Nanulis agad ang nguso ko ng may kakaibang nilalang na umupo sa harapan ko.
Mas nakakabasag ng trip ng pabagsak niyang inilagay sa desk ang isang bote ng tropicana.
Wengya talaga!
"HOy!"tawag sakin ng walang hiyang babaeng kaharap ko.
"Kung maka-HOY ka naman. Akala mo aso lang?!"nakasimangot kong turan sa kanya
"Hmp! Ikaw hah?! Pina-highblood mo na naman si Sir Fortune kanina."sita sakin ni Jeemie
"Di ko naman kasalanan yon noh?! At saka tinanong ko lang naman siya. Malay ko ba na nakaka-high blood pala tanungin ang favorite color ng underwear ni Lee Min Ho. Excited pa naman sana akong malaman"nakasimangot kong sagot saka humalikipkip.
Tumawa ng malakas si Jeemie sa sinabi ko.
"Pfft! ? Sino ba sa tingin mo ang hindi ma-ha-high blood sa tinanong mo? Ampupu!? Gusto mo pa talaga malaman hah? Ahahahha... Nag-day-dreaming ka na nga lang ang lame pa ng excuse na ginamit mo. Ang halata kaya".
"Epektib naman!"
"Yeah!! Kaya nga wala tayong klase ngayon. Kasi tumaas ang alta-presyon ni Sir sa ginawa mo"
"Kaya nga pinaglinis niya ako ng boung classroom dahil sa ginawa ko. Di bah?"
"Ikaw naman kasi huwag magpahalata na nag-day-dreaming ka palagi"
"Tss!! Alam ko"
"So? tell me!? Sino yong dini-dream mo palagi hah? Na sinigaw mo pa talaga sa boung klase na Gwapo?"kinikilig na tanong nito sa akin.
Napaingos ako.
"Si Lee Min hoo nga di ba?"
No in hell freaking way na magsasabi ako sa kanya.
Nalukot ang mukha niya
"Wushoo! Yong totoo? Sino talaga?!"
"No comment"ayoko ngang mag-share
Madamot ako period
"Hoy! Klendria hindi ka artista para mag-no-comment diyan hah!
"Bakit? Sila lang ba ang may karapatan gumamit ng tinatawag na privacy of personal day-dreaming?!"
"Hay naku! Heto naman po tayo sa denial stage ni Klendria Azunsion. Kung hindi ko lang nahahalata kanina na tumitingin ka kay ----askdwjatgjd"
Nagpapasag si Jeemie ng biglang tinakpan ko agad ang bibig niya.
Letse! Talaga ang babaeng to!
Hindi marunong makapagpigil ng bunganga Eh!.
Pekeng nginitian ko ang mga taong dumadaan sa harapan namin.
"Oy, Klendria! Anu ang ginagawa mo kay Jeemie. Bitiwan mo na nga siya. Baka mamamatay na yan oh!"sita ng taong dumaan malapit samin.
I suddenly rolled my eyes.
Bibig nga lang ang tinatakpan ko mamamatay agad-agad! ?
Hindi naman siya Over anoh?
=__=.
Umirap ako sa taong nakatayo sa harapan namin at bahagyang yumuko ako palapit sa tenga ni Jeemie.
"Keep your mouth shut o tutuluyan talaga kita"pabulong kong banta sa kanya.
Mabilis siyang tumango-tango. Pinanlakihan ko muna siya ng mata bago ko bitawan.
"Ang brutal mo talaga Klendria"dagdag pa nito

BINABASA MO ANG
MEMORIA
Ficción GeneralIt started from If's and then Why What if 'yong gusto mong lalake ay may mahal ng iba? Pero palagi ka pa ring umaasa. Balang araw..... Baka sakaling mapansin niya ako O di kaya'y, Baka sakaling mahalin din niya ako. When I was trying to move on Bigl...