Chapter- 3🥀

1.3K 25 0
                                    

Trisha Pov.

Sobrang Nahihiya talaga ako ngayon. Dzuh! Bakit di koba inisip na baka pupunta rin si Christian eh alam ko naman na magkaibigan ang mga to. Gusto ko na talang umuwi!

Inom lang ako ng inom ng tubig habang nag uusap sila. Katabi ko si Kayla at katabi niya naman ang Nobyo niya. Bale ang sa left side ko ay si Ceďric at kaharap ko ngayon ay si Christian. Round ang mesa namin kaya kitang kita namin ang isa't isa.

"Girl! Dahan dahan lang sa Tubig, baka malasing ka nyan" ani ni Kayla at ngumisi.

"Uuwi na ako, Kay" bulong na ani ko.

"Oh, natatandaan niyo paba nung Graduation!" Na agaw ang atensyon ko sa sinabi ni Cedric. Naku! Wag naman sana nilang pag usapan yun!

"Oo naman! Ang cool ni Trisha nun eh! Hindi ko talaga inakala na Mag co-confess siya dun HAHAHHA" Ani ng Nobyo ni Kayla.

WHUTTTTTT!

Pinikit ko ang mata ko sa kahihiyan.

"Alam naman natin na iba talaga ang charisma nitong si Christian sa mga Chix pero kay Trisha lang talaga ako na nagulat" hirit pa ni Cedric.

"Tigilan niyo na nga yan, Nahihiya na yung Tao oh" rinig kong saway ni Christian. Tumingin ako sa kanya at ngumiti siya sakin.

Sana di nalang ako sumama ngayon!

Mikaela Pov.

Tawang tawa ako habang nagkukwento si Kayla sakin. Nag vi-video call kami ngayon at kitang kita ang inis na mukha ni Trisha.

"Grabe kayo sakin, Bakit mo pa kasi ako sinama dun kayla! Siguro alam mo na pupunta siya noh! Plano mo talaga to noh!" Ani niya kay Kayla.

"Bakit kaba kasi Umiiwas eh noon kahit saan siya pumunta sumusunod ka sa kanya. Ngayon tago ka ng tago diyan" ani ko.

"Iba naman kasi yun. Noon di niya pa alam na gusto ko siya. Tsaka yung nangyari sa Graduation day natin, sobrang nakakahiya talaga" ani niya.

"Eh para walang problema naman yun kay Christian, hindi nga siya naiilang sayo eh" sabi ni Kayla.

Inasar namin ng inasar si Trisha hanggang sa inantok na kami. Inend kona ang call at bumaba para uminom ng Tubig. Pagbaba ko ay nakasalubong ko si Jaden mukhang kararating lang. Hindi kami nagpansinan at dinaanan lang ang isa't isa.

Kumuha ako ng baso at kinuha ang pitsel sa Ref. Nagsalin ako ng tubig sa baso.

"Gising kapa po pala, Ma'am Mika" sabi ni Yaya rita.

"Uminon lang ho ako ng tubig. Kayo po bakit hindi pa kayo natutulog?"

"Hinintay ko pa po kasi si Sir Jaden baka po kasi nagugutom."

"Umakyat na ho si Jaden sa taas mukhang magpapahinga na. Magpahinga narin po kayo. Akyat na ho ako"

"Sige po Ma'am, Goodnight po" Nilagay ko sa lababo ang baso at pumunta na sa Kwarto ko. Naghilamos narin ako at naghanda na para matulog.

.

.

.

.

Maaga pa akong nagising dahil dumalaw si Mommy. Pagbaba ko ay nagluluto siya at naghahanda sa mesa. Tumutulong sa kanya si Yaya Rita.

"Goodmorning, Mommy" ani ko at humalik sa pisngi niya.

"Sorry anak ha, Akala ko kasi gising kana kaya pumunta na ako dito." Sabi niya. Umupo na ako.

"Okay lang po Ma, Ang bango naman ng mga to" ani ko at inamoy ang mga pagkain.

Sabay kami nina Mommy at Yaya Rita kumain. Hinanap pa nga niya si Jaden pero sabi ni Yaya ay maaga pa siyang umalis. Nag aalala kasi si Mommy na baka nagugutom si Jaden dahil sabi rin ni yaya ay umalis siya na hindi nakakakain.

Pinagsabihan niya nga ako na dapat ay inaalagaan ko ang asawa ko. Nilagay ni Mommy sa Lalagyanan ang Kanin at Ulam at nilagay ito sa isang maliit na bag. Sinabi niya sakin na ako mismo ang mag hatid nito sa kanya.

Naligo at nagbihis na ako. Pagkatapos korin namang ihatid to sa kanya at pupunta na ako sa Hospital. Nilagay ko ang Pagkain sa Frontseat pati narin ang bag ko.

Ilang minuto ay nakarating na ako sa Kompanya ng mga Oliveros.

"Goodmorning po, Ma'am" ani ng Secretary ni Jaden. Tinext ko kasi siya na dadating ako. Kinuha niya sakin ang mga bitbit ko at sinamahan ako papunta sa office ni Jaden. Marami ang Nagtataka na nakatingin sakin. Ngayon lang kasi ako nakapunta dito, for sure hindi nila ako kilala.

Napatigil kami ng biglang may tumawag sa kanya.

"Wait lang po, Ma'am Mika ha" ani niya.

"Yes sure, No problem" ani ko. Sinagot niya ang tawag.

Ilang minuto pa ay binalikan niya na ako.

"I'm sorry ma'am but hindi kona po kayo masasamahan. Pero malapit nalang ko ang office ni Sir dito. Pagdating niyo po sa dulo ay lumiko lang kayo at dumiretso lang po kayo at sa pinaka last na pinto ay yun napo yung Office ni sir. Importante lang po ito talaga" sabi niya.

"Don't worry, kaya ko naman. Thank you" ngumiti muna ako sa kanya at naglakad na. Pagdating kona sa dulo ay lumiko at at dumiretso lang sa paglakad. Nakikita kona ang huling pinto at may sign ito na.

CEO's Office, Jaden Oliveros

Kakatok na sana ako ng may narinig ako sa loob.

"Sir, I told you. I love you sir. Kung hindi rin lang naman kayo mahal ng asawa mo hayaan mo ako na mahalin ka sir" nagulat ako sa narinig ko.

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa nakita ko.

Nakatalikod si Jaden at nakayap sa likod niya ang isang Babae.

"M-Mika" ani niya ay tinanggal ang kamay ng Babae sa beywang niya.

I'm the CEO's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon