La la La la la la
La la La la la
I like your smile
I like your vibe
I like your style
But that's not why I love you...Nagtext si Edward! Pagkarinig pa lang sa I Love You song ni Avril, gets ko na. Sinadya ko kasing 'ito ang message tone ko for him para naman alam ko agad na siya ang nagtitext. You know, for security purposes. Choz.
Gising ka pa, Ate Maia?
Looking at the wall clock, I sighed. Kaloka, gising na rin siya this time. Alas sinco y media pa lang ah. Inagahan ko talaga para lang ituloy 'tong naudlot kong gawain kagabi kasi nakatulog na ako.
Hay. Magrereply ba ako?
Binaba ko muna ang cellphone at tinuloy ang pagso-solve sa homework ko sa Calculus. Nag-keypad locked 'to kaya napasulyap ako ulit. For a while, napatitig lang muna ako sa tahimik ko nang phone.
Hay! Magrereply or hindi? Tsss. Bakit ba kasi kapag nagkakaroon kami ng moment ni Edward kahit simpleng usap-usap lang, feeling ko nagi-guilty ako. Wala naman kaming ginagawang masama, but still, feeling ko nagtataksil na agad ako kay Rafael at kay Aira. Shunga lang.
Sabagay, si Aira parang wala na rin namang say about Edward. I mean, hindi na niya masyado nababanggit or kapag nabanggit man, ay wait, last time nga pala nang mapag-usapan namin si Edward, napansin kong medyo nagtwinkle ang mga mata niya.
Baka imagination ko lang.
Anyway, ano nga talaga kaya'ng sikretong na 'yon ni Aira last time na nasa mall kami? Grabe ang pa-thrill niya ah. Ayaw man lang magshare. May patama-tamang panahon pa siya.
Hmp. Hindi bale, I'll know soon one way or another.
La-la La-la-la-la
La-la La-la-la
I like your smile
I like your vibe
I like your style..Uy, tumunog ulit kaya ibinaba ko muna ang hawak kong ballpen. Istorbo naman 'to si Edward oh.
Reply na nga ako, tutal naistorbo na rin lang naman.
"Ate Maia." Twice sent.
"Oh?"
"Nasa'n ka?"
Kunot-noo akong nagtype. "Dito sa bahay, bakit?"
"Wala lang. Si Kuya Rafael?"
"Sa kanila, malamang. Bakit nga?"
"Wala lang po."
Hindi na ako nagreply.
"Pakisabi kay Lex papunta ako diyan sainyo mamaya ha."
"Okay. See you."
Ay nasend ko na. Bakit ako nag-see you? Eh hindi naman ako ang pupuntahan nito. Si Lex.
At may cellphone naman si Lex ah, dapat siya na lang ang tinext ni Edward. Hmm. Okay. Whatever. Tinext ko na lang ang kapatid ko at tinatamad akong bumaba. Tutal, baka wala naman siya sa baba, sayang lang ng effort.
Hapon na ako nagising matapos makatulog ulit kanina after ng paggawa ko ng assignment. Napagod utak ko, grabe! Magda-drop na ako! Joke lang. Lunes nanaman bukas!
Pupunta nga raw pala si Edward sabi niya. Every weekend na lang kami nagkikita ng barkada ah. Lahat na kasi busy sa school.
Nang maisipan kong bumaba para maligo, inabutan kong nasa sala si Lex. Hindi ko na tinanong kung dumating na ba si Edward at baka isipin, interesado ako. Sa halip, sina Mama ang hinanap ko.
BINABASA MO ANG
We're JUST FRIENDS, Right?
Storie d'amoreA single kiss breaches the distance between love and friendship.. *** At 20, Maria Elya dela Riva or MAIA is perfectly satisfied with every single thing in her life. Like, E V E R Y T H I N G! She belongs to a family of great support and warmth. She...