CHAPTER 33❤️ Kuya Vince

42 2 0
                                    

( Patty )

Naguguluhan talaga ako. Bakit bigla nagsungit si kuya Renz. I mean bihira ko siya makitang galit at ngayon nga ay matindi iyon.

Si Lina. Mas nakakaintriga na ang dalaga. Hindi ko na talaga alam kung ano ba ang binabalak niya. Hindi ko na siya kilala.

'Santy?'

Bakit feeling ko narinig ko na dati ang pangalan na iyon? Paano nalaman ni Lina iyon? At bakit ganoon na lang magreact si kuya Renz? Bakit nawalan siya ng malay?

"Pat-pat!"

"Hey! Pat-pat. Lalim naman ng iniisip mo."

Napa-angat ako ng ulo sa pagkakayuko at tumingin  kay kuya Vince ng tawagan ako nitong muli matapos namin lumabas sa kwarto ni kuya Renz sa clinic habang naglalakad sa hallway. Nasa unahan ito kasabay nila kuya Niko at Prince na katabi naman si Lina. Huminto ang mga ito at nagtatakang tumingin kay kuya Vince.

"Huh? B-bakit kuya Vince?"

Sobra bang occupied ng pag-iisip ko at hindi ko agad siya naririnig?

"Gusto lang sana kitang tanungin kong gusto mong kumain, my treat." anito na parang nahihiyang ngumiti habang napapakamot sa batok.

"Anong meron dude at para kang sinapian? Si Renz lang ang madalas magyaya kay Cutie Pie para kumain kasi talagang patay gutom 'yun, acceptable 'yun, pero bakit ikaw naman ngayon ang nagyayayang kumain kay Cutie pie? Patay gutom ka na din Vince?"

Issue talaga itong si kuya Niko. Minsan ang sarap tampalin sa noo.

Napatingin ako kay Prince ng bigla sumeryoso ito at tumingin kay kuya Vince habang nakapamulsa ang dalawang kamay.

Sumeryoso rin si kuya Vince at tumayo ng tuwid at nagpamulsa rin ng dalawang kamay saka binalingan din si kuya Niko. "Bakit bawal ko na bang yayain kumain si Pat-pat? Any problem with that Niko?" sabi ni kuya Vince kay kuya Niko. Mas naging seryoso ang atmosphere ng balingan din nito si Prince. Nagtititigan lamang silang dalawa at nagsusukatan ng tingin.

'Teka! Anong meron? Natahimik ang lahat. 'Bakit biglang naging tensyonado ang paligid, pagkain lang naman 'yun.' >_<'

"Ehemm!" nagtanggal ako ng bara sa lalamunan at alanganing ngumiti para pagaanin ang tensyon sa paligid. "Ano, tara kuya Vince kain tayo." sabi ko saka hinawakan sa braso si kuya Vince at hinila ito. Hindi ko na tiningnan ang mga naging reaction nila at patuloy lang sa paglalakad habang hila-hila pa rin si kuya Vince na naramdaman kong nagulat sa ginawa ko.

"Pat-pat, saan tayo pupunta?"

"Huh? Ay sorry kuya Vince." hinging paumanhin ko sabay hinto sa paglalakad at marahan na binitawan ang braso nito.

"Ang cute mo talaga." anito saka marahan akong pi-nat sa ulo. "Let's go, kain tayo. Treat ko." sabi nito kasabay ng paghawak sa braso ko. Ngayon naman ako ang hila-hila niya.

Napatitig ako roon saka tumingin sa likuran ng binata. Napangiti ako, sa magulong utak ko ngayon may isang tao na nagmamalasakit na pagaanin ang paligid ko. Hindi man sabihin ni kuya Vince, alam ko he is trying to help me.

Masayang kasama si kuya Vince ngayon ko lang siya nakasama na kami lang dalawa. Makulit din siya at nakakadala ang mga tawa at ngiti nito. Ngayon lang kami nagkaroon ng time na ganito, madalas kasi sila kuya Renz ang kasama ko.

"Now I can say bumalik na si Pat-pat. Okay ka na ba?" nakangiti nitong tanong.

Nakangiti naman akong tumango sa kanya. "Salamat kuya Vince."

"Actually, may sasabihin din kasi ako sa'yo."

"Ano ba 'yun?"

"Can you stop calling me kuya Vince."

Her Name Is Monique ( Zairin Boys Series #1 ) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon