CHAPTER 15

2 0 0
                                    

"Ang aga mo yatang papasok?" tanong ni Aldwin sakin habang nag-aayos ng polo niya.

"Feel ko lang. Bakit may problema ba?"

"Alas-sais y medya palang ng umaga at hindi pa nga akong nag-aalmusal" tugon niya habang patuloy pa rin sa ginagawa niya.

Sinadya ko talagang maagang gumising dahil baka matalakan ako ni mama kapag nahuli naman ako ng bangon keysa kapatid ko. First day of school at third year high school na kaming dalawa.

Pagdating ko dito kanina ay hindi pa siya nagigising. Kaya yong nanay niya ang nagpapasok sakin dito sa loob ng bahay nila. Umupo ako sa sofa na gawa sa kawayan habang naghihintay sa kanya habang nag-aayos ng sarili niya.

"Hi! Ate Klendria " bati sakin ng bunsong kapatid ni Aldwin. Mukhang kagigising lang niya.

"Hello Alli" bati ko rin sa kanya

"Ang aga niyo yata ate"

"Oo nga eh. First day of school kase"

"Ingat kayo te. Punta muna ako kina nanay sa kusina"

"Okay. Alli"

Pagkaalis ni Allison ay nagsalita agad si Aldwin.

"Ang sabihin mo may gusto kang makita"

"Sapakin kaya kita diyan?"

"Totoo naman ah? Excited ka lang pumasok dahil sa-"

"Sige ituloy mo. At ihahampas ko 'tong bag ko sayo"

Oo na. Di ko na itutuloy. Pikon agad"

"Hanggang ngayon punong-puno pa rin yong utak ko sa litanya ni mama dahil sa nangyari"

"Ang sensitive mo naman"

"Kong narinig mo lang yong sandamakmak na litanya ni mama sakin iisipin mo talagang parang makikipagtanan ako"

"Hindi bah?"

"Excuse me!? Anong akala mo sakin? Lalandi agad?''

"Malay ko ba? di ba may gusto ka don? Kaya nga binasted mo ko eh''

"Nangongonsensya? Wala akong gusto don noh. Sira ulo lang talaga yon "

"Ang mga lalake hindi gagawa ng isang bagay na malalagay siya sa isang kompromiso na sitwasyon. Lalo na maraming makaka-kita ng ginawa niya"

"Nasabi mo lang yan dahil hindi mo yon kilala"

"Honestly, I'm totally devastated of what I saw because I lose that day. I just promised you to be your friend but the guy really have the guts to promised you marriage and that is spirit..... that I guess....I don't have. And it makes me realized that I'm such a coward to pursue what I feel because I'm afraid to get hurt and I don't want to loss you."

Natahimik ako dahil ko kayang i-absorb ang mga sinasabi niya.

''Aldwin mag-almusal ka muna isama mo na si Klendria" tawag ng nanay niya mula sa kusina

"Okay po 'nay" sagot niya rito

"Bilisan mo diyan. Baka ma-late kayo" dugtong pa nito

"Kain ka daw sabi ni nanay" baling niya sakin

"Ikaw nalang. Nakapag-almusal na ako sa bahay "

"Nay! nakapag-almusal na daw si Klendria" 

"Nahihiya lang yan. Isabay mo na dito"

Napakamot ako ng ulo. Samantala si Aldwin ay napangisi ng nakakaloko. Alam naman niyang hindi pa rin papayag ang nanay niyang iwan ako dito sa sala.

"Tumayo ka na diyan" utos niya sakin

MEMORIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon