CHAPTER 34❤️ Nilalaman Ng Kahon

42 2 0
                                    

( Renz )

"This is fake mom."

"Paano mo nasabi Renz. This is a DNA Test na nareceived namin ng dad mo this morning. And it says na school mate niyo siya."

"Yes, pero mali, hindi siya nag totoong Monique mom. She planned it kasabwat ng mga tita at tito niya."

"What? But it says that she is an orphan."

"Ano ang mga alam mo Renz, anak?"

Dad asked me with his serious look inalalayan nito si mommy na malapit ng maghisterical.

"Tatlo kami nila Lance at Prince na nag-iimbistiga. Tulad niyo nakareceived din kami ng about sa DNA Test about that woman pero mom, dad hindi yan totoo. Huwag kayong magpadala sa mga taong gustong sirain na naman tayo."

Natahimik ang mga ito. Inilabas ko ang recording at kitang kita ko ang gulat sa kanilang mga mukha. Napatakip pa si mommy sa bibig habang inaalalayan pa rin ito ni dad.

"Rinig na rinig namin ang mga sinabi ng babaeng iyan na nagngangalang Lina habang kausap ang tita at tito niya. Marami silang mga pinaplano agains us especially Monique."

"This is ridiculous!" gigil na turan ni dad.

"Paano nila nalaman ang tungkol sa kapatid mo? Itinago natin ito sa lahat at sinigurado ng dad niyo na walang nakalabas sa media noon." mom said habang nakakunot noo.

"May isa pa dad, mom."

Inilapag ko ang isang envelope sa harapan nila. Nanginginig na kinuha iyon ni mommy.

"Nakuha ko yan after class kanina ng tawagan ako ni Doc. Hernandez, kasama ko si Lance dad."

Hindi ko na sinabi sa mga ito na hindi na ako nakadalo sa mga klase ko kanina dahil nasa clinic ako buong maghapon. Alam ko kasi na mag-aalala pa ang mga ito.

Marahan iyon binuksan ni mom sa nanginginig na kamay. I know this is too much for her. She misses her daughter Monique noon pa man at ganoon din naman kami.

Napaiyak si mommy at napatakip ng isang kamay sa bibig habang binabasa ang nakasulat at makita ang mga litrato doon.

"Monique! Ang baby ko, she's alive." mom said while crying.

"Tiniis ko ang lahat mom, dad para makuha lang lahat ng katibayan laban sa kanila. Tinulungan ako ni Prince at Lance and I owe them a lot."

"Pagbabayaran nila ang lahat! Maghanda kayo, bukas na bukas rin magsasampa ako ng kaso laban sa kanila dahil sa mga ginawa nila sa pamilya natin." gigil na gigil na sabi ni dad. Niyakap naman ito ni mommy na umiiyak pa rin.

"Dad. I have a favor to ask first before we do that."

"Ano 'yun?"

"Mas mabuti sana kung makausap muna natin si Patty about dito. She will be shock, hindi niya alam ang tungkol dito, ang mga kasamaan na ginawa ng mga umampon sa kanya at ni Lina na pamangkin ng mga ito. At alam ko napamahal na siya sa mga ito."

Tumango naman ang mga ito kahit alam ko labag iyon sa mga ito.

"Una pa lang na makita ko siya, alam ko siya si Monique. Ang baby ko, my Princess Monique." humahagulhol na sambit ni mommy.

"I know. Iyan din ang naramdaman ko noon mom at hindi ako nagkamali."

Kung ako ang tatanungin ngayon pa lang gusto ko na silang lusubin at ipahuli sa mga pulis pero si Patty ang iniisip ko. Magugulat siya at masasaktan.

-----+++-----

( Patty )

Nagulat ako ng makatanggap ng text message galing kay kuya Renz.

Her Name Is Monique ( Zairin Boys Series #1 ) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon