"Klen? babalik ka ba kay Gio?"
Napalingon ako kay Tim "OO, bakit?"
"Nagtatanong lang" sagot nito sabay talikod sa kanya
"Wierdo''wika ko habang sinusundan siya ng tingin habang lumalakad papunta sa kinaroroonan ni Melvin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Vacant period ngayon.
Kung hindi lang talaga ako nilagnat noong isang araw sana nagawa ko ng maaga ang project namin.
Ayun tuloy.
'Yung damuhong Gio pa ang naging partner ko sa paggawa ng plot para pagtaniman ng gulay.
Siya nalang daw kasi ang walang partner.
Kaya no choice.
Hahanap pa ba ako ng iba kong si Ma'am mismo ang nagdeklarang magkasama kaming dalawa.
Malapit sa likurang bahagi ng school ang garden area.
May malapad kasing bakanteng lote doon. Kaya doon kami pinapatanim ng iba't ibang klase ng gulay.
Sa totoo lang. Kung hindi lang talaga to compulsorry at graded project.
Nuncang tatanim ako ng gulay dito.
Eh? Hindi sa nilalahat ko auh at saka personal opinyon ko lang tong sasabihin ko.
Kasi hindi naman kaming mga estudyante ang makakain ng itinanim namin.
Kaming mga estudyanteng nagpapakahirap magtanim tapos yung-basta- iba yong kakain?
Ito pa ang nakaka-highblood.
Kayo ang nag-aalaga at bumibinyag araw-araw ng ilang buwan.
Kapag malapit ng anihin ang mga gulay ay may nakalagay agad na bawal kunin ang mga bunga or anu mang gulay na nandoon?
Nakaka-high blood.
Di ba? Diba?
Tss!
Iniwan ko kanina si Gio dahil mali ang seeds kong nakuha.
Medyo natagalan ako sa paghahanap dahil humalo ang lalagyan nito sa iba pang seeds naiwan ng mga classmate namin.
Iisang lagayan lang kasi at tsaka nakasilid lang lahat sa ice wrapper ang mga seeds. May label naman ang bawat wrapper pero medyo tanga lang siguro ako kanina habang nagbabasa ng pangalan ng seeds.
Napakunot agad ang noo ko ng matanaw ko sa di kalayuan si Gio.
Naka-white sando nalang ito. Yung t-shirt at polo uniform niya ay nakasabit sa sanga ng mangga malapit sa ginagawa naming plot.
Binilisan ko ang paglakad.
Knowing his patience.
Makakarinig naman ako ng talak mula sa kanya.
Hindi niya ako napansin patuloy lang ito sa pagbubung-Wait! Nanlalaki ang mga matang dali-dali akong lumapit sa kinaroroonan niya para masigurado kong totoo nga ang nakikita ng dalawa kong mata.
Halos lumitid ang ugat ko sa leeg ng makumpirma ko ang nakikita.
"Anu ba Gio! Hindi ganyan!"halos malaglag ang panga ko ng makita ang ginagawa niya. Umalis lang ako ng bente minuto pagkatapos ito ang maabutan ko? Alam mo ba talaga ang ginagawa mo?!"
Napatigil ito sa ginagawa niya. Malakas niyang itinusok ang pikong hawak niya sa lupa. At hindi maipinta ang pagmumukhang hinarap ako.
Basang-basa ang mukha at katawan niya ng pawis. Namumula ang pisngi niya dahil sa sikat ng araw "Ikaw kaya dito!"naiinis ding asik sa kanya nito "Kung umasta ka parang kaya mo tong mag-isang gawin"
BINABASA MO ANG
MEMORIA
General FictionIt started from If's and then Why What if 'yong gusto mong lalake ay may mahal ng iba? Pero palagi ka pa ring umaasa. Balang araw..... Baka sakaling mapansin niya ako O di kaya'y, Baka sakaling mahalin din niya ako. When I was trying to move on Bigl...