CHAPTER 11

2 0 0
                                    


"Listen up everyone! Mamayang hapon ay wala tayong klase!"


"Yeheeey!!" napahiyaw kaming lahat sa naging anunsyo ni Ma'am

"Pero..... bawal umuwi dahil magkakaroon tayo ng anti-tetanus vaccination mamayang hapon"Naputol agad ang kasiyahan ng lahat.

"Napaaga ng dalawang araw ang pagpunta ng mga medical volunteers dito pero okay lang naman ang lahat dahil nakapag-bigay na kami ng notice sa mga magulang week ahead"

"Maam pwede bang hindi sumali sa pag pa~pa vaccine?"tanong ni Tierramaine

"Pwede rin. Kung may doctor slip kayong naibigay sa akin last week incase you already completed the dose for anti-tenanus. Pero yung iba na wala pa please I fully encourage everyone na mag-pa vaccine kayo dahil para din sa inyo to"

"Ma'am takot po ako sa injection"amin Tierramaine

"Listen class. Maliit ang needle ng syringe parang kagat lang yun ng langgam. Huwag kayong mag-aalala maraming nurses at may doctor din mamaya. Kumain kayo ng marami at magpahinga kayo ng mabuti ngayong lunch break. I will allow everyone to stay inside the classroom , masyadong maiinit sa labas baka lalagnatin kayo pagkatapos ng vaccination. It's better to stay here inside. Tatawagin lang kayo kapag schedule na ng section niyo for vaccination. Is that Clear?"

"Yes Ma'am"sabay-sabay naming sagot

"Okay that's all for today. Good bye Class"

"Good bye Ma'am"

Pagkalabas ni Ma'am ay agad ko din inayos ang libro sa arm chair ko.

Doon ako mag e-stay sa Hillside habang walang klase.

Wala ako sa mood makipag-biruan sa kanila. Matutulog muna ako don keysa manatili dito sa loob.

Malamang mag-iingay naman sila dito.

Naningkit ang mata ko ng may umupo sa tabi ko.

Panu ko nalaman? Syempre sa mga galawan palang niya kabisado ko na.

Hindi ko siya pinansin, patuloy lang ako sa pag-aayos ng gamit ko.

Nag-uusap pa sina Tim, Lean at Melvin malamang may pupuntahan naman ang mga toh.

''Psst!''

Nalukot ang pagmumukha ko ng may sumusundot sa tagiliran ko''Anu ba?!''mahina ang boses kong asik sa kanya

Guess what kung sinong abnormal ang sumusundot sakin?

No other than Giovanni Alegre.

''Sali ka mamaya?''tanong niya

''Ewan ko sayo''pagsusungit ko tapos inirapan ko siya.

Para malaman niyang wala akong gana makipag-usap sa isang tulad niyang pangit.

''Psst!''pangungulit niya

''Anu ba?! Nag-aayos ako.. Huwag mo nga akong disturbohin''medyo mataas na boses kong asik sa kanya.

Napatigil sa pag-dadaldalan sina Tim.

"Oy, anu naman yan?"usisa ni Tim

"Alisin niyo nga ang taong to. Mabibigwasan ko yan ng wala sa oraas"mainit ang ulong dinuro ko siya

Napatawa ng malakas si Tim sa ginawa ko.

"Chill! Klen! Masyadong mainit ang ulo mo ngayon. Nakikipag-usap lang naman sayo si Gio ah?"

MEMORIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon