Chapter- 21🥀(Jaden's Birthday Part 1)

940 19 0
                                    

Mika Pov.

Magandang Venue, Palakpakan at Hiyawan ng mga Guest at nakakasilaw na flash ng mga Camera ang sumalubong saamin ni Jaden pagkadating namin sa Venue ng Birthday Party niya. Isa pala itong Hotel na pagmamay ari ng Pamilya niya. Nakahawak ako sa Braso ni Jaden habang sabay na naglalakad. Naglakad kami papunta sa mga bisita niya. Grabe sa Aura palang nila mga yayamanin na.

"Happy Birthday, Jaden" nakangiting ani ng isang lalaki na sa tingin ko nasa 50's na.

"Thank you po, Mr. Romero." Ani niya sa lalaki at nakipag shakehands. Napunta naman saakin ang tingin niya kaya na pressure tuloy ako.

"And you are?" Ani niya habang nakatingin saakin.

"Hindi mo pa po pala nakilala siya. This is Ma. Mikaela Martinez- Oliveros, My Wife" nakangiting ani niya.

"Ah! The Famous Doctor! Nice to Meet you, Miss Mikaela" ani niya. Nagshakehands rin kaming dalawa. Ang akward lang kasi karamihan talaga na andito sa party ay hindi ko kakilala at lahat talaga naka Formal na damit.

Nagpaalam muna ako kay Jaden na mauuna na akong umupo sa table namin kasi nangangalay na ang paa ko dahil sa heels. Ang tagal rin kasi nilang mag usap usap. Pumayag naman siya kaya iniwan ko na siya sa mga Bisita niya. Nahagilap agad ng mata ko sina Trisha at Kayla. Invited na talaga si Trisha kasi lahat ng nagtratrabaho sa Kompanya nina Jaden ay pinapunta ng Mommy niya. Si kayla naman ay ako at si Jaden ang nag invite.Syempre kasama rin silang dalawa sa Resort Bukas.

Kahit papaano ay hindi rin ako mababagot dito kasi andito ang mga kaibigan ko. Lumapit ako sa table nila at umupo sa tabi nila. Nakita ko rin na kasama nila sina Christian, Mr. Chen at Ram. Kasama rin pala ang tatlong yan bukas. Ang madaldal talaga sa grupo namin ay itong Trisha at sinasabayan lang naming tatlo. Sa boys naman si Christian at si Ram lang ang nagsasalita. Si Mr. Chen naman ay nakikinig lang.

Ilang minuto pa ay lumapit narin saamin si Jaden. Natawa nga kami kay mukhang napagod sa pagaasikaso sa mga bisita niya. Tumabi siya kay Mr. Chen at nagsimula narin kaming kumain. Muntik na ngang kami mapagalitan dahil sa ingay ni Trisha. Nakakatuwa lang kasi tuwing birthday ni Jaden ay nagpapa party rin Mommy niya and sa dalawang taon na hindi pa kami nagkakasundo ay sobrang nababagot talaga ako sa party niya. Hindi ko pa kasi sinasama sina Kayla noon kaya sobrang boring talaga.

Tapos ito pang si Mr. Chen ang kasama ko sa table noon kasi nakikipagusap pa si Jaden sa mga Bisita niya. Parang nakikipag usap kalang sa Bato. Btw, pinagusapan rin namin ang gagawin naming lahat bukas. Sinabi narin namin ni Jaden na kaming dalawa ang magbabayad para sa party niya bukas sa resort. Nakakahiya rin kasi na magpapa libre kami ulit kay Tito Antonio eh ang dami dami na namin.

Ayaw ko rin naman na si Jaden ang magbabayad ng lahat. Syempre dapat hati kami. Si Ram naman daw ang bahala sa Drinks, kukupit daw siya sa Collection ng Dad niya na mga mamahaling Wine. Syempre joke lang, magpapaalam daw muna siya. Sina Kyla, Trisha, Mr. Chen at Christian naman ang bahala sa mga snacks na bibilhin. Sinabi ko narin kasi na ako ang magluluto sa kanila bukas. Sila narin pala ang bibili ng mga sangkap.

"Hello, Guys... Hiramin ko muna ang anak ko ha" nakangiting ani ng Mommy ni Jaden.

"Sure, Ma. Kunin niyo na po" ani ko at napatawa naman siya. Tumayo na si Jaden at pumunta sa Stage.

"Goodevening, Ladies and Gentlemen" ani niya at naghiyawan ang mga Bisita.

"Grabe, ang gwapo talaga ni Sir Jaden" ani ni Trisha.

"Woahhh!" Ani ni Mr. Chen at pinalakpakan ang Boss niya.

"Thank you all for Coming here. Thank you also to my hardworking Mom for preparing this wonderful event for me. Taon taon ay nagkakasama tayo para sa pagdiriwang na ito kaya hindi narin bago sa atin to. Siguro kabisado niyo narin ang speech ko kasi parati naman akong nagsasalita dito. But for me, Special ang Birthday ko ngayon. Mas Maraming tao na mas napalapit saakin. May unexpected na Friendship ang nangyayari at may special someone na mas nagpapa saya saakin sa taong ito."

"Sino kaya ang Special Someone na iyon~" ani ni Kayla at tumingin sakin.

"Naku, Tumigil ka dyan ha" ani ko.

"Salamat rin pala sa Martinez Group of Company dahil sa walang tigil na supporta sa Company namin at saakin narin. Thank you for trusting me, Ma'am and Sir or Should i say my Mother-in-law and my Father-in-law. Lastly, Thank you also to my Wife who keeps supporting me. Kahit Hindi maganda ang simula natin but hindi ibigsabihin non na hindi rin maganda ang magiging wakas natin. Thank you, Mrs. Ma. Mikaela Martinez Oliveros" ani niya habang nakatingin saakin.

Tumingin rin saakin ang mga bisita at pinalakpakan din ako. Bigla tuloy akong nahiya. Hindi pa naman ako sanay sa ganitong atensyon.

.

.

.

Third Person Pov.

Malakas na sinara ni Evris ang Pinto ng nakapasok siya sa Office ng Ama niya. Dahil dito ay lumikha ito ng tunog at napatingin sa deriksyon niya ang kanyang Ama.

"Ano ang ginagawa mo Dad?! Magpapadala ka ng Tauhan mo sa Party ni Jaden?" Galit na ani ni Evris sa Ama.

"Hindi ba mas maganda yon? Nasa iisang lugar lang ang mga Oliveros at Martinez" ani ni Mr. Castro at tinanggal ang kanyang eyeglasses.

"Dad, Maraming madadamay sa gagawin niyo. Can you just let them enjoy the party?"

"Anong nangyayari sayo, Evris? Hindi ka naman ganyan dati ah"

"Hindi ko lang talaga kaya ang ginagawa mo. I thought hanggang Paggawa lang ng Death threat ang kaya mo. And now? Papatay ka?"

"I'm doing this for your Lolo, Evris" mahinahon na ani niya.

"No, Dad. You're doing this for your own good. I think that's why my mom left you. You better stop your plan, Dad. Kapag hindi, ako na mismo ang magpapakulong sayo" tinalikuran niya ang kanyang ama at naglakad papalapit sa pinto.

"Evris!"

I'm the CEO's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon