Chapter- 38🥀

928 19 0
                                    

Evris Pov.

Andito kami ngayon sa Kompanya ng mga Oliveros. Hindi kani andito para manggulo. Kahapon palang ay sinabihan kona si Daddy na wag siyang gagawa ng gulo sa araw nato. Syempre nagpatulong ako kay Mama. Alam niyo naman na kay Mama lang siya nakikinig. Nang nag promise na siya na hindi siya gagawa ng kalokohan ay tinawagan ko si Jaden para magpaalam na pupunta kami.

Gusto kong pumunta kasama si Daddy para kahit papaano ay mapag isipan niya na hayaan nalang ang mga Oliveros. Ayoko rin naman nang gulo. Ilang taon rin kaming namuhay na may galit na kinikimkim si Daddy sa Puso niya.

Pagkarating namin ay hinanap ko agad si Jaden, pero hindi siya namin mahagilap. Sabi nang Secretary niya at busy si Jaden ngayon sa Paghahanda. Pati si Mika ay hindi ko rin makita. Sinamahan kami ni Miss Reyes papunta sa Venue.

As i expected, ay parang hindi kami welcome dito. Nakatingin saamin ang nga Staff na parang binabantayan kami na baka may gawin kami dito.

"Don't worry, ganyan lang talaga ang mga yan. Alam niyo naman ang nangyayari between your Company and this Company." Ani ng isang Babae.

"Goodmorning, Ma'am Jessie" ani ni Miss Reyes.

"Miss Reyes?"

"Po?"

"Ako na ang bahala sa mga guest. I think, Mika is looking for you..."

"Okay Ma'am" Umalis na si Miss Reyes kaya kami nalang ang naiwan.

"I'm Sorry, I didn't introduced my self yet. I'm Jessie Montejar" nakangiting ani niya saamin.

"I'm Evris Raul Castro and this is my Parents. Nice to meet you.." Nakipag shakehands ako sa kanya.

Hinatid niya kami sa magiging upuan namin. I like her personality. Siya yung babaeng ang gaan lang kasama. Mahilig siya ngumiti kaya hindi ko mapigilan na mapatitig lang sa kanya.

"Goodmorning Everyone, Please be seated so that we can start now the presentation. Thank you." Lahat ay nagsi ayos at nagsi upuan na. Hindi naman madami ang mga Tao sa paligid.

Piling mga Tao lang naman ang pinayagan na pumasok dito. Lahat ay napatingin nang lumabas na ang presentation sa projector.

Pumagitna si Miss Reyes at nagsimula na para sa Introduction nila. Napatingin naman ako kay Mika na busy sa pag tingin sa Laptop niya.

"Do you still like her, Anak?" Bulong ni Mama.

"Mama naman eh..."

"Why? I'm just asking. Hindi masamang magkagusto pero dapat alam mo ang limitasyon mo lalo na at may asawa na siya, Anak"

Si Mama naman eh, dito pa ako pinagsasabihan.

"Alam ko naman po, Siya narin mismo ang nagsabi saakin na Kaibigan lang talaga ang tingin niya sakin at Okay na po iyon sa akin"

Ngumiti si Mama at Umakap sa Braso ko.

"Bagay kaya kayo ni Jessie. What do you think, Anak?"

"Ma, Hindi tayo pumunta dito para hanapan mo ako ng Girlfriend" paalala ko sa kanya.

Sa sobrang daldal ni Mama ay hindi ko namalayan na si Jaden na ang nagsasalita sa gitna.

"Our Product is not only famous here in our Country. It is also Famous in Korea, Hongkong, Brazil, London and more Country in the world. Because of it's good quality and effectiveness ay binabalik balikan talaga ng mga consumers."

"Alam naman ng lahat kung gaano ka ganda ang mga products niyo. Pero ang concern lang namin ay ang issue ngayon sa Company niyo. May ginagawa na ba kayo tungkol don?"

"Sir, Can we just focus to our presentation?"

"We are just protecting the image of our Company once maging partners na tayo." Nagsi bulongan ang mga Tao kaya parang kinabahan si Jaden sa Gitna.

"Excuse me..." Lahat ay napatingin sa gawi ng mag asawang Martinez. Tumayo si Mr. Martinez at Sinamahan si Jaden sa Gitna ng Stage.

"Ilang taon nadin naging parte ng Oliveros Company ang Kompanya ko. Yes, there are some RUMORS Issue na kumakalat ngayon sa Companya nila. But i can assure you na hindi kayo magsisisi sa deal na ito."

Tumahimik ang paligid kaya mas naging intense ang atmosphere. Lumingon ako kay Daddy at seryoso siyang nakatingin ngayon kay Mr. Martinez. I'm aware na nagkaroon ng deal sina Daddy at si Mr. Martinez.

Bumalik si Mr. Martinez sa Upuan niya at ipinagpatuloy ulit ni Jaden ang presentation niya.

.

.

.

Mika Pov.

Pagkatapos nang Presentation kanina ay pinatawag ako ni Daddy para kausapin ako. Pumunta kami sa Office ni Jaden kasi wala namang Tao doon. Busy pa kasi siya sa pakikipag usap sa mga Taga The Eternals.

Umupo si Daddy sa Paboritong upuan ni Jaden. Umupo narin kami ni Mommy.

"Kamusta kana Anak? Masyado kabang nahirapan?" Ani ni Mommy.

"Medyo po, Namimiss ko rin minsan ang trabaho ko sa Hospital. Pero masaya naman ako na nakakatulong ako kina Jaden."

"Hindi kaba nagsisi sa Desisyon mo? " Ani ni Daddy.

"Ni minsan hindi po ako nagsisi sa desisyon ko. Sa mga nangyari napatunayan ko na kaya ko ring magdesisyon ng Tama para sa Sarili ko."

Sa Totoo lang, kinakabahan ako ngayon. Hindi ko alam kung galit parin ba saakin si Daddy. Ngayon lang kasi nangyari saamin ito na matagal kaming nagkatampuhan.

"I'm sorry, Anak" nagulat ako sa sinabi niya. Pati si Mommy ay biglang napatingin sa kanya. Never ko pa kasing narinig si Daddy na nag apologize sa akin.

"Po?"

"Nakinig din naman sana ako sayo. Hindi ka isinilang ng Mommy mo sa mundong ito para lang sumunod sa lahat ng gusto ko. Akala ko lang talaga ay ito lang ang paraan para ma protektahan ko kayo ng Mommy mo."

Kahit nagtatampo ako kay Daddy minsan kasi palagi siyang strict saakin ay mahal na mahal ko parin siya at sobrang mahalaga sila ni Mommy saakin.

Maswerte nga ako eh, maraming Tao  ang may gusto sa kalagayan ko ngayon. Marami ang nag hihirap para lang umahon sa Kahirapan at maabot ang mga pangarap.

"Sorry din po, Daddy. May mali din po sa ganiwa ko. Pero salamat parin po kasi Tinulungan mo sila kanina. Malaking bagay din po sa kanila iyon. Sorry rin po sayo Mommy dahil pinag alala kita." Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at Ngumiti.

"I guess my Mikaela is not a kid anymore. I'm proud of you, Anak."

Grabe, ang sarap lang sa pakiramdam ang mga nangyayari ngayon. Parang nabunutan ng malaking tinik ang Puso ko.

I'm the CEO's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon