ROCHER'S POV
WE JUST GOT MARRIED.I proposed to her and after 3 months ay nagpakasal kami agad. We tied the knot earlier.
Ano pa ba ang dahilan upang ipatagal pa? 'Di ba?
Our wedding was intimate only. Close friends and her relatives were only invited.
Fianna chose to make our wedding intimate. I can give her a very special and grandeur wedding, but she refused.
And sabi niya ay hindi naman pabonggahan ang kasal upang masabing kasal na kayo. Simple wedding is also the best. Ang importante ay maitali kayong dalawa.
I couldn't disagree, because she's right. It's okay if the wedding is simple or not, because the most important is you got to tie the knot of marriage.
And for our honeymoon, ewan ko kay Fianna kung gusto niya ba ang honeymoon part ng kasal, o ayaw niya lang gumastos ng maraming pera, o ayaw niyang iwan ang mga bata o tamad lang siyang pumunta sa ibang lugar. Her family gave us a free trip to any country we want to go, good for 2 weeks, but she declined.
That is why in our first night as a married couple, we just stayed in our house together with our kids. We watched movies and have lot of foods.
Well, for me, if I will going to choose between having honeymoon outside the country and staying at home, I'll choose the latter. I prefer spending our honeymoon in our home.
Lumabas ako ng balkonahe upang magpahangin. Fianna and the kids are watching cartoon.
Tumingala ako at tiningnan ang kalangitan. Ang kagandahan ng langit ngayon ay sumasabay sa ganda ng gabi ko.
Time flies so fast. Malungkot ang mga gabi ko na uupo rito sa balkonahe noon, na kaagad din akong yayakapin ng malamig na hangin na siyang nagpapadagdag ng lungkot na nararamdaman ko.
Pero ngayon, sobrang saya ng gabi ko kagaya ng mga butuin na nagkikislapan sa kalangitan.
"Rocher, your phone is ringing!" Rinig kong sigaw ni Fianna sa loob.
Pumasok ako ulit sa kuwarto at kinuha ang cellphone sa bedside table. Umupo ako sa tabi ni Fianna sa kama. Sinagot ko ang tawag nang makitang si Gareto pala ito.
"Oh? Napatawag ka?" bungad ko.
Ipinatong ko ang aking mga paa sa kama at sumandal ako sa headboard. Inilagay ni Fianna ang kaniyang ulo sa hita ko. Hinaplos ko ang kaniyang buhok.
Sobrang ingay sa kabilang linya. At sigurado akong mga hayop ko na namang kaibigan ito, base na rin sa kanilang mga boses.
"We just want to inform you," huminto si Elus.
Hinintay kong dugtungan ni Elus ang kaniyang sasabihin pero tawanan lang nila ang naririnig ko. Ginagago ba ako ng mga hayop na ito?
"What?" Inis kong untag sa kanila.
"We want twins!" Sigaw nilang lahat.
Sinulyapan ko ang mga anak ko. Tulog na tulog na sila habang magkayakap sa isa't-isa.
"Or triplets!" Dagdag nila.
"Puwede rin!" Boses ni Damien.
"Basta dapat kagaya ni Enerio na kambal. Pero mas maganda kung higitan mo pa." Elus.
"Hindi puwedeng isa lang ang lulusot!" at Gareto.
"Kayo ba ang gagawa, huh?"
Bumangon si Fianna.
BINABASA MO ANG
His Lovely Prisoner (HIS SERIES #2) ✓
Roman d'amourSTATUS: COMPLETED✓ Sa murang pag-iisip ay namulat na si Rocher Nyx Zaballero sa kalupitan at karahasan ng mundo. Nakita mismo ng kaniyang dalawang mata kung paano pahirapan at patayin ang kaniyang mga magulang. Nang dahil sa nangyari ay isang matind...