ROCHER'S POV
Pain. Hatred. And vengeance are encapulated in one person.Kung nararamdaman mo ang tatlong ito sa mahabang panahon ay alam mo ba ang pakiramdam ng pagmamahal?
Alam mo ba ang ibig sabihin ng pagpatawad?
Siguro hindi, base na rin sa nararanasan ko.
The word forgiveness wasn't in my vocabulary.
Why would I forgive you if you're the reason why I'm hurting?
Why would I forgive you if you killed my parents?
Why would I forgive you if you're the cause of why myself was being drowned deeply and was strangled by a strong chain from the past?
At bakit kita mamahalin kung ikaw ang anak ng taong naging dahilan kung bakit naging ganito ang takbo ng buhay ko?
Simula nang mangyari ang nakaka-traumang gabing iyon ay ang tanging isinisigaw nitong puso ko ay galit at paghiganti.
Even the beat of it shout revenge! Revenge! Revenge!
Ang hirap makalimot kung ang dalawang tao na una mong minahal ay namatay ng wala sa oras. No. Pinatay pala sila sa mga kampon ng demonyo.
Iyong gabi na gusto mong lapitan ang mga magulang mo at ipagtanggol sila sa mga taong iyon, pero wala kang magagawa kasi wala kang kapangyarihan.
You are powerless to defend them.
Your are powerless to stand on the ground.
You are powerless to say a word.Pagkatapos kong makita ang pera na iniwan ni Mama, I asked them nonstop while crying so hard.
"Anong gagawin ko sa perang ito, Mama, Papa?"
"Bakit hindi niyo na lang ibinigay sa kanila?"
"Bakit niyo ako iniwan?"
Ilan lang iyan sa mga itinanong ko sa kanila sa hangin. Sobrang naguguluhan ako sa lahat. Hanggang sa lumaki ako ay naiintindihan ko na.
Alam ng mga Benondo na walang pinag-aralan ang mga magulang ko. But they can't fool my parents. My parents doesn't go to school, but they are wise in life. Inipon nila ang lahat ng kanilang pera. Alam ng mga magulang ko na wala na silang utang, pero dahil sakim sa pera si Rufino Benondo, sinabi niyang may malaki pa silang utang.
Money is the root of all evil.
Gabi-gabi ay makita ko na lang ang sarili ko na umiiyak sa madilim na sulok. Gabi-gabi ay iniisip kung bakit ginawa nila ang lahat ng iyon.
At gabi-gabi ay unti-unting napupuno ang puso ko ng galit hanggang sa maisip kong maghiganti.
Unti-unti kong kinuha ang lahat ng mayroon si Rufino. Pati ang kaniyang nag-iisang anak na dalaga.
Wala akong ibang hinangad kun'di ang makapaghiganti sa kanila at makamit ang hustisya sa pagkamatay ng mga magulang ko.
I used his daughter to be my bait. But funny how fate played with me. Sudden turns of event.
Si Fianna ang ginawa kong bitag upang mahulog ang kaniyang ama sa ginawa kong patibong. Pero sa huli ay ako pala ang nahulog. Hindi sa patibong ng mga Benondo ako nahulog kun'di sa isang Benondo mismo.
To add more flame, we have two kids. And they change my vision in life, forever.
Fianna keep on saying to forget and forgive.
Ang sabi nga nila 'Madaling sabihin pero ang hirap gawin.'
Totoo.
Sobrang hirap makalimot kung nakatatak na ito sa isip at puso mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/285231262-288-k565625.jpg)
BINABASA MO ANG
His Lovely Prisoner (HIS SERIES #2) ✓
RomanceSTATUS: COMPLETED✓ Sa murang pag-iisip ay namulat na si Rocher Nyx Zaballero sa kalupitan at karahasan ng mundo. Nakita mismo ng kaniyang dalawang mata kung paano pahirapan at patayin ang kaniyang mga magulang. Nang dahil sa nangyari ay isang matind...