XX: x Twisted wonderland x

22 3 24
                                    

"Usap usapan na sa inSide at ilang social media platforms gaya ng Facebook, Twitter, Instagram at ilang pribadong aplikasyon ang patuloy na pag hahanda ng ating unibersidad para sa inihahandang mainit init na university meet, kung saan ang mga mananalo ay mag kakaroon ng pag kakataon i-representa ang ating bayan at maaari pang ang mismong bansa."

"Pormal na palang mag sisimula ang rigid training natin," lumingon sakin si Zyrene na may kagat na tinapay.

"Oo sa susunod na araw na yon." sagot naman ni Val sa gilid habang nag rereview. "Takte, may pa quiz pa kasi." sabay angal nito.

"Isisi mo yan sa magaling mong manliligaw." irap ni Zyrene. Napapilig nalang ako ng ulo, mula kasi ng payagan namin si Ian at Keith na manligaw abay kina-career talaga ng dalawa. Bilis din ng panahon, mag u-uni meet na kame o sila lang? 

"Nini, kaya na ba ng ankle mo?" tanong ni Astrid sa gilid habang nag pplay yung university news naming ako ang topic sa phone ni Astrid, bahagya kong napansing tumahimik din ang dalawa mula sa pag sisinghalan nila.

"....sa kabilang banda ang isa nating rising star ay kasalukuyang umaani ng samut saring reaksyon mula sa mga estudyante, mayroong mga nag papahatid ng madaliang pag galing at meron din namang ibang nang ba-bash na di umano'y tama lamang sakanya ang nangyari. Narito ang ilan sa mga komento..."

"ayon dito, 'ganyan pag masyadong makati, buti nga sakanya di nya makikita si Raven.' at 'damien, ceb, raven ano ka teh, piso tatlo na tuhog ba ngayon?' pero meron din namang 'I hope she's okay, get well soonest. - R' at meron din ayon sa nag ngangalang bestofdamien account ay ibinahagi ang larawan umano ng ating rising star na regular itong nag papasuri saating university doctor at ayon sa caption ay 'Gearing up to shut you up' sa naturang post ay bahagyang dumami ang nag pahatid ng salita para sa agarang pag galing ni Valdez"

Tahimik akong nakikinig sa news, ninanamnam ko ng todo ang sinasabi dito. Napasilip ako sa ankle ko, apaka aga ko namang mainjury bat din kasi ang tigas ng ulo kong wag isuot yung ankle brace ko edi ayan halos 1 week nakong di naglalaro. Pero pagaling naman na ito, alalay nalang sa laro muna, bukas sabi ni Doc Vincent, pwede ko ng ilaro to. Alalay lang at wag na wag ko daw kalilimutang isuot ang ankle brace ko.

Ang medyo nakakabanas eh yun nga lang hindi ko pag sabi ng parte ko ng Volleyball Club nuon kay Ceb, malaking impact na agad sakanya. Ngayon pa kayang may injury ako? Lately lang kasi nalaman ni Ceb ang buong story, he knows I loved and I have passion for sports pero di nya alam that I was actually a player na. Pag kasi nag P.PE kame, I often acted as an aspirant, alam ng teacher namin yon, sya din kasi coach pano nga. Don't get me wrong, OA lang talaga si Ceb balitaan, super panic. Well I can't help him. After those tragedy, na develop na sakanya yung medyo OA at nakakainis na panic. Tipong wala na patay na yung tao sa arte nya saka lang sya matatauhan.

Napapalatak ako, "Apaka daldal naman kasi." sibangot ko. Saka ako napatingin sa tatlo. Naalala ko kasing magkausap kami nang mapunta kami sa usapan ng Uni-meet, kung saan ayun may nabasa nga syang article sakin at duon na nga nasiwalat ang lahat, idagdag mo pang after that, two days lang na sprain nga ako, tapos for the sugod nga ang lolo nyo dito, then etong bago nga. Kayo na humusga anong ka OA-yan na naman ang gagawin ni Ceb.

"Ay sorry,"

"Okay kana ba talaga?" si Astrid

"Baka naman utak mo may injury ah, sabihin mo agad." biro naman ni Zyrene na binato ko agad ng throw pillow.

"Siraulo." kako naman kaya gumaan kahit paano ang mood sa loob ng kwarto namin.

"Screw you and your shitty idea Ian Keith Sy!" ramdam mo ang galit ni Val sa lalaking yon.

Well sa tingin ko kasi wala sa mood si Val para mag review ng long quiz nila kay Mr. Dela Cruz.

I mean Val have been dedicated on her matches, kasi partner sila ni Jenro. And ngayon ko lang talaga nakita si Val na sobrang eager, gusto nya talagang makuha yung panalo.

When the Princes BowsWhere stories live. Discover now