CHAPTER 38❤️ Announcement Part 2

66 2 0
                                    

( Patty )

NAGUGULUHAN ako. Marahang lumapit sa akin sila mommy at daddy ngunit umatras ako.

Hindi pa man malinaw sa akin pero may kutob na ako.

"Patty, baby please. Magpapaliwanag ako."

"Ano pa ba ang ipaliliwanag mo sa kanya Janice? I treated you like my own sister and my best friend pero ganito ang igaganti mo sa akin."

Naiiyak na turan ni Tita Kelly.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil bigla iyong kumirot. Pakiramdam ko hindi ako makahinga.

"What the heck is going on?", singit ni Lina.

Napakunot noo ako.

Naglakad ito papalapit sa amin. "Wait! Tita Janice, You knew her? Matagal na kayong magkakilala? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Tita? Bakit ang casual niya lang makipag-usap kay mommy? Ano ba talagang nangyayare?

"Shut up Lina!"

"Lina, totoo pala Hija, kasabwat ka nila Patrick at Janice sa panloloko sa aming lahat."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig na sinabi ni Tita Kelly. Kasabwat?

"I..... No! I can explain."

Hindi makapaniwala ang mga tao. Walang ni isang nagsalita at nakikinig lamang ang mga ito.

"Why did you do that Janice? Alam mong kaya kitang tulungan kong sa business ang problema mo pero bakit dinamay mo pa ang mga anak ko?"

"Don't film us, you idiot!", historical na sigaw ni Lina. "Bingi ba kayo? Huwag niyo kaming i-film."

Tinulak-tulak pa niya ang mga kawawang taga media at nagwala. Mabilis lumapit ang mga Zairin boys dito at sinubukan siyang pigilan.

"Ako si Monique, ako ang nawawalang anak niyo.", patuloy pa rin na sigaw nito. "Wala nang iba."

Dumating na ang mga pulis at itong mga ito na ang pumigil kay Lina.

"You set it up, do you? Plinano niyo ito. You!!!"

Dinuro-duro ni mommy si Tita Kelly. Akma sana itong lalapit sa mga Dela Vega ngunit naharangan na ito nang mga pulis. Nagpumiglas ito at pinipilit na makalapit.

"Mommy." umiiyak na turan ko.

Bigla itong kumalma saka tumingin sa akin.

"Please tell me the truth. Ano po ba ang nangyayare?"

Umamo bigla ang mukha nito at mabilis lumapit sa akin.

"Baby, please makinig ka. Don't cry, okay?", anito habang marahan na pinapalis ang mga luha sa aking pisngi.

"I want to know the truth, please."

Natigilan ito at ilang segundong nakatitig lamang sa akin.

Sobrang tahimik nang paligid. Aakalain mong walang katao-tao roon.

"Please.....mommy."

Nagsimulang mamasa ang mga mata nito habang nakatitig pa rin sa akin.

"Baby."

Kinuha ko ang dala-dala kong sling bag. Hindi ito nagsalita at hinintay lamang kung ano ang gagawin ko.

Kinuha ko ang nakatuping papel sa loob. Alam ko wala pa itong kasiguraduhan ngunit gusto kong malaman kung bakit may birth certificate ni Monique sa bahay namin. Palagi ko na itong dala kahit saan ako magpunta simula nang makuha ko iyon.

Her Name Is Monique ( Zairin Boys Series #1 ) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon