KABANATA 27

1K 20 0
                                        

ROCHER'S POV

DUMERETSO ako sa garden ng hotel. Gusto ko ulit lumanghap ng isang malamig na hangin ng gabi habang pinapanood ang maliwanag na buwan at mga butuing nagkikislapan.

Humiga ako sa damuhan. Inilagay ko ang aking braso sa noo.

Akala ko kapag bumalik na siya ay magiging masaya na ang gabi ko. Pero malungkot pa rin pala. Malamig na hangin pa rin ang yayakap sa malungkot kong gabi.

Siguro sobrang sarap maging bituin. Marami kang katabi na kumikislap sa gabi. At gusto ka ng lahat.

Pumikit ako. Limang taon. Limang taon akong naghintay sa kaniya. Pero ito lang pala ang kahihinatnan ng paghihintay ko. Akala ko ayos na kung babalik na siya. Akala puwede na naming simulan ang walang hanggang pagmamahalan.

Pero akala lang pala iyon dahil ang totoo, wala ng siya at wala ng kami dahil may sila na.

I close my eyes and let my tears run down on my cheeks.

Kung gaano ako kalungkot noong wala pa siya ay mas lalong lumungkot ngayon.

Kung ikakasal na siya sa lalaking pinili niyang maging katuwang sa buhay ay paano na ang mga anak namin?

At paano na rin ako?

Palagi kong sinasabi noon na kapag bumalik na siya ay sisiguraduhin kong magsisimula kaming muli. Iyon bang wala ng galit, sakitan, at paghihiganti.

Pero dahil sa ikakasal na nga siya ay magsimula akong muli pero hindi na siya kasama. Magsisimula kaming muli ng mga anak namin na wala si Fianna.

"Rocher."

I slowly opened my eyes after I heard that voice. Napabangon ako kaagad nang makitang si Fianna nga ang tumawag sa akin. Nakatayo siya habang seryosong nakatingin sa akin. Akala ko guni-guni lang iyon nang marinig ko ang kaniyang boses. Pero boses niya pala talaga iyon.

"Fianna." mahinang bigkas ko.

Itinukod ko kaagad ang aking isang kamay sa damuhan upang hindi ako mapahiga nang bigla siyang dumukwang at niyakap ako.

Hindi ko magawang gumalaw dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan ito. Hindi ko inaasahang susundan niya ako rito at yayakapin ako ng sobrang higpit.

"I miss you so much." pabulong niyang bigkas at base sa kaniyang boses ay mukhang umiiyak siya.

Niyakap ko siya pabalik. Pumikit ako at dinama ang mainit niyang yakap. Miss na miss ko siya. Palagi kong hinahangad noon na mayakap ko siya ulit at natupad na ngayon.

Nang marinig ko kanina na engaged na siya ay bumagsak ang mundo ko. Lahat ng mga pangarap ko sa amin ay naglaho na lang bigla. Iyong pakiramdam na hindi mo na siya makakausap at mayayakap dahil may nagmamay-ari na sa kaniya ay nakakapanlumo. Nakakasakit.

Pinunasan ko ang aking mga luha at kumalas sa mga yakap niya.

"W-What are you doing here?" tanong ko.

Ang mga pisngi niya ay nababasa na ng sarili niyang mga luha.

"Sinusundan ka."

"Iyon lang ba?"

Ngumiti siya. Ang ngiting nagpapaganda ng araw ko noon pa man.

"Kumusta ka na?" nakangiti niyang tanong.

Umayos ako ng upo. "Ayos lang. Ikaw? Mukhang masaya ka na." tugon ko.

Umupo siya sa tabi ko. "Ayos lang din. Kumusta ang mga anak natin? Sobrang laki na ba nila? Hinahanap ba nila ako? Ano ang unang salita na binigkas ni Aman? How about his first step? Si Chiara? Did you tell her a story before she went to bed? Did you celebrate her first day in school and her first time in receiving stars?" masaya ngumiti umiiyak niyang sunod-sunod na tanong.

His Lovely Prisoner (HIS SERIES #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon