CHAPTER 16

6 0 0
                                    

For the years that we don't see each other

I already accept the fact

That you will never comeback

I change my life

To move on

I don't even tried to know about you

Past is PastI don't want the past to come back


*******

"Aldwin ang kulit mo alam mo ba yun?" naiirita kong wika sa kanya

"Eh? Bakit sinasagot mo pa rin ang tawag ko?"

Napabuga ako ng hangin.

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Papaanu ko hindi sasagutin? Panay pa rin ang tawag mo sa cellphone ko?"

"Sorry. Gusto ko lang naman masigurong safe ka eh"

Napaismid ako "Hindi gyera ang pupuntahan ko. Seminar to baka nakalimutan mo?"

"Kahit na. Na-icheck mo ba ang bag mo? Baka na nanakawan ka?"

Nailayo ko ang phone ko at huminga ng malalim.

Patience Klendria.

Matanda na isip bata ang kausap mo.

"Tatawag ako ng pulis pag nanakawan ako. Pero please lang Aldwin. Huwag ka ng makulit kasi papasok na ako sa loob. Five minutes nalang mag-i-start na ang seminar"

"Sige. Mag-iingat ka hah? Magpapakasal pa tayo pag-uwi mo dito"

"Pu-"napatigil ako sa pagmumura ng makitang nakatingin sakin ang guard "Oo na. Oo na. Akala mo naman isang taon ako mananatili dito"

"Ingat ka hah. Pasalubong ko. Bye" I rolled my eyes when he suddenly ended the call

Hindi ko alam kung anung klaseng demonyo ang pumasok sa kukuti ko last week kung bakit ako pumayag na e-level up ang relasyon namin dalawa.

Pini-pressure kasi ako ni mama.

Well in the first place.

Alam namin pareho na hanggang pagkakaibigan lang ang pagtitinginan naming dalawa.

Pero heto kami ngayon pumasok sa isang komplikadong laro.

Tinignan ko ang singsing na binigay niya sakin noong nakaraan araw.

Napabuntong huminga ako

Mabuti nalang siguro to... keysa magpakasal ako sa lalaking babaero

Inayos ko muna ang damit ko bago pumasok sa loob ng venue.

Dahil late ako pumasok ay nasa pinakadulo ako naupo.

Ngumiti ako sa katabi kong teacher din.

Agad kong inilabas ang ballpen at notebook ko pati na rin ang laptop ko.

Ilang sandali lang ay nag-start na sa pagsasalita ang emcee.

Tumayo kaming lahat para manalangin at kantahin ang Lupang Hinirang pagkatapos nun ay umupo na kami. Nagpasalamat ako sa waiter ng inilagay niya sa harapan ko ang isang bottled water.

Ipinukos ko ang buong atensyon ko sa pakikinig sa sinasabi ng Emcee.

Kailangan kong maging attentive dahil sakin nakasalalay ang lahat. Ang anu mang impormasyon makukuha ko dito ay i-re-report ko agad pagbalik ko ng school sa lunes.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MEMORIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon