Chapter 1

1K 57 111
                                    


"Whatever! K-bye!"

Sabay hang-up ng cellphone ko kahit naririnig kong may dinadakdak pa ang kausap ko. Isang mala-bruhang halakhak ang pinakawalan ko sa isip at isinilid ang cellphone sa bag. Yes! One point for me!

Tiyak kung kaharap ko si Aira this time, for sure isang bahing na lang, laglag na ang pupil no'n ngayon kaka-roll ng eyes niya for at least eighty-nine times na siguro.

Kanina pa kasi ito nangungulit na umuwi na ako. Nasa bahay daw namin ang bruha waiting for me for more than a good thirty minutes na.

Pwes! Magdusa siya.

Ginawa niya rin kaya sa'kin 'yon last time, 'no? Almost two hours niya rin akong pinaghintay sa tapat ng BDO nung minsang nagyaya siyang magwithdraw ng allowance niya.

Spell bwisit!

Sa tiim ng pagkatitig ba naman ng security guard sa'kin the whole time I was there, feeling ko ikanakala niya'y akong isang look-out ng bank robbers that time na naghihintay ng tiyempo makapasok lang sa loob para mangholdap. Haler?

Although, hindi ko naman po siya masisisi eh ni hindi ako nakapag-ayos no'n. Biglaan ang pagyaya ni Aira at akala ko pa naman nando'n na siya, ASAP daw eh kaya sibat agad ako. Yun pala, naliligo pa lang.

Sa suot kong kupas na maong pants at black t-shirt, nagmukha yata akong hoodlum. Hindi rin nakatulong na naka-step in lang ako no'n. Kaya naman kailangan ko pa talagang mag-super English using my most sosyal accent para lang mapatunayan ang sarili kong hindi po ako pulubi or much less kriminal nang lumapit si Manong Guard at tanungin ako kung ano'ng kailangan ko at bawal daw tumayo do'n.

Lumunok muna ako ng konting laway bago lumingon. My eyes landed at Manong Guard's cute bukol on his noo and said, Oh sorry! I was just waiting for my friend.

Mabuti na lang talaga't nakapagpigil ako dahil kung hindi, nasapak ko na sana si manong-na-may-cute-na-bukol-sa-noo nang tingnan ba naman ako nito from head to foot then from foot to head sabay talikod.

Magpasalamat siya dahil at that crucial moment, dumating na ang bruhitang si Aira. Pero gosh, that was the most self-degrading moment of my damn damn damn life!

But anyway, ngayon nga, nakaganti na ako sa bestfriend ko. Pasalamat nga siya at thirty minutes lang siya naghintay at sa bahay pa. May TV. May merienda.

No matter, 'di naman 'yon napikon 'cause sa totoo lang, immuned na rin kami sa pang-ookray at pangti-trip ng isa't isa.

'Di ba nga, once nagstart na raw ang dalawang taong magtapunan ng mga makamandag na salita at mga insulto sa isa't isa nang sigurado sila parehong wala sa kanilang nayuyurakan ang pagkatao, 'tsaka mo lang masasabi na totoong close na nga sila.

Kami ni Aira-tot, almost two years na rin kaming magkaibigan. Na-meet ko siya sa isang summer enhancement program ng mga incoming college freshmen sa university namin. One convo and yun, nagclick agad.

Yung first ever conversation namin habang naghihintay ng start ng program that particular summer, napuno ng "Ay, ikaw rin?" so I think that sums it all.

Birds of the same feather flock together, or so it goes.

Napa-tsss ako nang malakas pagkababa ko ng jeep. Ang init naman! Palibhasa tanghali. Kinapa ko saglit ang loob ng backpack ko. Oh great! Ngayon ko pa talaga hindi nadala yung payong ko. Medyo malayo pa naman ang dapat kong lakarin.

Mula sa babaan ng jeep which is sa tapat mismo ng main gate ng Westwood Park Subdivision kung sa'n ako nakatira, may mga ilang metro ding distance papunta sa bahay namin. Phase 1 Block 5 kami.

We're JUST FRIENDS, Right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon