Sunday.Champion ang Blue Ravens sa pagtatapos ng tournament. Nanood kami ni Rafael nung championship kanina kaya naman magkasama kami ngayon nagmo-moment sa isang bench sa tabi ng basketball court.
"Niyayaya ako ni Lex na sumama sa jamming nila next week," anito.
Hindi ako umimik. Kainis naman! Minsan na nga lang kami magkasama these days tapos inom nanaman ang bukambibig.
"Uy!" untag ni Rafael.
"Bakit?" kunwa'y tanong ko.
"Sasama ako kina Lex next week sa birthday daw ng barkada nila. Okay lang ba sa'yo?"
Hindi okay! "Saan ka ba nagpupunta at ngayon ka lang nagpakita?" Change topic ako. "Hindi mo rin ako sinundo sa school this week."
Yumakap sa'kin si Rafael at mahinang bumulong, "Namiss ba ako ng baby ko?"
"Hmp! Ewan ko sayo!" Deep inside, natutuwa rin ako sa paglalambing niya pero kung akala niya gano'n lang kadali ang lahat, magdusa siya!
"Sus, nagtatampo ang prinsesa ko ah!" sabi nito at lalo pang hinigpitan ang pagkakayapos sa'kin. "Ano kaya'ng gusto niyang gawin ko para napatawad na niya ako?"
Hindi ako umimik bagkus lalo pang nag-pout. Natatawang ikinulong ni Rafael ang aking dalawang pisngi sa mga palad niya. I closed my eyes nang maramdaman ang mahinang dampi ng labi niya sa noo ko.
"Sorry na, baby. May ginawa lang talaga ako. Promise, babawi ako!"
"Promise, babawi," mahina kong ulit sa sinabi nito.
"Oo, I swear! Oh, ano'ng gusto ng mahal na reyna ngayon, ha?" buong lambing nitong sabi.
Nilahat na niya yata ang mga members ng royal family ah. Lalo akong sumimangot kunwari pero somehow, medyo tumataba naman ang puso ko. Hay! Bakit hindi ko magawang magalit nang todo talaga kay Rafael?
Kapag siguro mahal mo talaga ang isang tao, kahit gaano pang sakit ang ginawa niya o kahit ilang beses man niyang ulitin, isang sorry lang niya, tunaw agad lahat ng tampo mo. Sheeet lang.
Sabi nga ni Sir Chito sa kanta ng Parokya Ni Edgar na "Parang Ayoko Na Yata".
'Pagkat di ko kayang magalit
'Pag nakita na kita
tumatamis ang pait...
Laging pinipilit na magsungit
Ngunit 'di bale na
Pinapatawad na kita...Tsss! Gaya ngayon na pilitin ko mang huwag mangiti, ang istupido kong mga labi heto't nakangiti na pala.
"Hayan napangiti ko na siya," malambing ulit nitong sabi sabay sabit ng buhok ko sa tenga ko. "Huwag ka nang sisimangot ulit ha. Hayan ang pangit mo na."
"Gano'n, pangit ako?"
"Oh, pumapangit ka nanaman! Sabing huwag nang sisimangot eh! Kunot-noo ka nanaman oh," pang-aasar pa ni Rafael.
"Ewan ko na nga sa'yo! Imbes na okay na, hayan ka nanaman," kunwa'y tatayo na ako para umalis nang hilahin niya ulit paupo pero this time sa kandungan na niya ako bumagsak.
Mahigpit siyang yumakap sa'kin at malambing na bumulong sa tenga ko, "I love you, baby."
Parang namang cheese sa ibabaw ng mainit na pandesal ang puso ko sa sinabi niya. Kahit kelan talaga alam na alam ni Rafael ang weakness ko.
Tuluyan na nga akong tumigil sa pagpapasuyo.
Wala namang mangyayari kung hahayaan ko pang lumalim ang tampuhan namin eh. Kung pwede lang din namang maidaan sa magandang usapan, bakit palalakihin pa ang problema, 'di ba?
BINABASA MO ANG
We're JUST FRIENDS, Right?
Любовные романыA single kiss breaches the distance between love and friendship.. *** At 20, Maria Elya dela Riva or MAIA is perfectly satisfied with every single thing in her life. Like, E V E R Y T H I N G! She belongs to a family of great support and warmth. She...