ROCHER'S POV
AFTER a month, Aman and Fianna's mother-son relationship are getting better. Lalapit na siya kay Fianna, yayakap, hahalik, magsasabi ng I love you, Mama, at tatabi sa pagtulog.I'm so happy for them. Each day I'm so thankful that I have these three people in my life. Araw-gabi nilang pinuno ang puso ko. Walang araw na hindi nila ako pinasaya. Just by looking at them laughing and smiling makes my day complete.
"Rocher."
Nilingon ko si Fianna. She's wearing a white dress na above the knee ang haba.
Ibinaba ko ang hose ng tubig sa sahig. "Bakit?"
Pumunta siya sa likuran ko at inilagay sa aking likod ang hawak niyang puting bimpo. "Magkikita kami ng mga kaibigan ko ngayon."
Pinahid ko ang basa kong kamay sa suot kong short. "Where?"
Pumunta siya sa harap ko. "Coffee shop. Okay lang ba?"
Ngumiti ako. "Sure. Ngayon na ba? Naglilinis pa ako ng sasakyan."
Pinunasan niya ang pawis na nasa noo ko gamit ang kaniyang kamay. "Tyra will fetch me. Hindi pa kami nagkikita simula noon pa man. Kaya ito ang unang pagkakataon na magka-reunite kaming lahat ng mga kaibigan ko."
I smiled to her. "Anong oras ba kayo matatapos para susunduin kita."
"I don't know. Pero uuwi ako mamayang 3 pm."
"Mama, let's go."
Napatingin ako sa likuran ni Fianna nang marinig ko ang boses ni Chiara.
"And where are you going?" tanong ko sa dalagingging ko.
Lumapit siya sa amin. "Sasama po ako kay Mama, Papa."
"Ba't ngayon ko lang alam ito, huh?"
"Ako rin, Papa. Sama ako!"
Napatingin ako sa sumisigaw na si Aman. Nakasuot na ito ng paborito niyang spiderman design na damit, pantalon at sapatos.
"Iiwan niyo na ako ngayon dito na mag-isa sa bahay?"
"Ngayon lang naman po, Papa. I want to meet Mama's friends!" Chiara exclaimed excitedly.
"Ako rin po!"
Narinig kong tumawa si Fianna.
"Isasama ko sila. Gusto silang makita ng mga kaibigan ko." ani Fianna.
Umupo ako upang magkapantay kami. "Sasama kayo sa Mama niyo. Don't be stubborn and naughty, especially you Aman. Don't run everywhere. Don't talk to strangers. At huwag din kayong lalayo sa Mama niyo." Paalala ko.
He salute. "Yes, Sir!"
Nakangiti kong ginulo ang kaniyang buhok. Biglang may bumusina sa labas ng gate.
"Mukhang nandito na ang sundo niyo." Sambit ko.
Chiara kissed my cheeks. Itinaas ni Aman ang kaniyang kamao. Itinaas ko rin ang akin. Ibinangga namin ang aming mga kamo. Then nag-apiran kami. At pagkatapos ay iginalaw-galaw namin ang aming mga daliri palayo.
Kaagad silang tumakbo papunta sa gate.
Tumayo ako at tiningnan si Fianna. "Mag-iingat kayo. Susunduin ko kayo mamayang alas-tres."
Ngumiti siya. "Oo." Hinalikan niya ako sa labi.
"Wala ba kayong lalaki na kasama?"
"Hindi ko alam. Ang sabi ni Tyra na kaming magkakaibigan lang daw. Pero baka isasama nila ang kanilang mga boyfriend o husband."
![](https://img.wattpad.com/cover/285231262-288-k565625.jpg)
BINABASA MO ANG
His Lovely Prisoner (HIS SERIES #2) ✓
RomanceSTATUS: COMPLETED✓ Sa murang pag-iisip ay namulat na si Rocher Nyx Zaballero sa kalupitan at karahasan ng mundo. Nakita mismo ng kaniyang dalawang mata kung paano pahirapan at patayin ang kaniyang mga magulang. Nang dahil sa nangyari ay isang matind...