"SI EDWARD?"
Sabay ng biglaang pagtayo ko mula sa pagkakaupo ang pagbagsak ng mundo ko.
Nanlalaki ang matang tinitigan ako ni Aira. Sandali kaming nagkasukatan ng tingin. Nakaawang ang mga labi niya na parang gulat na gulat din gaya ko.
Since I was staring at her mouth, I witnessed how that small smile of hers slowly turned into a frown and then into a shocked letter O and then into a big AHA as she grabbed my arm and laughed.
Oo, tumawa siya as in halakhak habang mahigpit na nakakapit sa dalawang braso ko at niyuyugyog ako.
"My God, Maia! Sabi ko na!"
Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko siya magets. Tumatawa siya. Tuwang tuwa ba siyang dahil sa pagiging talunan ko?
"Sabi ko na, babae ka! May gusto ka kay Edward!"
"A-ano? B-bakit, ano? Ano'ng pinagsasabi mo?"
"SI EDWARD?!" Ginaya niya ang pagkakasigaw ko kanina sabay ng pagtayo. "Talagang ganyan ka-OA ang reaction natin 'te?"
Hindi ako makasagot. Sheeeet! Yari na ako, wala na akong lusot. Potek! Pero mas nangingibabaw pa rin ang gulat ko sa sinabi niya. Boyfriend niya si Edward? For five months na?
I made a mental math. April na ngayon less five, it means noong November? Five months! Holy motherf*cking sheeet! Five months?
"Maia!" Niyugyog niya ulit ako, napatingin ako sa mukha niyang nakabungisngis pa rin. "Okay ka pa? Kaya mo pa? Relax!"
"W-what the-- si Edward?"
Napaatras ako nang bigla ako nitong hinampas sa braso. "Joke lang 'yon, bruha! Tiningnan ko lang ang reaction mo. Putris, Maia! Tama ako! Gusto mo si Edward!"
"Ha? Okay ka lang?"
Hindi siya umimik kundi nag-weh? face lang. Hinampas ko rin ito.
"Tse! Tumigil ka, Aira!"
Tumawa ito at lumapit sa'kin. "Chill. Matagal ko na rin namang alam eh. Maia, dati pa nahalata ko nang attracted ka sa lalaking 'yon."
"Am I that obvious?" malungkot kong tanong.
Tumango-tango ito. Sheeeet! Kung nahalata ni Aira na minsan nga lang namin makasama sa jamming, what more sina Rafael! Shame! Nakakahiya kina Paul! Pero bakit parang wala naman silang alam? Pwera kay Lex na hatalang nakakahalata base sa mga palagi kong nadadakip na masamang tingin niya sa'min ni Edward kapag magkausap kami.
Oh my God! Nakakahiyaaaaa!
"Hoy! Baka himatayin ka na, gaga! Iwan kita rito!" sabad ni Aira sa aking pagluluksa para sa naghihingalo ko nang magandang imahe sa barkada.
Nang napatingin ako kay Aira, sumeryoso na ang mukha nito. "Paano na, best? Alam ba ni Edward? Did you tell him na?"
"Bakit ko sasabihin?"
"Bakit ba? Para malaman kung may chance!" Nakangiti si Aira na para bang nakaka-diyes.
Inirapan ko ito. "Tse! I have no plan to tell him."
"Bakit naman? Mukhang mutual feelings naman."
Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "You think?"
"Ay aba, kinilig! Landi mo ah!"
I intentionally disregard her words. "Best, okay lang sa'yo? I mean, 'di ba you know--"
"Na crush ko siya dati? Naku girl, past is past." Naka-belat pa ito kaya natatawang nailing na lang ako. Nang tingnan ko ulit si Aira, sumeryoso ang expression nito.
BINABASA MO ANG
We're JUST FRIENDS, Right?
Storie d'amoreA single kiss breaches the distance between love and friendship.. *** At 20, Maria Elya dela Riva or MAIA is perfectly satisfied with every single thing in her life. Like, E V E R Y T H I N G! She belongs to a family of great support and warmth. She...