CHAPTER 9

2 0 0
                                    


Everyone says that love hurts, but that is not true.

Loneliness hurts,

Rejection hurts,

Losing someone hurts.

Everyone confuses these with love but in reality-

Love is the only thing in this world that covers up all the pain,

and makes us feel wonderful again-c.t.o

*******

"Good Morning Klendria!"salubong na bati nina Tim, Briel at Gio

Imbis na sagutin ay nilagpasan ko silang tatlo. Diri-diritso akong pumasok sa classroom.

Nakakapag-taka ang aga pa nilang pumasok sa paaralan.

"Arrgh!!

"Kainis!"

Padabog na hinila ko ang upuan at pasadlak na umupo.

"Langya! Talaga!"

"Ang aga-aga ng mundo ay na-bwisit agad ang beauty ko!

Sheyt!

Maganda sana ang mood ko papasok palang ng school campus ng sinalubong ako ni Von malapit sa gate at kinausap.

Syempre kinilig agad ang bituka ko.

Subalit! Datapwat! Napatulala nalang buong minuto habang nakikinig sa kanyang nag-e-explain ng rason niya kong bakit ayaw na niya akong ligawan.

Ang tanging rumehistro sa isipan ko ay titigil daw siya sa panliligaw sakin dahil nalaman niyang nabasa nina Gio at Tim ang love letter niya.

Yun lang.

Iniwan niya akong nakatulala habang pina-process ng utak ko ang mga sinasabi niya.

Dalawang araw na akong nabigo sa pag-ibig.

"Argh! Umaasa ka na naman kasi eh!"pagalit kong bulong sa sarili

"Anu naman ang problema mo? Bakit naka-busangot ka naman diyan?"sita sakin ni Tim.

Napalingon ako sa kanya. Nakasunod sa kanya si Gio at Briel.

"Wala! Huwag mo nga akong kausapin"asik ko sa kanya

"Whoa! Napaka-aga ng mundo para mag-tuntrums"

"'OH? Tapos?" inis kong bara sa kanya

"Di bagay sayo"

"Ah? Ganun? Bakit? May standard na ba ang pag-ta-tantrums?"

"May binabagayan lang" nang-aasar niyang sagot

Kinuha ko ang notebook at doon ko ibinuhos ang sama ng loob ko.

"Bwes*t! Ipiprito ko talaga ang mga pandak sa langis!"naiinis kong bulong

Ang aga ng mundo mang-aasar agad.

P*tcha talaga!

Sa sobrang inis pinunit ko ang papel at nilukot.

"Oy! Ang sama mo talaga Klendria. Hindi mo ba alam na maraming puno ang pinutol para mabuo ang isang papel na pinunit mo?"

Kung pwedi lang bumuga ng totoong apoy.

Uunahin kong totostahin ang pagmumukha ng pandak na to sa harapan ko.

"Paki-alam mo? Kung concern ka edi magtanim ka ng maraming puno!"

"Sungit naman nito oh! Pinapaalalahan lang naman kita ah"

"Hindi tayo close para paalalahan mo kaya pwedi ba? Lubayan mo ako? Kanina ka pa eh"

MEMORIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon