CHAPTER 14

7 0 0
                                    

Parang natauhan siya bigla ng tumaas ang boses ko.

Nabitiwan niya ang kamay ko "I'm sorry Klen. I didn't mean to hurt you" sinubukan niya akong lapitan para aluin pero umatras ako para iwasan siya.

Hinaplos ko ang braso kong nasaktan.

Matalim ko siyang tinignan saka walang babalang sinapok siya sa ulo.

"Aray!" hiyaw niya "What was that for?"

"Sinaktan mo ko. Kaya amanos lang tayo at tsaka kung makaasta ka parang pag-mamay-ari mo ko ah?"

"Pasensya. Ikaw kasi eh. Tinatanong lang kita pero kong makapag-react ka parang inaanu kita diyan"

""di ba sabi ko sayo huwag mo 'kong lapitan?"

"Galit ka pa rin ba hanggang ngayon?"

"Hindi ba halata?"

''Gusto ko lang namang malaman kong boyfriend mo yong lalaking kasama mo kanina. Mahirap ba yon sagutin?"

"Anyari sayo? Sino ka ba sa akala mo para tanungin ako ng ganyan? Close tayo?"

"I'm really sorry. I mean it. I know I was out of the line. But I can't help it"

"Talaga lang hah? Anung akala mo sakin tanga porket alam mong may gusto ako sayo? You don't have the right to do this to me"

"I know you spite me for what I did and I can't blame you for that. But atleast hear me out"

"Para anu? e-justify yong ginawa mo sakin? 'wag na dahil sinampal na ako ng katotohanan. Sapat na para sakin yon para wag ka ng kausapin"

"I want to clarify one thing. Hindi kita pinaglaruan"

"Ginawa mo kong katawa-tawa at ginamit mo sakin ang kahinaan ko"

"I already told you that you're quite something and that day I lost myself"

Pagak akong napatawa sa sinabi niya "Alam mong may girlfriend ka. Pero nagawa mo pa rin siyang lokohin. "

"Those things was just happened out of my control"

"Sige sabihin nating out of control yong nangyari sa pagitan nating dalawa. Tell me honestly, out of control pa rin ba yung paghalik mo kay Jeemie sa harap ng room?"

"So you know about it? "

"You're an adult. Supposedly you know your limitations porket may gusto sayo yong babae tini-take advantage mo na agad? Salamat na rin dahil ginising mo ako sa katotohanang isa kang manloloko"

"You judge me without looking the whole picture. But why do you keep silent until now?"

Napatahimik ako at naitanong ang sarili ko bigla.

Bakit nga ba? Sa dami ng pagkakataong pwede ko siyang sumbatan pero bakit hindi ko nagawa?

"You didn't realize something because obviously you keep on repeating doing it. You always act like nothing happen around you. You were blinded by your ego"

"Bakit masama ba ang ginagawa ko? Kong bibigyan ko ba ng atensyon ang nangyayari sa paligid ko may mapapala ba ako? I was trying to live as a normal teenager like the others. But here you are trying to complicate things around me"

Napabuntong huminga siya saka seryoso ang mukhang nagsalita " I didn't expect less from you. I'm looking forward to see you again in the future"

"Pinagsasabi mo?"

"Aalis na ako"

"Edi mabuti. Dahil naiinis na ako sa presensya mo"

"Seryoso ako Klendria. Aalis na ako"

MEMORIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon