KABANATA 18

952 16 0
                                    

ROCHER'S POV

UMANGAT kaagad ang kaniyang tingin sa akin nang mapansin niya siguro na may nakatayo sa kaniyang harapan.

"R-Rocher." nakangiti niyang bigkas sa nanghihinang boses.

Even her smile looks so tired. Napupuno ng pawis ang kaniyang noo, mukha at leeg. Nakasandal siya sa dingding at mukhang ito ang ginawa niyang pang-suporta upang hindi siya matumba. She's very pale.

Tiningnan ko ang anak namin. Nakabalot na ito ng puting lampin. Ang suot niyang daster ay may mga dugo pa. Pati ang sahig ay may mga dugo rin.

"I-I m-made it. I m-made it. Our baby is now here. S-She's so beautiful."

Our baby is a girl. It's a Princess! My princess.

Hindi ako umimik. Naglakad ako papunta sa ilalim ng lababo kung saan nakalagay ang mga basahan. Kumuha ako ng tatlo upang pangpunas ng dugo sa sahig. Bumalik ako sa kinaroroonan niya at tahimik na pinunasan ang mga dugo roon.

"T-Thank y-you."

Huminto ako sa pagpunas. Inangat ko ang aking tingin sa kaniya. She's still smiling.

"D-Do y-you want to carry her?" mahinang tanong niya.

Tumango ako. Dahan-dahan niya itong ibinigay sa akin. Napalunok ako ng mariin nang nasa mga bisig ko na ang anak ko. Nakakatakot siyang kargahin. She's so tiny. At sobrang gaan niya. Natatakot akong baka mabali ko ang kaniyang buto o 'di kaya'y baka mahulog siya.

"Babylove, papa is here." sambit ni Fianna.

"I haven't name her. Anong gusto mong ipangalan sa kaniya?"

Tumingin ako sa kaniya saglit at ibinalik kaagad ang aking tingin sa anak ko. My angel is so beautiful. Ngumiti ako nang may maisip akong pangalan. Actually matagal ko ng iniisip ang mga possible na pangalan ng baby kung ito man ay babae or lalaki.

"Rochiana Fayra." nakangiti kong sambit. "I want to name her Rochiana Fayra coz she's a gift that God has given to me." bulong ko.

"Okay. Let's name her Rochiana Fayra. Rochiana Fayra Benondo Zaballero."

Kaagad nawala ang ngiti sa aking labi nang marinig ko ang apelyidong iyon. Bigla akong nawala sa mood. Ewan ko kung ako lang ba ang may anger issues o talagang nakakapang-init ng ulo ang apelyidong iyon.

Tumayo ako.

"B-Bakit?"

I seriously look at her. "From the beginning, you planned to abort our child. Then you tried to killed her again through by attempting to kill yourself."

"I-I'm sorry. Alam kong malaking kasalanan ko iyon."

"Good that you know. But I will not let you see our child starting today."

I saw her forehead creased. "W-What do you mean?"

"Simply, coz I don't trust you. You're a Benondo. Pareho ang takbo ng utak niyong mag-ama. Kayang-kaya niyong pumatay ng tao. At iyon ang ayokong mangyari rito sa anak ko. From now on, hindi mo na siya makikita at mahahawakan pa. Wala kang kwenta." ani ko.

"R-Rocher, hindi. Huwag mo siyang ilayo sa akin. Oo, isa akong Benondo pero hindi ko kayang pumatay ng tao." saad niya.

Ang mga mata niya ay may unti-unti ng namumuong luha.

"Talaga ba? Nakaya mo ngang planuhin na ipakuha ang anak natin noon kahit hindi pa siya nabuo. How much more kung nandito na siya at hawak-hawak na natin?"

Tumulo ang kaniyang luha. "Noon iyon. Inaamin kong nagkamali ako. Sorry. Pero hindi ko magawang saktan ang anak ko. Mahal ko siya. Mahal na mahal."

Hindi ko pinakinggan ang kaniyang sinabi. Buo na ang loob kong ilayo siya sa anak namin. Hindi ako mapapalagay kung nasa kaniya ang batang ito. I don't trust her anymore.

His Lovely Prisoner (HIS SERIES #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon