Chapter- 18🥀

910 20 0
                                    

Trisha Pov.

KINAUMAGAHAN ay maaga akong pumasok sa trabaho. Mag isa ako ngayon sa Office namin ni Mr. Chen kasi inaasikaso niya ngayon ang Office ni Sir kasi babalik na daw siya mamayang hapon kaya naiwan akong mag isa dito.

Para malabanan ang antok ay kumuna ako ng Kape kanina sa Cafeteria at ito ang iniinom ko ngayon. Kahit papaano ay nagigising ang kaluluwa ko. Sinuot ko ulit ang Anti- Rad ko na eyeglasses at Tinuloy ang trabaho.

Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas ito. Akala ko si Mr. Chen, Pero si Christian lang pala. Hinatid niya saakin ang mga Files na kailangan ko munang i check isa isa bago i bigay kay Sir Jaden. Dahil dun ay nadagdagan na naman ang kailangan kong gawin para sa araw na ito.

Akala ko ay lalabas na siya pero kumuha siya ng upuan at umupo malapit sa Mesa ko. Sinulyapan ko ang ginagawa niya at Tinuon ulit ang atensyon sa PC.

"Hindi ka paba babalik sa trabaho mo?" Ani ko.

"Bakit parang pinapaalis mo agad ko.." ani niya. Tiningnan ko siya.

"Hindi naman sa ganon, wala kabang gagawin ngayon."

"Just Kidding. Nah, Kaya nga ako naboboringan ngayon. Pinilit ko pa ang Boss namin na ako na maghahatid ng mga yan para madalaw kita dito" ani niya. Napangiti naman ako. Talaga ba?

"Mabuti naman sayo at magaan lang ang trabaho mo. Ako kasi tambak tambak ang gawain ko ngayon" ani ko at uminom ng kape.

"You've changed ha.." nakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What?"

"I mean, Hindi kana naiilang sa presensya ko ngayon." Napatigil ako sa pag tatype at tumingin sa kanya.

"What do you mean?"

"Dati kasi parang namumutla ka at nanginginig kapag kasama mo ako" nakangising ani niya. Tsk, dapat niya ba talagang sabihin yon?

Well, may point naman siya. Hindi ko rin alam kung bakit biglang nawala ang ilang ko sa kanya. Nagsimula ata noong nag trabaho na ako dito sa Kompanya.

"Maybe, dahil palagi na tayong nagkikita?" I said. Napatingin siya sa akin.

"Bakit mo ako tinitingnan ng ganya?" Tanong ko.

"Wala lang, Hindi lang ako sanay." Nagtaka ako kasi kahit ngumingisi siya ay nararamdaman ko na may bumabagabag talaga sa kanya.

"Miss Reyes?" Napatingin kaming dalawa ni Christian sa kadadating lang na si Mr. Chen.

"Oh, Sir. Andyan kana pala" ani ko. Tumayo ako at Lumapit sa kanya.

"Why? Nakakaistorbo ba ako sa inyo?" Ani niya sabay turo saamin ni Christian.

"Po?"

Bago paman magsalita si Mr. Chen ay tumayo na sj Christian at lumapit saamin.

"Goodmorning, Mr. Chen. Dinala ko lang PO dito ang Files na kailangang ipa check kay Miss Reyes. Alis na PO ako Sir." Hindi ko alam pero naririnig ko ang pagdiin ni Christian sa Sinasabi niya.

"Okay, Pwede ka nang lumabas" mahinahon na ani ni Mr. Chen. Nagtinginan muna ang dalawa bago lumabas ng office si Christian. Si Mr. Chen naman ay tiningnan ako ng masama na para may ginawa akong di kaaya- aya ngayong araw.

Ano ba ang nangyayari sa dalawang yon?

.

.

.

Mika Pov.

Nauna akong umalis sa bahay kay Jaden. Sabi niya kasi mamayang hapon nalang daw siya papasok sa trabaho niya. Hinayaan ko nalang para makapagpahinga siya.

Pagdating ko sa Hospital ay nagbihis agad ako at tinali ang buhok ko. Iniwan ko narin muna ang mga gamit ko sa locker at nilagay ang Phone ko sa bulsa ko.

Pagkatapos kong maghanda ay nagtrabaho agad ako. Pumunta ako sa Nurse Station at binati angmga Nurse na nakaduty. Nagkwekwento sila saakin habang tinitingnan ko ang Chart ng mga Pasyente ko.

"Wahhh!" Muntik ko nang ihampas ang Chart na hawak ko ng biglang may sumulpot sa likuran ko.

"Doc Wayne naman eh!" Ani ko at hinampas ang braso niya. Tumawa lang siya at tumabi saakin.

"Mabuti naman at bumalik kapa, akala ko titigil kana sa trabaho mo at magiging isang dakilang housewife" ani niya.

"Ewan ko sayo Doc. Mas lalo ka yata naging madaldal ngayon ah" ani ko.

Sabay kaming napalingon ng marinig namin ang tunog ng ambulansya. Nilapag ko ang Chart at tumakbo para salubongin ang pasyente namin. Naabutan namin na nilalabas na siya sa ambulansya.

"Ano po ang nangyari?" Tanong ko sa responder.

"Sinaksak po ang pasyente. Mamaya ko nalang i papaliwanag ang lahat Doc" ani niya.

Sabay naming tinulak ang stretcher papasok ng ER. Pinatawag narin namin ang kamag anak ng pasyente. Nilipat namin siya sa Hospital Bed at doon ginamot.

Hindi naman malalim ang sugat ng pasyente at walang Organs na natamaan. Pero kailangan niya parin na ipahinga ang katawan niya para hindi ma infect ang sugat niya. Ilang sigundo pa ay nagising narin siya.

"W-Where am i?" Ani niya at umupo sa pagkakahiga,

"Nasa Hospital ka po Sir. Hindi naman malalim ang sugat mo at walang organs na natamaan. Hindi po namin matawagan ang Family mo. May mga kaibigan kaba na pwede kang puntahan ngayon?" Ani ko.  Napatingin siya saakin at sunod siyang tumingin sa ID ko.

Hinanap niya saamin ang Phone niya at may tinawagan. Ilang minuto pa ay may dumating na tatlong lalaki na naka formal suit. Nag request daw ang boss nila ng VIP room para mag paadmit.
Hindi ko maintindihan kung bakit niya pa kailangan mag stay sa Hospital.

At alam niyo ba ang mas nakakapagtaka, Ako ang nirerequest niyang maging Doctor niya. Sabi nga nila, hindi pwedeng mamili ng pasyente ang mga Doctor pero ang mga pasyente ay pwedeng pumili ng Doctor nila.

Tiningnan ko ang ID na binigay saakin ng isa sa mga lalaki.

Evris Raul Castro

I'm the CEO's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon