Pagdating sa bahay, inabutan kong nakasimangot si Aira. Na ginantihian ko naman ng aking pinakainosenteng smile.
"Oh bakit?" pagtataka ko. Choz.
"Parating na pala ah," salubong nito sa akin. Nakatayo ito sa may pintuan at naka-cross arms pa.
"Move on. Na'ndito na ako."
Nilampasan ko ito at dumiretso sa electric fan na itinutok ko sa mukha ko. Woooo chalap.
"Ang tagal eh!"
"Past is past! Akin na, ano'ng gagawin ko ba?" sagot ko at pasalampak na naupo sa sofa.
"Andon sa boarding house," anito at lumabas na ng pintuan.
"Hindi mo pa dinala rito," reklamo ko. Ako naman ang napasimangot nang hindi ito sumagot bagkus ay lumingon lang at ngumiti nang napakatamis.
"Ang layo na ng nilakad ko! Eh di sana sinabi mo para do'n na lang ako bumaba sa may sainyo."
"Baka sinagot mo yung call ko," Ay oo nga naman pala.
"Dapat tinext mo na lang."
Ngumisi ito. "Move on!"
Two points for Airaaa! Sabi ng someone sa isip ko.
Tse! Siya na ang panalo. Edi wow.
Nakatayo ang bruhita sa may tapat na mismo ng pinto at kunwari pang hinahatak ako ng lubid palapit sa kanya.
Kunwari naman akong kumapit sa sandigan ng sofa at ayaw magpahila. Lalo naman kunwaring pinag-igihan pa nito ang paghatak ng imaginary lubid.
"Ayaaaaw!"
Natawa ito. "Tara na kasi! Bahala ka diyan!"
Naiiling akong nakatingin lang sa likuran niya habang hindi pa rin umaalis sa kinasalampakan ko.
Napangiti ako sa sarili. Parang kailan lang nang magkrus ang landas namin ni Aira. Ngayon nga, second year college na kami pareho sa Saint Anthony University. Magkaiba nga lang ng course.
English Education ang kinukuha niya samantalang nasa Chemical Engineering naman ako. Although medyo malayo sa hilig ko which is pagsusulat ng kung anu-anong eche-bureche, ito pa rin ang pinili ko kasi gusto ko. Besides, bet ko rin naman ang Mathematics at ang komplikado nitong mundo.
Pero, oh para sa mga bitter diyan na naniniwalang ang M A T H stands for M-ental A-buse To H-umans, puwes ito lang masasabi ko, korek kayo diyan! Hahaha. Pero love ko talaga ang Math, sobra because it's my loyal partner all this time para makamit ko ang aking minimithi-- to become Engr. Maria Elya dela Riva, someday!
At tsaka, I strongly believe naman kasi na wala naman talaga sa course ang pagiging writer eh. It's a passion. Ayii.
Si Aira, maging teacher talaga ang dream niya raw ever since the world began, although parang hindi bagay sa kanya. But I guess, it has something to do with her parents' being both teachers.
Hindi naman naging hadlang ang pagkakaiba namin ng course para sa hindi pagbloom ng friendship between us. Lalo pang ang dorm niya ay malapit lang sa subdivision namin. On the way, actually, kaya nakakapagsabay din kaming umuwi minsan although depende rin sa schedules namin.
Naputol ang pagmumuni-muni ko nang batuhin ako ng bruhita sa harap ko ng gomang tsinelas. Napa-aray ako sabay pulot ng ibinato nito at agad inihagis sa nakangisi niyang pagmumukha. Nag-ble ito at tumalikod na.Sumunod na lang din ako para wala nang gulo, dagling inabot ang payong na nakasabit sa may tabi ng gate at lumabas na kasama ng feeling kong kaibigan. Lakad nanaman! Sura!
BINABASA MO ANG
We're JUST FRIENDS, Right?
Любовные романыA single kiss breaches the distance between love and friendship.. *** At 20, Maria Elya dela Riva or MAIA is perfectly satisfied with every single thing in her life. Like, E V E R Y T H I N G! She belongs to a family of great support and warmth. She...