ROCHER'S POV
A very innocent and charming smile I wore as I entered in the mental hospital.
“Good morning, Doc.” bati ng isang babaeng nurse.
Nginitian ko siya. “Morning.”
Nginitian ko rin ang iba pang doktor at nurse na nadaanan ko. It's so nice to be back to the things I used to do. Wearing mask. Camouflage. Fooling people.
Dumeretso ako sa Information desk. Tiningnan ko ang mga nurse na sobrang busy. May iba na nagbabasa ng kung ano. May iba na naghahanda ng syringe. Ang iba ay naghahanda ng gamot. Just like the normal day and just like how the nurses and doctors usually do. All the staff here have a good intentions and great missions. Mukhang ako lang ang doktor na may maitim na plano sa pasyente.
Tumawa ako sa aking isipan. I'm not really a doktor. Nagdoktor-doktoran lang. Maliit na pagpapaikot lang sa kamay upang makapasok ako sa Institusyong ito. 3 weeks ago nang makapasok ako rito.
“Hi, Doc., good morning.”
Nginitian ko ang babaeng Psychiatrist.
“Morning.” tugon ko. Bumaling ako sa babaeng nagbabasa, siguro mga dokumento ang binabasa niya. “Excuse, Ma'am.”
Umangat ang kaniyang tingin. Ngumiti siya. “Doc., good morning. Bakit?”
“In-charge ka ba sa Informations ng mga taong naka-admit dito?”
“Yes, Doc.”
Ipinatong ko ang aking kamay sa ibabaw ng lamesa. “Can you tell me, Ma'am, kung may improvements na ba ang pasyente sa room 111? I was not assigned to that room since last 2 weeks. At ngayon ay doon ako naka-assigned.”
Tumango-tango siya. “Okay, Doc. Wait.”
Tumayo siya at may hinalungkat sa puting drawer malapit sa kaniya. Maya-maya ay may dala siyang puting folder. Umupo siya ulit at binuklat ang folder. Inilipat ko ang aking paningin sa paligid. Lots of people who have different mental problems are here. Medyo maingay ang hospital ngayon dahil may kararating na naman na bagong pasyente at sumisigaw ito. Iyong isa ay nagwawala. Nahinto lang ito sa pagwawala nang turukan siya sa isang nurse. Mukhang tranquilizer ang itinurok nito.
“Ambo L. Pasaporte Jr. 50. Married. Case: Post-traumatic stress disorder. Status: No improvement.” sabi ng nurse.
Nilingon ko siya. “Okay. Thanks, Ma'am. I'll just check the patient.” nginitian ko muna siya bago ako naglakad papunta sa kuwartong 111.
1 month ago nang ilagay siya ng kaniyang pamilya rito dahil sa akala nilang naging baliw si Ambo. I know that he's not crazy. Hindi siya nasiraan ng bait.
Noong nakita niya ako ay bigla niyang hinabol ang kotseng sinasakyan ko. Nagsisigaw siya. At dahil na-master ko na ang pagiging mapagpanggap, inihinto ko ang kotse noon at inosente siyang hinarap. His wife become more furious because of what he did. Kesyo nakakahiya raw ang kaniyang ginagawa.
I even went to his daughter's wake. And guess what he did. Hahaha. That was so funny. Mas lalo niya pang pinahiya ang sarili niya noon. Sinugod niya ako. Nagwala siya. Kung ano-ano na ang lumabas sa kaniyang labi. Kaya mukhang naisipan ng kaniyang pamilya na ilagay siya sa mental hospital.
My plan goes so well. We're now playing death.
Kinindatan ko si Bali nang makita ko siyang naglilinis sa pasilyo. He's also in disguise. Nagpanggap siyang janitor upang mas lalo pang mabaliw si Ambo kung makita niya man ang isa sa amin.
“I am not crazy! Putangina! Ilabas niyo ako rito! Ilabas niyo ako! Papatayin ko ang pisteng iyon!” rinig kong sigaw ni Ambo dito sa labas ng kaniyang kuwarto.
![](https://img.wattpad.com/cover/285231262-288-k565625.jpg)
BINABASA MO ANG
His Lovely Prisoner (HIS SERIES #2) ✓
RomanceSTATUS: COMPLETED✓ Sa murang pag-iisip ay namulat na si Rocher Nyx Zaballero sa kalupitan at karahasan ng mundo. Nakita mismo ng kaniyang dalawang mata kung paano pahirapan at patayin ang kaniyang mga magulang. Nang dahil sa nangyari ay isang matind...