Nang makita ka'y 'di ko alam
Saan ka galing
Saan paroroon
Nakuha mong kausapin
Ang aking pusong nakakulong..."Sino kumanta niyan? New song?" tanong ni Aira.
"Luma na 'yan. Nais Ko by Side-A," sagot ko.
Magka-share kami ni best ng earphone habang nagbababad ng mga paa namin sa gilid ng isang man-made lake.
Ito ang favorite spot ko dito sa City Parks and Wildlife, pasyalan ng town namin which is one jeepney-ride lang galing sa Westwood. Naisipan naming dalawa dito magkita one Friday afternoon. Actually, idea niya kaya sure, pumayag ako. Hindi na rin namin na-open 'yung about that mysterious advice of hers kaya 'di ko na rin tinry ibring-up. Naka-uniform kaming dalawa ngayon.
Ang ganda ni Aira sa suot niyang black-red kilt-type skirt and white blouse with black-red striped necktie. Bagay na bagay sa kanya ang College of Education uniform niya, in fairness.
Samantalang sa engineering naman kasi, hindi man lang nag-effort ang mga kinauukulan na pagandahin ang design ng uniform namin. Simpleng black pants lang at blouse, tadaaaa! Uniform na. Unfair.
Sabagay, comfortable naman lalo kapag sasakay ng jeep at hindi ko kailangang mag-ingat ng pagkakaupo para hindi masilipan.
"Alin ba yung Side-A, 'yon ba yung kumanta din ng Forevemoooooore?!" Pakanta niyang tanong.
"Yup."
Lalo ko pang linakasan ang volume.
Ilang araw, ilang taon
Ang dumaan
Tayo'y naging tunay na magkaibigan..."Di ba bading daw yung lead vocalist no'n?"
"Sabi raw, ewan. Bahala siya. Maganda naman boses niya."
Umoo na lang ang kausap ko at nakinig lang sa pagsabay ko sa kanta.
Nais kong sabihin sa'yo
Mahal kita, hindi kita iiwan..."Pahiram nga," sabay hablot ng cellphone ko. She rummaged through my playlist and clicked a song. Mine by Taylor Swift.
"Oh, akala ko ba ayaw mo kay Taylor?"
"With exemption to this song," tipid niyang sagot at sumabay sa kanta. Himalang kabisado na niya samantalang dati kung laiitin niya ang mga hits ni Taylor grabe. Tunog straight from a ten-year old diary daw. Kahiya naman sa kanya.
You were in college
Working part-time, waiting tables
Left the small town
Never looked backI was a flight-risk
With a fear of falling
Wonderin' why we bothered
with love
If it never lasts?Kumanta na rin ako kasabay niya. Maya-maya, may naalala ako.
"Best, ano ba 'yong secret mo? Nakakatampo ka na ah. Ayaw mo man lang magkwento."
Nagpout pa ako kunwari para may epek. She just rolled her eyes at me.
"Bahala ka diyan!"
BINABASA MO ANG
We're JUST FRIENDS, Right?
RomansaA single kiss breaches the distance between love and friendship.. *** At 20, Maria Elya dela Riva or MAIA is perfectly satisfied with every single thing in her life. Like, E V E R Y T H I N G! She belongs to a family of great support and warmth. She...