Chapter 18

192 32 42
                                    


Bakit kaya kung kelan feeling mo okay na ang lahat, yung nando'n ka na eh! Okay na! Masaya na! 'Tsaka naman parang pagtitripan ka ng pagkakataon.

Hindi ko naman sinadyang makasabay si Edward kagabi eh at hindi ko rin ginusto na makita kami ni Rafael na nag-uusap nang kaming dalawa lang.
Alin kayang eksena ang nakita niya? Baka yung moment pa na super bungisngis kaming dalawa ni Edward. O baka yung mas lumapit siya sa'kin sa pagkakaupo.

Naku, sana wala diyan sa dalawa. At kung sana alam ni Rafael kung ano talaga ang topic namin, 'di ba? Tungkol sa course at tungkol sa love story namin.

Nakakainis naman kasi! Ngayon tuloy, ni hindi nagrereply sa'kin si Boyfie. Ni hindi nga nagpaalam sa'kin kanina. Paggising ko, nakauwi na pala.

Pero wala naman akong masisisi. Hindi naman pwedeng ibaling ko ang inis kay Edward. Siya na nga nagpaka-kabalyero sa pagsama sa'king maghintay do'n at paghatid sa'kin sa jeep.

Sino ba sisisihin ko? Kailangan talagang may sisisihin? Kailangan! Ganyan naman tayong mga Pinoy eh, 'di ba? Dapat palaging may masisisi.

Tsk! Tama, kasalanan 'to ni Pnoy! Si Noynoy kasi, hindi pa pinadadagdagan ang sahod ng mga teachers! Choz. Ano kaya kinalaman?

Hay ewan! Dinadaan ko na lang sa pagpapaka-corny 'tong kawawa kong love life.

***

"Ano, ikaw na!"

"Ako nanaman?" Nakatawa kong sigaw-sagot kay Paul.

Naglalaro kami ng tong-its ni Paul sa makasaysayan naming tambayan katabi ng covered court. Nandito rin si Edward.

Naikwento ko nga sa kanya na nag-away kami ni Rafael kagabi dahil sa kanya.

Hala! Kung alam niya lang ang topic natin kagabi eh siya. Sagot niya.

Naku, sinabi mo pa! Tugon ko at napa-tsk na lang. Yaan mo na, makaka-move on din 'yon at magrereply na sa'kin.

Hindi na rin sumagot si Edward bagkus ay nagyaya na lang maglaro ng tong-its. Nasa mood daw kasi siya ngayon.

"Uy!"

"Ay, oo." sagot ko at bumunot na ng baraha. Naglatag ako ng tatlong King at itinaya ang Queen of Hearts na wala na rin naman yatang pag-asa makahanap pa ng kasama kesa maipit at makadagdag pa kapag nagbilangan na.

Na-chow naman ito agad ni Edward na tuwang-tuwa pa. Salamat daw. Ang OA ah.

Nang matapos ang laro at natalo ako, hindi magkandamayaw sa pang-aasar ang dalawa.

"Wag kang maghugas ng plato ah, mapapasma ka!"

"Gags. Hindi naman talaga ako ang nakatoka ngayon eh," sagot ko habang nagbabalasa na.

"Mabuti naman," sagot ni Paul. "Ano, 'tol, positive na?" Baling nito kay Edward.

Yan nanaman na positive 'yan.

"Ano ba yang positive 'yan?" Usisa ko habang namimigay na ng baraha.

Nagkatinginan naman ang dalawa. Si Edward ang sumagot. "Secret."

Medyo na-offend ako ah. "Di 'wag. Paki ko ba?"

Tumatawang sumagot ulit si Edward, "Basta malalaman mo na lang sa tamang panahon. Kapag positive na talaga."

"Nye-nye-nye! Oh ikaw na, Paul."

Hindi ko na pinilit pang alamin. Magmumukha lang akong hayuk sa chismis. Positive? Sa AIDS? Ngek.

Sa tamang panahon?

Naalala ko tuloy bigla si Aira. Ano rin kaya itong tinatagong sikreto ni Edward? Parang nagkasundo pa ang dalawa na maglihim sa'kin ah.

We're JUST FRIENDS, Right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon