Mika Pov.
Tinext ko si Miss Rica na sa Café kami na palagi naming pinupuntahan nina kayla. Tinext ko sa kanya ang buong address baka kasi maligaw siya.
Habang naghihintay ay napatingin ako sa labas. Dahil sa malapit lang dito ang Hospital na pinagtratrabahuan ko noon ay kitang kita ko dito. Bigla ko tuloy na miss ang trabaho ko. Kahit napupuyat at napapagod ako parati ako mahal na mahal ko parin ang trabaho ko. Kamusta na kaya ang mga pasyente ko? May naka discharged naba sa kanila? Haystt..
"Ma'am?...." Napalingon ako ng may tumawag saakin. Inexpect ko na si Miss Rica ang makikita ko pero isang Pamilyar na lalaki ang kaharap ko ngayon.
"Evris? What are you doing here?" Ani ko. Ngumiti siya saakin at umupo.
"I'm here to buy your car.."
"Pero.. may na una nang bumili eh. Siya nga yong hinihintay ko ngayon."
"Rica Villareal? She is my Secretary.."
"Bakit mo naman ginamit ang pangalan niya?"
"Baka malaman kasi ni Daddy, baka magkagulo na naman"
Hindi ko maintindihan. Bakit naman niya Bibilhin ang sasakyan ko? Pwede naman siyang bumili ng bago.
"Bakit mo naman Bibilhin ang sasakyan?"
"Hindi kaba natuwa na ako ang Bibili? Atleast kapag naisip mo na bawiin ay andito lang saakin. " Napangiti naman ako.
"Ano to sangla?" I giggled.
"You laughed... Finally" napatingin ako sa kanya.
"Hm?"
"Kasi kanina ko pa napapansin na may bumabagabag sayo. Masyado na bang mahirap"
"Kinakaya naman.." i smiled. Nagkaroon ng katahimikan. Tanging ingay lang ng mga Tao sa Café ang naririnig ko.
"Elle?" Nakita ko si Ram na may hawak na kape.
"Oh, Anong ginagawa mo dito?"
"Bumili ako ng kape. Nakaka gulat naman siguro kung Martilyo ang Mabibili ko dito." Ayan na naman siya. Napatingin siya kay Evris.
"He is Evris-"
"I know him, Elle. I'm just Confused kung bakit kayo magkasama" ani niya habang nakatingin parin kay Evris.
"He's here to buy-"
"I'm also here to buy a Coffee then i saw her. May pinag usapan lang kami. You don't need to worry." Bakit ba hindi nila ako pinapatapos sa pagsasalita?
"Mabuti naman kung ganyan. Aalis na pala ako. By the way, Pupunta pala ako sa Company nina Jaden. Hindi kaba sasabay sakin?" Ani ni Ram.
"Susunod nalang ako mamaya. Ingat sa pagmamaneho. Nasa bahay pala si Jaden. Doon mo nalang siya puntahan." nagpaalam na siya saamin at lumabas na ng Café.
"So, Where are we?...." Tumingin sita saakin na parang nag iisip. ".. Gagamitin ko parin ang Pangalan ni Rica para ma ipasok ang pera sa Account mo.."
"Wag sa Account ko. Hawak kasi ni Daddy ang Card ko ngayon. Kay Jaden na lang. Tsaka, Pumayag ba ang Secretary mo na Gamitin ang pangalan niya?"
"Ofcourse, I asked her. Wala naman daw problema sa kanya."
Mabuti na ang sigurado. Baka makasuhan kami nito. Binigay ko sa kanya ang Susi ng sasakyan. Nauna akong umalis sa kanya at nag abang ng Taxi.
.
.
.
Jaden Pov.
BINABASA MO ANG
I'm the CEO's Wife
RomanceCollage palang ay inihanda na si Mika ng kanyang mga magulang upang ipakasal kay Jaden and Anak ng isang mayaman na negosyante. Parehong May ari ng malaking kompanya ang mga magulang nina Jaden at Mika. Dahil sa Parehong nanganib ang kompanya ng dal...