Chapter- 10🥀

1.1K 23 0
                                    

Jaden Pov.

"So, You Hired her?" Ani ko. Andito ngayon sa office ko si Secretary Chen. Nililigpit na namin ang gamit ko para maka uwi na ako.

"Yes, Sir. Mukhang kakayanin niya naman po ang trabaho niya dito." Ani niya.

"By the way, Okay lang ba sayo na sa Office mo muna siya habang hindi na naayos ang magiging office niya?"

"Po? Sa Office ko?" Takang tanong niya.

"Yes, magpapa dagdag lang ako ng table for her. Okay lang ba sayo?" Tanong ko. Tinatanong ko sa kanya kung okay lang kasi hindi talaga siya mahilig makipag socialize sa ibang tao. Dito sa kompanya parang ako lang ang nakakausap niya ng matagal.

"Okay sir, No problem." Nagulat ako ng pumayag siya. Sa totoo lang, kung hindi siya papayag sa labas ko nalang ng Office pa gagawan ng temporary na Office si Trisha.

"Well, that's good. Thank you Mr. Chen. Let's go Home" nakangiting ani ko. Kinuha ko na ang bag ko at naunang naglakad sa kanya. Maaga akong makakauwi ngayon. Maaga ko rin naman natapos ang trabaho ko. Tiningnan ko ang Relo ko. 7:00 pm na ng gabi. Sana hindi pa nakapag dinner si Mika para sabay na kaming kumain.

Sumakay na ako sa Sasakyan ko at Sumakay narin si Mr. Chen sa Sasakyan niya. Pinauna niya muna akong Lumabas sunod non ay lumabas narin siya. Magkaiba ang direksyon ng uuwian namin kaya hindi na kami nagsabay.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Yaya Rita at kinuha ang bag saakin.

"Goodevening po Sir Jaden" nakangiting ani niya.

"Goodeve din po" ani ko. Nauna na siyang naglakad saakin at inakyat na ang Bag ko. Pagdating ko nang Dinning Area ay naabutan ko pa na kumakain si Mika.

"Oh? Maaga ka yata ngayon ah" ani niya. Kumuha muna ako ng alcohol sa drawer at inis prayan ang kamay ko.

"Maaga kasi natapos ang trabaho ko. Kakarating mo lang ba?" Ani ko. Napansin ko kasi na parehong damit pa ang suot niya nang pumasok siya sa trabaho.

"Oo, nagutom kasi ako kaya hindi muna ako nagpalit. Halika, kain ka muna" ani niya. Hinila ko ang upuan sa Tabi niya at Umupo. Nakababa narin si Yaya Rita at pinaghanda ako ng pagkain ko.

"Nakakatuwa naman kayong tignan na magkasama, Sir Jaden at Ma'am Mika" nakangiting ani ni Yaya Rita. Ngumiti lang kami ni Mika at nagpatuloy na sa pagkain.

.

.

.

Kayla Pov.

"Ma'am, Nasa labas parin po si Sir Jason. Ayaw po talagang umalis eh" ani ng kasambahay ko. Kanina pa kasi na nasa labas ng Gate si Jason. Gusto niya daw akong makausap. Sa Totoo lang wala naman na kaming dapat na pag usapan pa. Malinaw na saakin na sinaktan niya ako at nagkaroon siya ng Kabit.

Bumaba nalang ako kasi nag iingay na siya sa labas. Nakakahiya kasi sa mga Kapitbahay. Pinapasok ko nalang muna ang mga kasambahay ko at binuksan ang Gate.

"Ano ba ang kailangan mo? Kanina kapa nang gugulo dito, hindi kaba nahihiya?!" Ani ko.

"Let's Talk, Kyla." Ani niya at nagtangka na lumapit saakin.

"Wag mo akong lapitan. Malinaw na saakin ang lahat Jason! Wala na tayong dapat pag usapan. Wala na tayo!" Hindi ko alam pero nang mahuli ko siya kasama ang kabit niya ay parang biglang nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko narin magawang magtiwala pa sa kanya.

"I'm sorry, Kayla. Please give me another chance. Isang beses lang naman 'yon.." Mas lalo akong nainis sa sinabi niya.

"Ano?! Isang beses? Ano ang gusto mong gawin ko? Magpasalamat kasi ISANG BESES mo lang akong niloko?!"

"It's not like that, Kay. I broke up with her. Na realize kona ngayon na ikaw talaga ang mahal ko."

"Kung totoong mahal mo ako, hinding hindi mo iyon magagawa sa akin. Please lang, Umalis kana. Kapag hindi kapa tumigil diyan magpapatawag na ako ng Pulis" Tinulak ko na siya sa labas at sinara na ang Pinto.

Pagkagising ko ay naligo na ako at nag ayos. Niyaya kasi kami ni Trisha na manlilibre siya ngayon. Natanggap na daw kasi siya sa bagong trabaho niya. Kaya as a Supportive Bestfriends mag cecelebrate kami. Pagdating ko sa Cafe na palagi namin Tinatambayan ay wala parin ang dalawa. Napa aga ata ko ng Dating. Umupo na ako sa bakanteng upuan ay nag reserve narin ako ng Dalawa para kina Mika at Trisha.

Dahil sa bagot kakahintay at naisipan ko munang mag laro ng Cellphone. Sinuot ko narin ang Earphone ko. Ilang minuto pa ay naramdaman ko na may umupo wa bakanteng upuan.

"I'm sorry but that Chair is Already Taken-" Ani ko at iniangat ang mukha ko.

"Really? Miss?" Nakangiting ani niya. Noon kinikilig ako tuwing ngumingiti siya saakin pero ngayon naiinis na ako.

"Hindi kaba talaga titigil?" Naiinis na ani ko.

"Just give me one more chance, Babe. I promise di kona uulitin yon" ani niya. He tried to hold my hand pero agad ko ring kinuha.

Tumayo ako at kinuha na ang bag ko. Aalis na sana ako ng Hawakan niya ang kamay ko.

"Bitiwan mo nga ako.." ani ko. Dahil sa naging eksena namin ay napunta saamin ang atensyon ng lahat.

"Babe naman.." mag sasalita na sana ako ng biglang lumapit saamin at kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak ni Jason.

"Pare, kapag sinabi ng Babae na ayaw niya wag mo nang pilitin." Ani niya. Nagulat ako kung sino ito. Nakilala ko siya agad dahil sa tangkad niya at boses niya.

"Wala kang paki alam dito, Umalis ka nga dyan" ani ni Jason.

"May paki alam ako, brad. She is the Bestfriend of my Favorite Cousin. How can i let you harass her."

"Harass? Wala naman akong ginagawa sa kanya ah!"

"Bro, you touched her without her permission and Force her to talk and to come  with you. You also followed her since earlier and you might also charged as a Stalker." Ani niya.

"Tama na, Ram. Umalis kana kasi Jason, Please lang"  nag aalinlangan man ay umalis na si Jason sa Cafe. Bumalik na ako sa pagkaka upo at Umupo narin si Ram sa bakanteng upuan.

"I can't believe that you Fall inlove with that kind of Sh*t" ani niya. Napatawa ako sa sinabi niya.

"Thank you, Ram" i smiled.

I'm the CEO's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon