KABANATA 25

900 17 0
                                    

ROCHER'S POV

As I opened my eyes, a bright light welcomed me.

I close my eyes. Sa pagbukas ng aking mga mata ay ang mukha ng apat kong mga kaibigan ang bumungad.

Kumunot ang noo ko nang makitang bigla silang nag-iiyakan.

"A-Anong nangyari?" nanghihina kong tanong.

Hindi sila sumagot at patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Ba't kayo umiiyak? Hoy mga galing sa sperm cells!" singhal ko.

Mas lalong lumakas ang kanilang iyak.

"Patawad sa lahat, Rocher. Alam kong hindi ako naging mabuting kaibigan sa iyo. Pero mahal kita." Umiiyak na sambit ni Gareto.

"Huh?"

"Sino nalang ang kalaban ko sa taekwondo ngayong wala ka na? Please come back. Ayokong mawala ka. Wala ng Rocher na palaging manlilibre sa akin." umiiyak na ani ni Rachaelus. Sumisinok pa ito.

"Ano?"

"Kahit minsan palagi mo na lang kaming tinutukan ng baril tuwing pupunta kami sa bahay mo, pero mahal pa rin kita, Man. Bakit ka sumuko? Akala ko ba walang iwanan?" humihikbing saad ni Damien. Nakita ko ang mga luha niyang tumulo sa kaniyang pisngi.

"Bro, sa ating magkaibigan, tayo ang medyo nagkakaintindihan. Pero bakit mo ako iniwan? Ba't umalis ka na lang bigla?" umiiyak na tanong ni Enerio.

"What is wrong with you guys?" naguguluhan kong tanong.

"Paalam, Rocher. You may rest in eternal peace." Sabay nilang sambit.

Nanlaki ang mata ko. I am dead? Patay na ako? Hindi ko nakayanang lumaban? Kinurot ko ang aking braso pero nakaramdam naman ako ng sakit. Sinundot ko ang braso ni Gareto since siya ang pinakamalapit sa akin. I also feel him.

Kaagad siyang sumigaw. "Waaah! Rocher! Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa iyo pero please, huwag mo akong takutin. Huwag kang magparamdam sa akin. Maawa ka." nakasigaw niyang saad.

"Bakit? Anong nangyari sa iyo?" tanong ni Enerio.

"Something cold touched my arm." natatakot niyang sagot.

"Fuck! Baka kaluluwa na ni Rocher iyon. Nagbalik siya at isa-isahin niya tayo." Saad ni Damien.

Pinagsasabi ng bobong ito?

Tumalikod si Rachaelus at pagbalik niya ay may dala na siyang puting kumot. Kumunot ang noo ko. Anong pinaplano niya?

"Kailangan na natin siyang takpan ng kumot. Masakit man pero kailangan nating tanggapin na wala na siya. Iniwan na tayo ni Rocher. Tuluyan na tayong iniwan ng kaibigan natin." malungkot na sambit ni Rachaelus.

Unti-unti na niyang inilagay sa akin ang kumot. Pero bago pa nila maikumot sa buong katawan ko ay kaagad kong sinuntok ang kaniyang pisngi. Parang wala lang sa kaniya na sinuntok ko siya. Am I really dead? Kung buhay ako, ba't hindi siya nasaktan nang suntukin ko siya? Patay na ba talaga ako o mahina lang ang pagkakasuntok ko sa kaniya?

"Guys, I am not dead! I am alive! What the heck?" sambit ko.

Pero tila wala silang narinig. Bago pa tuluyang matakpan ang buo kong katawan ni Rachaelus ay buong lakas kong sinipa si Enerio na nasa paanan ko. Muntik na siyang matumba.

"Rest in peace pala ha! Baka kayo ang ma-rest in peace ko!" bulyaw ko sa kanila.

"Shit! Nabuhay muli ang patay!" nanlalaking mata na sigaw ni Gareto.

His Lovely Prisoner (HIS SERIES #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon