CHAPTER 3

7 1 0
                                    


"Ang ganda mo talaga Klendria"

Kemeng napangiti ako sa kanya. Sabay sabit ng buhok ko sa tenga.

"Ikaw talaga.. alam ko na yon matagal na. Ikaw nga ang gwapo-gwapo mo eh"

"KLENDRIA! !"

(=☆_☆=)

"AY GWAPO MO!"hiyaw ko bigla ng may tumusok sa tagiliran ko.

Natauhan ako bigla mula sa kalawakan ng pagpapantasya ng magtawanan ng malakas ang mga kaklase ko.

Napangiwi ako ng makitang lumingon si Sir   

Pinaningkitin ko ng mata si Jeemie na siyang tumusok sa akin.

Tawang-tawa pa siya habang tinuturo si Sir habang lumalakad papalapit sa harapan ko.

"Sino ang gwapo Klendria?"magkasalubong ang kilay na tanong ni Sir sakin.

Napakamot ako ng ulo habang nag-aalinlangan kong aamin ba ako o hindi?

Pinandilatan ko muna silang lahat bago tumingin  kay Sir.

"Si-si Lee Min Ho Sir? !"patanong kong sagot  kay Sir.

Sa tingin ko parang may usok na biglang lumabas mula sa ilong ni Sir.

Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sakin.

Paktay!?

Terror pa naman tong si Sir.

Lalong lumakas ang tawanan.

Anu ang nakakatawa? !

Ang mukha ni Sir?!

Kung sa bagay ang epic ng mukha niya ngayon nanlalaki  ang butas ng ilong niya sa sobrang inis.

Mga Peste talaga ang mga kaklaseng kong 'to

Ako nalang palagi ang pinapahamak.

Porket ako yong mas nakakatawang inisin.

"TAHIMIK!"sigaw ni Sir

Tumahimik naman sila agad.

"For Christ Sake Klendria ! Ang aga-aga ng mundo nag-day dreaming ka na naman?!"galit na turan ni Sir sakin.

Si Sir talaga..

May pagka-anu din minsan- kaya nga tinatawag na day dreaming dahil sa araw nanaginip nga diba?!

Alanganin naman tawaging day dream kapag sa gabe ako managinip

Aish!!

Napakamot ako sa batok dahil wala akong maisasagot kay Sir.

Alangan naman yong iniisip ko ang sasabihin ko mas lalong malalagot ako nito sa kanya.

"Uhm? Sir? Pweding magtanong?"nag-aalinlangang tanong ko sa kanya.

"Fine!! Anu yan?"naiiritang tugon niya sa akin.

Napatingin muna ako sa mga kaklase before unti-unting lumapit sa kanya.

"Uhm? Sir, Anu po sa tingin niyo, ang favorate color na underwear ni Lee Min Ho? Black, White, or Red?"pabulong na tanong ko sa kanya.

(O______O)

Naging ganyan ang mukha ni Sir pagkatapos kong ibulong ang tanong ko sa kanya.

Napatakip kaming lahat ng biglang nag-hysterical si Sir.

"KLENDRIA AZUNSION! GET OUT IN MY ROOM ,NOW! !"galit na galit na sigaw ni Sir!

***

Hay buhay na parang Life. .

MEMORIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon