CHAPTER 8

7 0 0
                                    


"Oh?! Bakit natahimik ka? Totoong may crush-"

''Oo. Crush kita. Masaya ka na?" lakas loob kong pag-amin sa kanya.

"Uh! Oh!"

"Whoaa!"

Nagulat silang dalawa sa naging sagot ko.

Great Klendria!

Ipinagkulo mo talaga ang sarili mo.

"Oh? Bakit gulat na gulat yang pagmumukha niyo? di ba? yan din ang gusto niyong marinig? Akala niyo hindi ko napapansin? Kino-korner niyo ko eh"

Unang nakabawi si Tim at sinubukang magpaliwanag sakin "Nag-kakamali ka, Klen. Isang di inaasahang pag-kakataon---"

"Dati lang yon dahil ngayon hindi na. Kaya huwag kang mag-alala. Sa sobrang inis ko sayo since day one ay nabaon ko na yon sa limot. Oh? Anu? Okay na tayo? Napaka-lalaking tao niyo ang tsismoso niyo. Tss! Bahala kayo diyan sa buhay niyo!"

Burn Klendria!

Burn!

Hindi ko na hinayaang makabawi pa silang dalawa.

Mabilis ang mga galaw kong kinuha ang bag ko mula sa bench saka patakbong umalis papalayo sa kanila.

Habang tumatakbo ay parang baliw akong tumatawa.

Ang lakas ng pintig ng puso ko.

Parang nahibsan ang bigat ng nararamdaman ko kani-kanina lang.

Ganito pala ang feeling kapag nag-amin ka ng feelings sa crush mo.

Pinaghalong kaba, saya at hiya.

Hindi ko alam kong saan ako pupunta.

Argh! Hindi ko alam kong may mukha pa akong ihaharap sa kanila mamaya.

Dumiritso ako sa classroom.

Tamang-tama ang pag-dating ko ay nag-bell agad.

At ilang minuto ang lumipas ay dumating din ang subject teacher namin.

Napatayo kaming lahat para batiin siya.

Napayuko ako ng mapansing dumating din si Gio at Tim.

Nanatili akong nakayuko hanggang sa naramdaman kong may tumabi sakin. Dahil natatakot akong makita ang mga mukha ni Tim lalo na kay Gio ay hindi talaga ako umangat ng tingin. Hanggang sa bumalik kami ng upo.

Pinanatili ko pa ring nakayuko. Pasimple kong kinuha ang libro ko at pasimpleng binuklat iyon ng patayo para takpan ang mukha ko.

Buong klase ay ganun lang ginagawa ko.

Kapag aangat naman ako ng ulo ay iniiwasan kong hindi mapatingin sa kanilang dalawa.

I'm so stupid.

Good thing dahil parang thirty minutes lang ang discussions ni ma'am at natapos ang last subject namin sa umaga.

Masayang nagsilabasan ang mga kaklase ko.

Nanatili pa rin akong nakayuko sa arm desk.

Mayroong tinawag ang pangalan ko pero inangat ko lang ang kanang kamay ko para mag-wave sa kanila.

Wala akong ganang lumabas.

''Pwede ka ng umangat ng mukha"

Mariin akong napapikit ng marinig ulit ang boses ni Gio.

"I have a girlfriend and her name is Mierra"

Hindi ako nakagalaw sa narinig.

"Hindi ko alam kong bakit sinasabi ko to sayo. Alam kong naiinis ka sakin dahil palagi kitang inaasar. Pero ayokong isipin mong pinagtatawanan kita pagkatapos mong mag-tapat sakin ng feelings. Hindi ako ganung tao. Ang bata mo pa, Klen. Maraming lalaki pa ang makikilala mo diyan sa tabi-tabi"

MEMORIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon