Chapter- 39🥀 FINALE

1.5K 23 0
                                    

Jaden Pov.

Dalawang araw na mula nang matagumpay naming nakuha ang suporta ng mga The Eternals. Dahil rin dito ay unti unting ding tumaas ulit ang sales ng mga Products namin.

Bumalik din pala saamin si Mr. Martinez. Pagkatapos ng presentation ay nag usap sina Daddy at si Mr. Martinez. Sila lang dalawa yung nasa Office kaya hindi namin alam kung ano ang pinag usapan nila. Kanina lang sinabi ni Daddy na Bumalik na ang partnership nila.

Ofcourse, Hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Hindi parin natatapos ang issue at kumakalat parin ito. Marami pading mga reporters ang nag e-email kay Daddy para sa Official Statement niya about sa issue.

"Ngayon na unti-unti nang bumubuti ang lahat ay siguro panahon na para magbigay tayo ng Official Statement natin." Ani niya. Andito ako ngayon sa Office niya.

"Ano po ang pinaplano mo?"

"Ipatawag mo ang lahat ngmga media na nag e-email saakin. Pati ang mga Radio Reporters." Tinext ko si Miss Reyes para siya na ang tumawag sa mga Reporters.

.

.

.

Mika Pov.

Mag isa ako ngayon na tumatambay sa Café na palagi naming pinupuntahan. Matagal din ata akong hindi na tambay dito. Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari nitong mga nag daang araw.

Ngayon nga ay kalat na sa lahat ng Social media platforms ang Interview ng Daddy ni Jaden. Sinabi niya ang lahat sa media pati ang tungkol aa ugnayan nila sa mga Castro.

Hindi ninakaw ng mga Oliveros ang Kompanya ng mga Castro. Ito ay kusang Binigay ng dating tagapagmahala nito. Totoo na dahil rin sa tulong ng mga Castro ay naging matagumpay ang mga Oliveros.

Gumawa ng sariling Kompanya ang mga Oliveros at mas lumaki pa ito dahil rin sa galing ng mga oliveros magpatakbo ng kanilang kompanya.
Lahat ay ipinaliwanag ng Daddy ni Jaden. Sa mga Oras na iyon ay sobrang namangha ako sa tapang niya.

"You're here" napatingin ako sa lalaking bigla nalang umupo sa harapan ko. May hawak siyang Kape at nilapag ito sa mesa.

"Bakit ka andito?" Ani ko. Hindi naman gaano ka layo ang Kompanya niya dito pero hindi naman siya palaging napupunta dito.

"Well, Bumili lang ako ng kape at nakita kita dito na nakatulala habang nakatingin sa labas"

Biglang naalala ko tuloy ang huling tampohan namin. Ito ba ang paraan niya na magkaayos kami o ginagawa niya lang to sakaling maghiwalay na kami.

"Ano na ang gagawin natin ngayon? Tapos na ang lahat ng mga kagulohan na nangyari. Magsisimula na ba akong mag impake sa bahay?" Ani ko.  Sumandal siya sa upuan at tumingin saakin.

"I'm sorry, alam ko na nasaktan ka sa ginawa ko. Pero ginawa ko lang talaga yon para rin naman sayo. Ayoko lang naman na madamay kapa at-" bago niya pa matapos ang sinasabi niya ay nagsalita na ako.

"Jaden.."

"Please don't leave me, Mika." Iyon lang naman ang gusto kong marinig sa kanya.

"Sigurado kana ba diyan?"

"I Love you.."


Wala na. Balak ko pa sanang magpakipot pa, pero sa sinabi niya ay napangiti ako. Di ko mapaliwanag yung kilig na nararamdaman ko.

Ang lalaking Minahal ko ng sobra ay Ganoon din ang nararamdaman niya saakin. Hindi ito ang unang pagkakataon na sinabi niya saakin iyon.

Hindi ko mapigilan ang pagngiti kaya napatakip ako sa mukha ko. Sa tingin ko tuloy namumula na ang pisngi ko.

I'm the CEO's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon