Nang makarating ako sa grupo, nagtaka sina Paul kung nasa'n na si Edward at yung mga binili raw."Nandiyan na 'yon."
Maya-maya, dumating na nga ito. I tried to peek at him. Nakangiti na ulit siya na parang wala namang nangyari. Maybe, I was just assuming everything.
Pero halos hindi na kami nag-imikan ulit ni Edward the whole time after. Hindi na niya ako pinapansin kaya deadma rin ako.
Natapos ang jamming nang wala talagang pansinan. Ni hindi kami nagtinginan. Kung nakahalata ang mga kasama namin, wala namang nag-usisa.
Hindi na rin ako nag-effort makipag-ayos. At tsaka walang dapat ayusin. Tama lang ang sinabi ko.
Tama lang na maisip niyang wala akong gusto sa kanya at ang lahat ng ginagawa ko ay pawang mga pakikisama lang at walang malisya. So he should stop giving meaning to everything.
Wala akong gusto kay Edward. He is a friend and will stay that way. No more, no less.
***
"I'm home!"
"Oh, may tinakpan akong dinuguan diyan sa table, Maia."
"Wow, sakto. My favorite! Gutom na gutom na ako!" masaya kong sagot kay Mama.
Nagtatahi ito ng parang pants yata ni Papa na ginawa niyang shorts. Umakyat muna ako sa kwarto ko para magpalit. Ang dami ko na palang labahan.
Ako lang ang naglalaba ng mga damit ko. May washing machine naman. Ayoko naman kasing lahat iasa kay Mama.
Bukas maglalaba ako, naisip ko. Tutal Friday na ngayon. Two weeks na after the first day of school.
Sinundo ako kanina ni Rafael sa school, dumaan saglit sa mall at kumain tapos tumambay sa may boardwalk. Medyo napagod ako sa kakalakad namin kaya gutom ulit ako ngayon.
But I am really happy. Nafifeel kong magiging okay na ulit ang lahat sa'min ni Rafael. For two weeks, halos everyday na niya akong sinusundo kahit busy rin siya sa final thesis niya. At hindi na rin siya nale-late magreply sa'kin.
Ano kaya biglang nakain no'n? Magic sarap yata. Pero hindi ko na tinanong at baka masupla tuloy.
Yehey! Ang saya.
Nakangiti't nagha-hum ako nang bumaba ulit para kumain. Hindi na rin naman ako pinansin ni Mama pagkatapos magtanong kung bakit hindi raw dumaan muna si Rafael. Masyado bang obvious na si Rafael ang dahilan ng mga smiles ko?
***
Nagising ako nang maaga in the morning para maglaba nga. Pagkatapos manampay, nagtext ako kay Aira kung busy siya. Yayayahin ko sanang lumabas.
Na-inspire ako ng pagiging okay na namin ng boyfriend ko kaya gusto ko mabawi rin ang medyo nananahimik naming friendship ng bestfriend ko.
Oh, 'di ba? Tama talaga ako na umiwas ka na agad kay Edward bago mahuli ang lahat.
Kinakausap na ako ng utak ko ah. Oo na, tama ka, sagot ko. At tumawa na parang timang bago isinend ang message ko.
Nagreply naman agad si Aira. Sige raw at marami kaming hahabuling chika lalo pa't almost a month na kaming sa text lang nagkakausap.
"Kbest, see yah!" Sagot ko at nagready nang maligo.
***
"Namiss kita, best ah!"
"Wag kang magdrama," sagot ni Aira at tumawa.
"Okay!" sagot ko.
"Oh, eh 'di masayang masaya ka nanaman ngayon at nakabalik na sa ulirat yang boyfriend mo."
BINABASA MO ANG
We're JUST FRIENDS, Right?
RomansaA single kiss breaches the distance between love and friendship.. *** At 20, Maria Elya dela Riva or MAIA is perfectly satisfied with every single thing in her life. Like, E V E R Y T H I N G! She belongs to a family of great support and warmth. She...