CHAPTER 29❤ This Is So Unfair

45 1 0
                                    

( Patty )

Tulala akong naglalakad pauwi sa bahay namin. Hindi ako nagpasundo sa driver namin upang makapag isip-isip pa. Naririto na ako sa labas ng subdivision kung saan kami nakatira.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagawa sa akin ito ni Lina. Wala akong maisip na dahilan para traydurin niya ako. I treated her as my friend, para na nga kaming mag best friend e. Iba kasi siya sa mga estudyante dito, she's pure at hindi siya nag-alinlangan na lapitan ako kahit na bago lamang ako sa school na ito. Kaya't masakit para sa akin na makitang inaangkin nito ang kwento namin ni Gelo sa harap mismo ni Prince.

Bakit hindi ko nakilala agad si Prince na siya pala ang Gelo na hinahanap ko? Siya ba talaga si Gelo? Paano nalaman ni Lina na si Prince si Gelo?

Masyado ng maraming tanong ang umiikot sa utak ko. Ang isang tanong lang na kinatatakot ko ay kung maniniwala ba si Prince kay Lina na ito ang nakasama niya sa ampunan?

May takot akong naramdaman. Paano kung paniwalaan niya si Lina. Paano ako? Napahinto ako sa paglalakad. Dinama ang aking pisngi, basa na pala iyon ng aking luha ng hindi ko namamalayan. Kumirot ang aking dibdib.

"Hindi ko kaya." matapos ko iyong sabihin napaupo ako sa tabi ng kalsada. Yumukyok ako sa aking mga tuhod at doon umiyak ng umiyak.

This is not pair. Matagal ko ng hinahanap si Gelo. Nasa harapan ko na pala siya tapos hindi ko man lang alam. "Ang tanga tanga mo Patty." turan ko sa pagitan ng mga hikbi at iyak.

Naalala ko ang sinabi ni mommy, lilipat na nga pala ako ng school. Bakit ganito? Ang unfair. Ayokong umalis. Gusto ko pang makilala si Prince. Gusto kong mapatunayan na siya nga si Gelo. Gustong makilala niya ako, na ako ang batang babae na palagi nitong inililigtas sa mga bully na bata noon sa ampunan. Gusto kong maalala niya ako.

Ilang minuto rin ako sa ganoong posisyon at nang ako ay kumalma pinahid ko ang aking luha at tumayo. Hindi ako aalis, pipilitin ko sila mommy na dito na lang ako mag-aaral. Patutunayan ko sa kanila na wala akong dahilan para lumipat pa.

Nagkaroon ako ng pag-asa. Huminga ako ng malalim at saka naglakad papunta sa bahay.

Naririto na ako sa gate ng bahay namin ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Huminto ako at hindi muna pumasok sa bahay.

( Hello Cutie Pie. Bakit hindi ka pumunta sa auditorium kanina? )

Ang sabi sa text na natanggap ko galing kay kuya Niko.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Nakatitig lamang ako sa screen ng cellphone ko. Mula kasi kanina na makita ko sila Lina at Prince malapit sa auditorium hindi na ako tumuloy pa roon at hindi na ako pumasok pa sa mga subjects ko. Sabihin ko ba ang nangyare kanina sa pagitan nila Prince at Lina? Na pa-sekreto akong nakikinig ng usapan ng dalawa? Na nasasaktan ako dahil sa ginawa ni Lina. Napailing ako. "No, hindi naman na nila dapat malaman pa iyon." turan ko saka nag-type.

( Sumama kasi ang pakiramdam ko kuya Niko. Pasensya na kayo. )

Isang message pa ang natanggap ko, galing naman iyon kay kuya Renz.

( Patty, bakit hindi ka pumasok sa dalawang huling subjust natin? Masaba na ang pakiramdam mo? Safe ka bang nakauwi? )

I smile matapos kong mabasa ang text na galing kay kuya Renz.

( Okay na ako kuya Renz, medyo nahilo lang ako kanina. Pero okay na ako ngayon, don't worry. Pasensya na kayo at pinag-alala ko kayo. )

Matapos ko iyon i-send isinilid ko na sa bulsa ng palda ko ang cellphone. Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa taas kung saan naroroon ang kwarto nila mommy. Gusto ko silang makausap about sa paglipat ko ng school. Hindi ako lilipat, ayoko.

Her Name Is Monique ( Zairin Boys Series #1 ) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon