CHAPTER 6

4 0 0
                                    


Inirapan ko siya "Asa".

Kiming nginitian ko si Von ng mag-thumbs up sign siyakin.

Nakaramdam ako ng kilig ng ngumiti siya ng malapad sa akin showing his dimples in both cheeks.

Ang cute niya talaga.

I mouthed thanks to him.

Ngumiti siya ulit sakin at bahagya niyang inangat ang isang papel.

Napasimangot ako bigla ng sumulpot sa tagiliran ko si Gio. Parang nang-aasar pa ang mukha niya na sinulyapan ako bago umupo sa harapan ko.

Parang nanadya pa ang damuho dahil umupo ito ng tuwid kaya hindi ko tuloy magawang basahin ang ipinapakita ni Von sakin.

Magkasalubong ang kilay na sinundot ko siya sa likuran at mahina ang boses na sinabihan.

"Umusog ka nga ng kunti"

"Bawal makipag-usap habang nag-ka-klase"masungit na turan nito

Nanggigil na umayos ako ulit ng upo ng bumaling siya sakin.

Aba!?

Siya pa talaga ang may ganang magsungit sakin. Eh? Siya na nga 'tong panira ng moment eh.

"I don't care. Tumingin ka nga sa harapan huwag dito sa likod"mahinang asik ko sa kanya habang sinusulyapan si Maam habang sumusulat sa board.

"Yeah! ! Whatever"sarkastikong sagot niya sakin saka tinalikuran ako.

Akmang babatukan ko na siya sana ng lumingon naman si maam.

Nanlalaki ang mata na mabilis kong ibinaba ang kamay ko sa desk.

Napabuga ako ng hangin ng hindi nakita ni ma'am ang gagawin ko sana.

Matalim ang tingin na nilingon ko ang katabi ko.

Namumula ang mukha nito at ang isang kamay nakahawak pa sa tiyan habang nagpipigil ng tawa.

"Tinatawa mo?"mahinang asik ko sa kanya.

Narinig kong mahina siya tumikhim para pigilan ang pagtawa.

"Ang ginawa mo napaghahalataan ka masyado"bulong niya sa akin

Pilit kong itinago ang naramdaman ko, alam ko namang double meaning kasi yong sinabi niya eh.

Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Anong masama? Crush ko naman talaga si Von"

"Tsk. .Alam kong alam mong hindi yan ang ibig kong sabihin Klendria"

"Ewan ko sayo kung ayaw mong maniwala edi wag. Hindi naman kita pinipilit"asik ko sa kanya saka umayos ng upo.

"Eh? di maniniwala. Sabi mo eh''

Hindi ko na siya pinansin na tumatawa.

Hanggang sa matapos ang first subject namin ay hindi ko pinapansin si Tim.

Nakaka-bad trip ang makahulugang ngisi niya sakin.

Hanggang sa dumating na ang next teacher namin for next period.

I focus all my attention sa dini-discuss ni maam.

"Goodbye Everyone! Don't forget to bring all your materials for the activity tomorrow"paalam ni ma'am Biology sa amin bago lumabas ng classroom.

Ma'am Biology ang tawag ko sa kanya dahil nahihirapan akong sabihin ang pangalan niya palagi. If kaya niyo pakisabi nga ng pangalan niya na hindi namimilipit ang dila Constanzcianouism Blecziuffe.

MEMORIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon