami sa Ground Floor. Pinauna niya akong Pinalabas at Sumunod naman ako. Naghiwalay rin kami kasi nasa kabilang side niya pinark ang sasakyan niya.
.
.
.
Mika Pov.
Maaga akong nakauwi ngayon. Wala kasi akong gaanong surgery ngayon kaya yon maaga akong nakauwi. Day Off ko rin pala bukas kaya nag iisip ako ngayon kung ano ang magandang gawin bukas. Nauna na akong kumain ng Dinner kasi hindi pa umuuwi si Jaden. Andito ako ngayon sa Pool area at binababad ang Paa ko.
"Maaga ka yata ngayon.." napalingon ako nang may sumulpot sa likuran ko. Tinanggal niya ang Sapatos at medyas niya at Umupo sa tabi ko.
"Hindi kaba kakain muna?" Tanong ko. Base kasi sa suot niya ay kadadating niya palang.
"Hindi naman ako nagugutom..Ikaw? Nakakain kana ba?" He asked.
"Yeah, Kanina pa" malumanay na ani ko.
"Ang tamlay mo naman ata.."
"Pagod lang ako.. Day Off ko pala Bukas."
"That's nice, Atleast you can rest" ani niya.
"Pwede ba akong Dumalaw sa Company niyo?" Ani ko. Hindi ko alam pero yun ang biglang nag pop sa Utak ko.
"Sa Company? Why?"
"Wala lang, Mababagot rin lang naman ako dito. Bibisitahin ko nalang rin si Trisha and also gusto ko ring makita yung Marissa" ani ko sa kanya. Napangisi naman siya kaya napakunot ang noo ko.
"Okay, Sure. Sabay tayo bukas.." nag paalam muna siya saakin namag papahinga na siya. Sinabihan ko rin siya na sa Susunod nalang kami manonood ulit ng Kingdom kapag pareho na kaming hindi busy.
Kinabukasan ay isang sasakyan lang ang ginamit namin papunta sa Company nina Jaden. Nauna siyang Bumaba at pinagbuksan niya ako ng Pinto. Napangiti ako sa Small but Sweet Gestures niya. Nag pasalamat ako at sabay kaming pumasok.
Kahit ilang beses na akong nakapunta dito ay hindi ko parin mapigilan na mapamangha sa ganda ng Lugar.Sinalubong kami ni Mr. Chen at Trisha
"Goodmorning Sir and Ma'am." Ani ni Mr. Chen. Napangiti naman ako ng makita si Trisha. Nag goodmorning rin ako kay Mr. Chen at lumapit kay Trisha.
"Trisha!" Excited na ani ko. Niyakap ko siya at ngumiti. Sinenyasan niya pa ako na hinaan ko raw ang boses ko.
"Mika, Mauna ka nalang muna sa Office ko. Andito kasi si Daddy mukang may importanteng meeting kami. Okay lang ba sayo?" Tanong ni Jaden.
"Sure, No problem. Hihintayin nalang kita sa Office mo." Ipapahatid pa sana ako ni Jaden kay Trisha pero sabi ko ay kaya ko naman. Nag mamadali kasi sila baka importante nga. Sabay kaming lahat na sumakay sa elevator pero bumaba rin sila sa 6th Floor.
Bumaba naman ako sa Floor kung saan ang Office ni Jaden. Kabisado ko naman ang daan kasi nakapunta narin naman ako dito. Pagpasok ko at Nilagay ko sa mesa ang Bag ko at umupo sa Swivel Chair ni Jaden. Inalia ko muna ang heels ko kasi kanina pa sumasakit ang Paa ko. Wala rin namang tao dito. Para di ako mabagot ay naglaro muna ako sa Phone ko.
Dalawang Oras din ang lumipas at wala parin sina Jaden. Malapit narin ang Lunch Time nagugutom na tuloy ako. Napaayos ako ng upo ng may narinig akong papalapit sa Office. Naririnig ko narin ang Boses ni Jaden. Sinuot ko ulit ang Heels ko at Tumayo. Tamang tama lang kasi pumasok na sina Jaden, Mr. Chen pati narin ang Daddy ni Jaden.
"Hello, Iha!" Ani niya at nakangiti akong Nilapitan.
"Hello po, Dad!" Nakangiting ani ko at yumakap sa kanya.
"It's nice to see you here, Iha. Ang sweet mo naman para samahan ang asawa mo sa trabaho" ani niya at parang tinutukso pa kami ng anak niya.
"Ofcourse, Dad. Sobrang Supportive kaya nitong Asawa ko" ani ni Jaden at inakbayan ako.
Pinaupo muna namin si Dad. Baka kasi mangalay siya. Hanggang dito ay pinag uusapan parin nila ang about sa Company. Nagkaroon daw kasi ng Problema sa mga Machine kaya naantala ang pag gagawa ng mga Product at marami pa silang pinag usapan hindi ko nga lang ma intindihan.
Nang nakaalis na si Dad ay niyaya ko na silang kumain. Nagugutom na kasi ako. Niyaya namin ni Jaden sina Trisha at Mr. Chen para sabay sabay na kaming kakain. Sinundo muna namin si Trisha at pumunta na kami sa Cafeteria ng Company. Sina Jaden at Mr. Chen nalang daw ang kukuha ng mga pagkain kaya Nag hanap nalang kami ni Trisha nang uupuan.
Habang Hinihintay ang dalawa ay nag kwentuhan muna kami ni Trisha. Sabi niya dito daw rin nagtratrabaho si Christian. Kinwento niya rin saakin ang mga naranasan niya as a new Secretary. Masaya naman ako at Komportable siya sa trabaho niya. I can tell also na Masaya siya sa Trabaho niya.
Pagdating nina Jaden ay nagsimula na kaming kumain. Nakakatuwa lang kasi parang mga Collage Students lang kami na magkabarkada.
BINABASA MO ANG
I'm the CEO's Wife
RomanceCollage palang ay inihanda na si Mika ng kanyang mga magulang upang ipakasal kay Jaden and Anak ng isang mayaman na negosyante. Parehong May ari ng malaking kompanya ang mga magulang nina Jaden at Mika. Dahil sa Parehong nanganib ang kompanya ng dal...