Trisha Pov.
Agad akong humiga sa kama ng maka uwi na ako sa bahay. Dalawang araw narin kasi akong hindi naka uwi dahil busy sa Office. Marami kasi ang nagsi alisan na mga empleyado kaya napupunta saamin ang dapat na gawain nila. Kahit papaano ay naiinti dihan ko naman na ayaw lang nila nabumagsak kasama namin kaya naghanap na sila ng bagong pagtratrabahuan habang maaga pa.
Pero, hindi ko talaga bibitawan ang trabaho ko. Mahal ko ang trabaho ko dito sa kompanya at gusto ko ring makatulong kina Jaden at Mika. Alam ko na nahihirapan talaga sila sa panahong 'to. Kaya hanggang kaya ko ay patuloy ko silang tutulongan. Napaisip ako sa naging usapan namin kanina ni Christian.
Inamin niya saakin na nagtratrabaho siya noon sa mga Castro. Siya ang nagmamanman sa mga galaw ni Jaden dito. Siya rin ang nag lagay ng listening device at spy camera sa Office ng Boss namin. He also told me na umamin na siya kay Jaden. Nagulat lang ako kasi hinayaan parin ni Jaden na magtrabaho siya dito sa kabila ng inamin ni Christian.
Sinabi niya rin saakin na kailangan niya akong kausapin bukas sa rooftop ng kompanya na kami lang dalawa. May sasabihin daw siya na importante sa akin. Sinabi ko pa nga sa kanya na sabihin niya nalang, pero ayaw daw niya eh. Bukas niya daw sasabihin saakin kaya eto binigyan niya pa ako ng iisipin.
Bago pa ako makatulog ay nag half bath muna ako at nagpalit ng pantulog. Inayos ko rin ang mga gamit ko ay nahiga na ulit ako sa kama. Ilang minuto rin ay nakatulog na ako.
***
Pagdating ko sa Office ay sinalubong agad ako ni Mr. Chen. May empleyado na naman daw na umalis at kailangan naming asikasuhin ang mga naiwan niyang mga trabaho. Habang naglalakad papunta sa Elevator ay tinali ko na ang buhok ko. Sabay kami na pumasok sa elevator at habang naghihintay na makadating sa floor namin ay nag scroll muna ako sa Facebook.
"Nakatulog kaba ng maayos, Trisha?" Nagulat ako sa sinabi niya.
"Sir?" Ani ko. Sabi niya kasi saakin noong bago palang ako dito na bawal tawagin by name ang mga katrabaho kapag andito sa Office.
"Oh, i mean. I'm asking you as your friend not as your boss."
"Yes, Sir. Ikaw po ba? Nakatulog ka ng maayos kagabi?"
"Uhmm, yes. If you don't mind, gusto mo bang mag lunch tayo sa labas mamaya?"
"Sorry, Sir. Gusto daw akong makausap ni Mr. Valdez mamaya eh. Maybe, Next time sir."
"Ahhh, Okay. I'll ask you again Next time" tumunog na ang elevator na sign na andito na kami sa floor namin. Pagpasok ko palang sa Office ay agad ko nang tinabraho ang mga gawain ko.
.
.
.
Jaden Pov.
Nakasimangot na pumasok si Mr. Chen sa Office ko. Nilapag ko sa mesa ang hawak ko na files at tumingin sa kanya.
"Oh? Hindi ba pumayag si Miss Reyes?"
"Hindi po eh-" inaangat niya ang mukha niya at gulat na napatingin saakin.
"Nakita kita kasi kahapon na nag si-search ng magandang restaurant. Si Miss Reyes lang naman ang naiisip ko na isasama mo eh" ani ko. Bigla naman akong napangiti ng namula ang pisngi niya.
"May pag uusapan daw sila ni Mr. Valdez mamaya kaya hindi daw siya pwede ngayon."
"Just tell her that you like her. Sige ka, mauunahan ka ni Mr. Valdez." Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"I don't like-"
"No need to deny it, Lucas. This is my advice to you as your Friend. Hm?" Ngumiti siya at tumango.
BINABASA MO ANG
I'm the CEO's Wife
DragosteCollage palang ay inihanda na si Mika ng kanyang mga magulang upang ipakasal kay Jaden and Anak ng isang mayaman na negosyante. Parehong May ari ng malaking kompanya ang mga magulang nina Jaden at Mika. Dahil sa Parehong nanganib ang kompanya ng dal...