KABANATA 5

1.2K 21 0
                                    

ROCHER'S POV


“PUTANGINA! Paano nangyari iyon!? Paano nabili ng kung sinumang Poncio Pilato ang mga lupain ko?!”

Tahimik kong pinakinggan ang sigaw ni Rufino. Nandito ako ngayon sa labas ng kanilang bahay. Kahit may tarangkahan na nakaharang ay maririnig pa rin ang umaalingawngaw niyang boses.

“Sino ang pangalan?!”

Mukhang mahina ang boses ng taong tinanungan niya dahil hindi ko marinig.

“Night?! Sinong Night?! Kilala niyo ba kung sino?!”

Me, the only Night, Rufino. Kanina pa siya nakasigaw. Kung maputol sana ang kaniyang litid sa leeg edi mas masaya.

Pinaharurot ko ang sasakyan nang makitang nag-function na ang audio recorder. May dalawang tauhan akong ipinasok sa bahay ni Rufino upang magsilbi sa kaniya at upang magmatiyag na rin sa paligid. Ipinadala ko ang audio recorder para marinig ko ang kanilang sasabihin at upang malaman ko ang susunod nilang plano.

Inihinto ko ang sasakyan sa isang kalsadang napapalibutan ng mga naglalakihang kahoy. Sobrang tahimik. Kung normal lang ang panahon ay ma-e-enjoy ko sana ang kagandahan ng lugar na ito. Binuksan ko ang bintana.

“May balita na ba kayo kung nasaan ang anak ko?”

“Wala pa, boss amo. Patuloy pa rin naming pinaghahanap.”

“Ah tonto! Isang taon na! Isang taon ng nawawala ang anak ko pero hindi niyo pa rin mahanap?!”

“Boss amo, sobrang hirap hanapin ng anak niyo. Echineck na namin ang lahat ng CCTV footages sa lahat ng lugar na puwede niyang mapuntahan pero wala. Wala kaming nakita kahit anino niya.”

Narinig ko ang isang malakas na paghampas sa mesa. Kinuha ko ang isang pakete ng sigarilyo at naninigarilyo. Ang mainiting ulo mo, Rufino, ang siyang mas makakapagpabagsak sa iyo.

“Mga walang silbi! Mga puta! Magsilayas kayo!”

“Boss amo, may malaki po akong respeto sa inyo pero kung sana ay tumulong ka sa paghahanap ay baka matagal ng nahanap ang anak mo. O, baka dahil hindi namin mahanap kasi patay na ang anak niyo.” matapang na turan ng isang boses lalaki.

Narinig ko na may kumasa na baril at maya-maya ay isang putok ng baril. Bumuga ako ng usok at tumingin sa labas ng bintana. Ngumisi ako. Still the old Rufino.

“Kung mayroon pang mangahas na suwayin at sagot-sagutin ako, maghukay na kayo ng sarili niyong libingan.” seryosong ani niya.

Napatawa ako. Baka ikaw kamo ang maghukay ng libingan, Rufino? Inihulog ko ang stick ng sigarilyo at pinaandar ang sasakyan.

“Hindi ko alam kung bakit nangyari sa akin ang malaking dagok na ito. Una, nawala ang anak ko at hindi ko alam kung dinakip ba siya o ano. Pangalawa, ay ang pagkawala ng kaibigan nating si Tiofilo. Pangatlo, unti-unti ng nawawala ang lahat ng mga ari-arian ko. Lupain, kompanya, mga negosyo. Mansyon nalang ang naiwan sa akin ngayon.”

“Hindi kaya unti-unti ka ng binabalikan ng mga nakaaway mo?” tanong ng isang lalaki. Alam kong ang isang doktor ito na si Ambo dahil sa boses nito.

Mas lalong lumaki ang ngisi ko dahil sa itinanong niya. Matalino. Mabuti't tumama ang hinuha mo, Ambo.

“At sino naman ang ipinupunto mong kaaway ko, Ambo?”

“Baka sa negosyo. Alam mo na. Marami kang ka kompetensya sa negosyo. Baka iyon ang dahilan ng lahat.”

Pinatay ko ang radyo. Tsk. Binabawi ko na ang pagpuna ko ng matalino kay Ambo.

His Lovely Prisoner (HIS SERIES #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon