"Mama, may pawis ka po sa noo. Halika po, punasan natin"
Ngumiti ang ina sa sinabi ng anak niya.Lumapit ito sa kaniya na may dalang panyo at pinunasan siya. 7 years old palang si Rocher. Pero sa ganitong edad ay bihasa na siyang magbasa. Hindi siya nag-aaral dahil wala pa silang pera pero nangako ang kaniyang mga magulang na pag-aaralin siya sa susunod na pasukan. Dahil sa mga itinuro ni Matilda sa kaniya ay para na rin siyang bata na nag-aaral sa paaralan.
Nakangiting kinurot ni Matilda ang ilong ng batang si Rocher. "Saan ka ba galing, anak? Ba't ang dumi nitong suot mong damit?"
Umupo ang batang si Rocher sa maliit na batong nakausli at tumingin sa ginagawa ng ina na nagluluto ng kanin at ulam. Paminsan-minsan din ay nagsisibak ang ina niya ng kahoy.
"Pinapakain po ang mga kambing. Nadapa po ako sa putikan, mama, dahil bigla pong tumakbo ang mga kambing kaya nakaladkad ako" sagot ng batang si Rocher.
"Nandito lang pala ang makulit kong anak"
Napalingon ang mag-ina sa kararating lang na ama ni Rocher. Nakasuot ito ng salakot sa ulo, bota sa paa, punit na jacket, gusot na maluwag na maong. May malaking basket na nakakabit sa likuran na naglalaman ng iba't-ibang uri ng gulay.
"Hihihihi hahahaha" hagikhik ni Rocher nang kilitiin siya ng kaniyang ama.
Nakangiting tinanaw ni Matilda ang kaniyang mag-ama. Simple lang ang kanilang buhay pero kontento at masaya na sila sa buhay na meron sila.
"Tara na, anak. Linisin na natin ang katawan mo dahil kakain na tayo" sabi ni Matilda. Masayang tumango si Rocher. "Mahal, nasa mesa ang pampalit mong damit" baling ni Matilda sa kaniyang asawa.
Nakangiting tumango si Roger sa kaniyang asawa. Mahirap man sila sa pera pero mayaman naman sila sa tawa at pagmamahal. Tinitigan ni Roger ang kaniyang mag-ina na masayang naglalakad papunta sa poso. Kayo ang kayaman na iingatan ko habang-buhay.
+++++++++
KINAGABIHAN...
MAHIMBING na ang tulog ng pamilyang Zaballero nang magising sila sa malakas na kalabog sa labas ng kanilang bahay.
"Mahal, ano 'yon?" bulong ni Matilda sa kaniyang asawa.
Bumangon si Roger at sumilip sa maliit na butas ng kanilang bahay-kubo. "Nandito si Rufino at ang kaniyang limang tauhan" bulong pabalik ni Roger.
Si Rufino Benondo ang may-ari nitong lupang tinitirhan nila.
Isang malakas na kalabog na naman ang nangyari na siyang nakapag-papagising ng batang si Rocher.
"Mama..."
Napalingon si Matilda sa kaniyang anak. Tinabihan niya ito at niyakap. "Matulog ka ulit, anak" hinalikan niya ito sa noo.
"Roger! Matilda! Lumabas kayo diyan!" rinig nila ang boses ni Rufino na sumisigaw sa labas ng bahay nila.
Tinitigan ni Roger ang kaniyang mag-ina. Hindi niya alam kung anong mangyayari ngayong gabi. Ramdam niyang may hindi magandang mangyari. Masuyo niyang hinalikan ang noo ng kaniyang nag-iisang anak.
"Mahal na mahal kita, anak. Ikaw ang nagbibigay buhay at kulay sa buhay namin ng ina mo" bulong niya.
Napadilat si Rocher nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang ama. "Mahal din kita, papa. Mahal ko kayo ni mama" nakangiting sabi nito.

BINABASA MO ANG
His Lovely Prisoner (HIS SERIES #2) ✓
RomansaSTATUS: COMPLETED✓ Sa murang pag-iisip ay namulat na si Rocher Nyx Zaballero sa kalupitan at karahasan ng mundo. Nakita mismo ng kaniyang dalawang mata kung paano pahirapan at patayin ang kaniyang mga magulang. Nang dahil sa nangyari ay isang matind...