Han's POV
"Ehhh, diko po. Sorry na, dito napo kay Dada" napalingon ako sa nananaginip atang si Ian.
Napatingin ako sa pintuan lumabas kasi dito si Ceb, kakatapos lang maligo.
"Napapano yan?"
"Valerie Mae's Syndrome."
"Huh?"
"Google mo, binge!" sabay tayo ko at sinipa na sa gilid itong si Ian.
"Opo, opo, awww mami, apalo apalo dada, amariiii"
Napatawa si Ceb habang naiiling, "Putang na, may anak na kayo ni Val? Lala ng panaginip neto eh."
"Hahahaha, pre, amari pala eh. Suggest natin sa tukmol na to kapag sila nag katuluyan." sabi ko at naisipan kong i-video ang nanaginip na Ian.
-
"Saan ka ngayon Ceb?" tanong ko matapos kong pag diskitahan ang mukha ni Ian.
"Good mood to ngayon, palibre tayo mamaya" suggestion naman ng demonyo, na syempre sasangayunan ko naman kasi isa din akong demonyo.
Tumango tango ako, "Ceb, saan ka-yknow what, yaan muna alam kong may family date kayo ni Nicky." patutsada ko, aba eh napaka aga nyang maligo ngayon. Himala. Kundi lang din naman talaga kay Nicky baka diko na talaga kinilalang pinsan ito.
"Hmp, alam mo naman na pala. Tatanong kapa." You see that, attitude pa ang lolo nyo.
Wala ba kasing salon appointment manlang yung bebe ko-este yung mga bebe ko? Ang lumbay ata ang tahimik ng phone ko, may ano? Kahit ata sa forum manlang walang notif.
"Ay pakshet." bulalas ko ng mapansin kong di naman pala naka open wifi ko kaya naman pala.
"Baket?" tanong ng half awake na si Ian, tapos ay ngumiti pa ito. Putang ina, sana all good mood po no?
"Gising ka na pala, good mood ah." bati ko naman.
"Oh, ayan pala gising na dada ni Amari eh." biro naman ni Ceb.
"Luh, panong-wait nag sleep talk ako?" halata mo ang panic sa mukha ni Ian.
"At nakuhanan ko ng video yun, nasend ko na din sa GC nila manang. Lamang na naman si Manang nyan." natatawang sabi ko.
Sandali itong napatahimik, "Okay lang, libre ko kayo? nag almusal na ba kayo?" Nagkatinginan talaga kami ni Ceb sa puntong ito.
"Sabi sayo eh." sabi ni Ceb, "Shoot, saan ba?" tanong pa nito.
"Name it, ganado dada ni Amari."
Nadinig ko nalang ang notif rings ng phone ni Ceb, si Ian naman ayan nag bibihis na ng casual look nito.
(Please be inform that I am just using random pictures for better quality imaginations. As long as what is stated on the story will follow, this picture is here to help you imagine)
Nakuha pang mag post ng update sa IG nya with caption, "Amari"
YOU ARE READING
When the Princes Bows
RandomThis isn't a typical fairytale story that the Prince will go out of ranch and accidentally meets her Maiden. Fells in love, a little hardship then solved. Then, live happily ever after. The End. NO! Three boys named, Ceb Del Rosaz, The Man of Few...